Slow Animals

180 3 1
                                    

Grocery shopping. Tulad ng pagligo, pagtingin sa kawalan, pagtae at pag-aaral, ito 'yung tipo ng activity na nagbibigay sa 'yo ng oras para magpalipad ng utak at magnilay-nilay, magbasa ng bote ng shampoo, o maalala lahat ng katangahang nagawa mo sa buhay.

Ngayong summer, isa lang 'yan (grocery shopping) sa dalawang dahilan kung bakit lumalabas ako ng bahay. Ang isa pang dahilan ay kapag kailangan kong pumunta sa registrar ng alma mater ko para kunin ang 8925723748 requirements para sa enrollment sa college. At wala nang iba. That further proves na kailangan ko talaga ng social life. I have friends, but, uhh... seriously. I have friends. Moving on...

In an attempt to "eat healthy", so to speak, bumili ako kanina nung yoghurt na may live microorganisms kuno. Surprisingly, it was a pleasant experience. Not. Nung una, in-expect kong mala-froyo ang lasa niya. WRONG. Turns out its taste made me want to gag and cry simultaneously.

Maari nating i-justify 'to dahil kinain ko 'yung yoghurt in its purest form, meaning hindi ko hinaluan ng prutas or asukal or those countless toppings you can get at Red Mango. Purest form. Yoghurt lang talaga. Lusaw, hindi frozen. Hindi ako sure kung ganito ba talaga ang correct method ng pagkain ng yoghurt na 'to pero ito ang ipinahiwatig nung serving suggestion, eh.

Saludo na tuloy ako sa mga health fanatics. Ayoko namang mag-generalize at magsabing lasang cardboard/lupa/anghit ni Satanas lahat ng pagkaing "healthy" pero, uh, prove me wrong. Baka hindi lang ako sanay sa lasa niya. Hihintayin ko na lang sigurong mag-deteriorate 'yung taste buds ko para ma-appreciate ko siya.

===

Ako 'yung taong madalas sumasakit ang ulo. Literally. Funny how my mom always blames the computer pagdating sa mga sitwasyong ganito. "Sumasakit ang ulo mo dahil sa computer." 

Solution: Bumalik sa computer para magpost ng State of the Ulo Address sa Wattpad.

Grabe kasi 'yung sakit ng ulo ko kagabi, parang minamartilyo. Almost made me want to get my skull trepanned. Aara sa mga taong hindi alam kung ano ang trepanning, it's an obsolete medical procedure wherein the doctor bores a hole into the skull of the patient. The more you know!

Pero malamang placebo lang 'yun, meaning hindi siya beneficial sa health nung patient... in some instances, detrimental pa siya. And futile. Pero kung gusto mo pa ring magpabutas ng bungo in an attempt to look hardcore, I'm not stopping you.

===

"Idol ka talaga nung kaklase mo 'no? True beauty ka raw ng campus." Naging friend ng nanay ko sa Facebook 'yung nanay ng kaklase ko noong 4th year, which means chaos will surely ensue. Pagkatapos masamid 'yung kapatid ko sa suman at mabilaukan ako sa chicharong bulaklak, syempre kailangan kong i-deny 'yung allegation - partly because I'll look like a stuck-up arsehole otherwise and partly because I believe na isa 'yang malaking joke.

Afterwards, nag-lecture ang nanay ko about how "self-deprecation is just another form of arrogance" and all that. Masyado pa akong bobo para ma-gets ito at this point in time. 'Di bale, baka tumalino ako sa college. Take 2!

"Self-deprecation is just another form of arrogance" - o sige, sabihin nating subjective 'yan so tama ang nanay ko in a way. I'm looking at you, people who put "AMPANGET KO" as a description on their selfies and getting mad when someone concurs.

Pero ano, I see where the "ampanget ko" peeps are coming from with this. I, for one, believe na mukhang pwet ng hippopotamus ni Satanas ang mukha ko. Lalo na kung bagong-gising ako, o sinisipon, o humihinga. Alam mo 'yung kapag nasobrahan ka ng titig sa isang bagay e makikita mo 'yung imperfections, tapos tititig ka ulit, tapos imperfections na lang ang mapapansin mo? Eh, 'yun nga 'yun. Hindi nga lang ako nag-u-upload ng selfie.

Ikinukwento pala ako ng mga kaklase ko sa magulang nila. In retrospect, marami akong sinabi sa mga kaklase ko na R-Rated (R lang, hindi NC-17, get your mind out of the gutter). Well... pumasok 'to sa isip ko: I don't open up for a reason; or rather, I shouldn't open up. I have the right to remain silent kuno, everything I say can be used against me lalo na kapag tumatakbo na 'ko bilang dictator ng Pilipinas.

Eh, sabi nga nila, "to err is human". Let's just consider this mishap as an event from which we can obtain a crucial lesson. That lesson is... ingat-ingat din sa pag-spill ng juicy goss 'pag may time!

P.S. Segue muna: Pakyu enrollment, ang hirap mo. Pakyu rin sa gumawa nung instructions kasi nakakabobong basahin. Naisip ko lang, sa mga sitwasyong ganito nababagay ang comic sans at shitty clipart.

-x-


HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon