Soy un Dorito: Vegan police and remapping the human soul.

67 4 0
                                    

[DISCLAIMER: Utang na loob, world peace yow. Jah love.]

I've encountered a lot of very colorful people here in college. Ito ang isa sa mga kwentong ibig kong ibahagi sa kung sino mang adbot ang nagbabasa nito.

*fade in*

Noong unang panahon, kumakain pa ang pamilya ni Kim (hindi tunay na pangalan) ng mga kinakain ng mga karaniwang tao tulad ng hotdog at bacon; ngunit makalipas ang ilang panahon, naisipan ng magulang ni Kim na maging vegan, at naisipan rin nilang mas mabuti pang puro gulay na lang ang ipakain sa kanilang mga anak.

Or maybe not. (You mean gelato isn't vegan? Do vegans eat fried eggs?)

Tinanggal na nila sa kanilang diet ang mga regalo ng Panginoon sa sangkatauhan tulad ng bacon, hotdog, at chicharon. Naging vegan sila and in turn, nagkaroon sila ng SUPERPOWERS!

The end.

.

.

.

Now that brings us to this: Tama bang i-embed sa utak ng mga bata ang iyong beliefs and lifestyle? Kahit na you believe that it's "for their own good." As time goes by, 'yung bata naman ang mag-pe-perpetuate nung mga bagay na 'yun. (Healty living is awesome, though. May valid na dahilan ang pamilya ni Kim sa lifestyle na ito, pero hindi lahat ng case ay katulad nila.)

Sabi nga roon sa isang nabasa ko dati: Kapag tinanong ka ng anak mo kung saan nanggaling lahat ng bagay sa mundo, sasagutin mo ba siya ng "Sa Diyos. Kapag hindi ka naniwala, lulubog ka sa kumukulong lawa ng lava at tae." o "May mga naniniwala na nanggaling ito sa isang supreme being. Mayroon namang naniniwala na nanggaling ito sa marangya at kumplikadong proseso, without the help of a supreme being... Ikaw anak, saan sa tingin mo nanggaling lahat ng chukchakchenes sa kalawakan? Tinutubuan ba ng halaman ang libag? ... Ay, wait lang anak! May joke ako. Ano'ng tawag sa cruise ship ni Katy Perry? Eh 'di Super Perry! Hahaha. Anyway..."

I think we should be allowed to exercise our right to "think freely," eka nga. This does not mean na pwede na tayong gumawa ng nasty bullshit--I think discipline, morality, and not letting your biases deprive others of fundamental human rights are still paramount--but I want to live in a world where you could believe in what you want to believe in without being subject to immense hate for being different. Cultural relativism and learning to have an anthropological understanding of the world will make us better off, for the most part.

Sige, gets ko kung magagalit ka dahil iba ang paniniwala ng anak mo sa pinaniniwalaan mo, pero, dude. Let's not be control freaks. As long as your child is not wreaking havoc, kailangan bang gawing problema ang hindi dapat problemahin? Let's say na sa tingin mo ayos lang ang ginagawa mo dahil ikaw ang bumubuhay sa kanya... okay, but let's try to be more open to suggestions and criticism na lang siguro?

Peace, yow.

-x-

ADDITIONAL NOTES:

[1] Isa talaga sa mga topic na madadaan dito ang religion. Sabihin nating theist ka at gusto mong dalhin ang anak mo sa simbahan. I say, gorabels lang. Kung nagustuhan ng anak mo, edi yehey! Otherwise, well... ewan ko. Ignoramuses typically stigmatize people who aren't very religious as cursed abominations with no morals. Unsurprisingly enough, faithfulness and kindness are not mutually exclusive. Sa tingin ko maidadaan naman ang problemang 'yun (anak na ayaw magsimba, magiging living incarnation of a devil ba?) sa mahusay na edukasyon. Dagdag ko lang, malaki rin ang impluwensya ng socio-economic upbringing at implicit moral assumptions dito. The nice people you know may have only been conditioned to repress their carnal desires. Not all non-believers are immoral and not all believers are the nice, non-condemning, altruistic heroes they are said to be.

[2] Doon sa chukchakchenes sa pamilya ni Kim, hindi ko rin alam kung ano'ng meron doon. Hindi siguro ma-sikmura ng magulang ni Kim na magluto ng hotdog para sa kanya dahil vegan sila, kaya ginawa na lang din nilang vegan si Kim... Naiintindihan ko 'yun, pero hindi ko maintindihan kung bakit bawal din si Kim kumain ng tender at juicy na hotdog sa Robinsons o kumain sa McDo. Siya nga pala, bigla ko tuloy naalalang kakakain lang ni Kim sa McDo kasama ng blockmates namin noong isang araw, so bakit ko pa ba isinulat 'to...

[3] Guys, wala akong galit sa mga vegan. Hindi lang talaga ako mahilig sa gulay kaya siguro na-intriga ako noong ikinuwento sa akin 'yung nasa itaas. Ano ba mararamdaman ko kung gustong bumili ng beer ng anak ko kahit na hindi ako umiinom ng beer? Sasabihin ko sa kanyang doon na lang siya sa tatay niya manghingi ng pera. (Biro lang.)



HippopotomonstrosesquipedaliophobiaWhere stories live. Discover now