★ No parking dito, gago! (selfie muna sa Jollibee while you wait)

64 5 0
                                    

Minsan kailangan mo lang talagang umuwing empty-handed.

In contests, hindi pwedeng manalo lahat. Ba't pa siya tatawaging contest otherwise? Hindi naman pwedeng pare-pareho lang ang skill level ng lahat ng sumali. Pointless, kumbaga. Para lang siyang beauty pageant ng pitong robot na magkakamukha. Even so, hindi mo pa rin siguro masasabing completely identical sila: siguro mas aesthetically pleasing or stimulating ang combination of numbers sa serial number na naka-engrave sa pwet ng isang robot kumpara sa isa. Well, that's quite a weird criterion for judging, pero sino ba tayo para mag-judge...

...and yes, there are people who find mathematics and numbers "beautiful." Tulad na lang ng mga tao naghirang sa Euler's identity [e^{i \π} + 1 = 0] bilang most beautiful theorem. Truth be told, hindi ko sila ma-gets. Then again, there are a lot of things I don't understand. May incorrigible bigots na nagkakaroon ng Ph.D, may mga taong sumusuporta sa mismong nag-o-oppress sa kanila, may kaibigan akong nagsasagot ng calculus problems for fun, hindi pwedeng i-bucket ang Hotchix ng Mini Stop.

Pumasok lang 'to sa isip ko kanina dahil sa in-attendan ko na, um, contest nga siguro, kung tutuusin. Para siyang two-in-one na Mr. and Ms. Freshie pageant at contest for best block. Dalawang blockmate ko ang kasali sa pageant. In the end, wala kaming napanalunan na premyo kundi ang puso ng isa't-isa. At that moment, inlababo na nga siguro ako sa block ko.

...

Hindi kami pinapasok agad sa venue kasi mahaba na 'yung pila sa labas. Malamang. Bago kasi kami pumunta roon, natagalan ang ilang blockmate ko sa Jollibee ng Robinsons dahil ang dami ring tao tapos naubusan nanaman yata sila ng regular-sized na cup. Ang hirap din kayang i-kembot ng daan mula Robinsons hanggang campus kapag marami kang dalang pagkain. Sa tingin ko, mas mabuti siguro kung kumain na lang kaming lahat sa Jollibee at nagpa-late kasi hindi rin naman kami makakakuha ng matinong pwesto sa loob ng auditorium.

Hindi yata inexpect ng logistics department na ganito karaming bata ang pupunta sa event kaya naiwan na lang kami sa ere. So ang ginawa nila, pinahintay kami sa labasan (parang maliit na kwartong malayo-layo sa auditorium) tapos dalawang beses daw magpe-perform 'yung mga kasali sa contest: una, sa auditiorium mismo. Ikalawa, sa harapan namin. Ang mabangis doon, super sikip sa kinalalagyan namin so hindi mapapansin nung crush kong contestant kapag binunutan ko siya ng buhok habang sumasayaw siya sa harap namin.

A few moments later, nag-perform na ang contestants. Ang ingay ng ibang block, putek. Wala ako gaanong narinig o nakita pero ang alam ko, nagsayaw si crush ng Bar Bar Bar. Kumanta yata 'yung blockmates kong contestants, ewan. Pagkatapos ng performances, medyo nag-stagnate rin ang charisma ng mga batang pawis sa labasan (kami 'yun) at mga contestant sa pageant (sila 'yun). Malabo na sa akin ang sumunod na mga pangyayari, pero nagpalabas na lang yata sila ng mga AVP na related sa university organzations and other school shit habang hinihigaan na namin ang isa't-isa. Ang dilim din noong time na 'yun so hindi na rin ako magugulat kung may naglalaplapan sa likuran. Saan sa tingin ninyo nanggagaling 'yung mga inilalagay nila sa confession pages? Sa imahinasyon ng limang daang sawing puso na nabubuhay sa panlilinlang sa sarili, nakikipaghalikan sa sarili nilang Tyler Durden?

Nagsawa na sa kahihintay 'yung iba kong blockmates kaya umuwi na sila't kumain. In the end, sampu na lang kaming natira sa block pagdating ng alas-singko. Nag-stay lang ako because I had nothing better to do at the dorm.

Hindi naglaon, pinapasok na kami. Mga 5:15 PM na yata iyon, aburido na siguro 'yung contestants na naiwan ang fanclub sa labas ng auditorium. Shit happens. Aburido na rin kami kaya ginamit na lang namin ang oras namin para punahin 'yung mga sagot ng ibang contestants sa Question and Answer portion.

.

[SCENE: Sa auditorium. Napakaingay ng ibang block, may mga lobo't poster sila and shit. Sumabog na 'yung mga lobo namin. May blockmate akong nagsisikap pantayan ang charisma nila sa pamamagitan ng pagtaas ng isang folder na may print ng block number namin.]

.

Umarangkada na si contestant number chuchu, wearing an Americanong binili ng magulang niya for his JS prom. Panay ang ngiti ni contestant number chuchu, parang sisisantehin kung hindi ka mabentahan ng vegetable slicer sa mall kaya nagsisikap i-amp up ang bullshit quotient niya. Maingay ang kabilang bloc, nagchi-cheer para sa blockmate nilang contestant na hindi pa naman tinatawag noong time na iyon. Ingrained na sa atin ang bastusan kaya hindi na tayo aware sa repercussions niya. Who cares about that, though? Bumubunot na si contestant number chuchu ng papel na may pangalan ng judge na magbibigay sa kanya ng tanong. The atmosphere is tense. Nangagawit na ang ibang contestant sa kakatayo. Ano'ng pake namin kung malulukot ang gown? Paupuin na ninyo sila! Kaso may photo-op pa mamaya. No pain no gain, girls! Anyway, nakapili na si contestant number chuchu ng judge, and thus the moment of truth comes:

"Saan dapat mag-CR ang isang transgender female?" the judge asks.

"Uh, ano po, sa men's CR, kasi bigay po sa kanila ni God 'yung sex organs nila. Adam and Eve, not Adam and RuPaul!" the contestant answers, smiling. Nag-pa-process pa sa utak namin ang sagot ni contestant. Nag-pa-process, nag-pa-process... tangina, kantyawan na natin 'to.

"P&%@#$*#@," some seatmates and I whisper. Malamang, sa women's CR siya dapat pumunta! Silly contestant. Hindi mo naman kasalanang ganyan ka pinalaki ng magulang mo. Dapat pala nilakasan pa namin ang kantyaw.

(Cue generic background music.)

Papasok na ang susunod na contestant, si contestant number kemerloo! All smiles din siya. Malamang. Keep the fighting spirit alive, kemerloo! Nagkakamot ng likod ang isang estudyante sa audience, kating-kati naman ang isa para sa isang ciggy break. Tangina, may bible study pa yata sa dorm ko ngayon. Paano ako makakakuha ng lakas ng loob para mag-aral kung hindi ko ipagdadasal 'yung katabi ko sa group prayer na pasmado ang kamay? Habang pinag-iisipan ko 'to, nakapili na rin si contestant number kemerloo ng judge, at ito ang tanong na napunta sa kanya:

"Kung may kakayahan kang mag-transform sa isang fungal infection, aling bahagi ng human body ang pipiliin mong i-infect?" tanong ni judge. Ngumiti. Natuwa yata siya sa suot ni contestant number kemerloo. 'Di naglaon, nasabi na yata ni contestant number kemerloo lahat ng pwedeng sabihin except 'yung sagot sa tanong ni judge. Ay, 'nyeta. Huwag na nga 'yan. Papasok na si contestant number chenebells, at aburido na kami sa gutom. Buti pa sa Araneta, may nagbebenta ng pagkaing 300% yata ang markup. Pakana mo ba 'to, Mar? Mas gugustuhin ko pang kainin ang kalyo ko. That is, kung hindi pa siya na-infect ni contenstant number kemerloo. Anyway, nakatikas na si contestant number chenebells. Madilim ang gabi. Sana wala pang ipis sa labas.

May tanong yata si judge tungkol sa state of the nation, or sa love. Hindi ko na maalala kasi nakatitig ako sa poster nung contestant na crush ko. Ginamit ni contestant number chenebells ang fallacy of relative privation. Nakakuha siya ng prize.

.

Hindi ko lang alam kung alam ng dalawa naming [contestant] blockmates na nag-e-exist pa rin kami. Kinawayan naman kami noong isa nang sinigawan namin siya dahil kung anu-ano lang din ang sinagot niya sa Q&A. Siya nga pala, nasabi ko na bang muntik na nila akong isali sa contest na 'to? 'Twas some crazy shit. Masaya naman sa audience dahil katabi namin 'yung mga poster na may mukha ng contestants. Gusto ka sana kuhanan ng litrato 'yung poster ni crush, kaso may tunog ang camera ng MyPhone.

Natapos na rin ang contest soon after. Bumalik na ako sa dorm, nag-Jollibee yata ulit sila. Hindi ako nakasama dahil 8 PM ang curfew. Pag-uwi ko, nalaman kong 10 PM pala.

Minsan kailangan mo lang talagang umuwing empty-handed, kahit na dalawang araw kang halos walang tulog, kahit na nagtatrabaho ka pa rin habang nilalagnat at sinisipon ka (at ang blockmates mo), kahit na pota, hindi mo na nilasap 'yung Jolibee value meal mo, matapos mo lang pintahan 'yung mga mukha ng blockmates mo at magpalobo ng mga lobong puputok din naman bago magsimula 'yung mismong competition! Shit!

At 'yan, mga bata, ang nagpapatunay sa atin na ang pinakamahalagang bagay na ating maaring makamit sa mga contest ay hindi title at premyo (dahil wala naman talaga in our case), kundi ang pinatibay na teamwork at fighting spirit. NG BLOCK.

Host: And the best block goes to...

Blockmate: PARANG AWA NIYO NA!

Host: ...anyone but you.

*palakpakan*

[Pero sayang talaga 'yung prize na gift certificate...]

--x--


HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon