Holler, Hell-er! (Welcome to Hell, Part 2)

23 4 0
                                    

[God, yes. Nagdadrama lang ako sa unang bahagi ng chapter na 'to. Sinulatan ko ng salitang "psychiatrist" 'yung kaliwang kamay ko para kunwari may kausap ako habang nagtatype. Kaso ano, joke lang 'yun dahil wala akong matinong ballpen.*]

.

.

.

Just when you thought it won't get worse, hell tears you a new one!

Long story short, nasa ibang campus na ako--I'm not going to lie, I feel very lost right now. My relatives are going "Much opportunities! Such wow! PUTANG INA KA PASALAMAT KA MAY OPPORTUNITY KANG LUMIPAT DIYAN." (Tapos iinsultuhin nila 'yung dati kong campus, as if nakapag-aral din sila roon.) Totoo ngang mas maraming magaling na prof at intellectually stimulating extracurricular activities, but I miss my friends and I miss having something I can look forward to every day. I have emotions and it's taking a toll on my plans for building an evil robot army. Yikes.

Pinangarap ko ito noon. Nagbalak talaga ako (at buong angkan ko, at mga kaopisina ng magulang ko, at...) na lumipat. Last year, dalawang undergraduate program ang binabalak kong aplayan doon pero na-realize kong imposible dahil puro math pala ang nasa curriculum nilang dalawa... at bobo ako sa math. Samakatuwid, naisipan ko na lang mag-stay sa unang campus ko. Maganda naman 'yung undergraduate program ko, interdisciplinary. Hindi ka mauumay dahil, uh, interdisciplinary. Polsci, anthro, histo, econ, pag-asar sa kabilang block, pag-inom ng lambanog at 2 in the morning--you name it, we got it! Kaunti nga lang ang math. At saka marami rin namang job opportunity kahit paano. Kahit maisipan kong sumunod sa yapak ng mga corporate slave, pwedeng-pwede.

Kaso nga lang, ako lang yata may gusto noon. Noong patapos na kasi 'yung 2nd sem, nagpaparinig na mga kamag-anak** ko, gusto nila akong palipatin sa kabilang campus. Y'know, mas malapit kasi siya sa bahay kaya pwede nila akong sakalin... at saka mas maganda sa résumé. Charot. Sabagay, sila naman ang nagbabayad kaya wala akong karapatang magreklamo. Nasigawan ako noong nag-imply ako na gusto kong manatili sa unang campus ko. Nasigawan din ako within the earshot of a lot of people noong hindi na ako makapili ng program na papasukan ko sa second campus na ito. Now you know, it's all in the genes! Kaya, ayun. Pumili na lang ako ng dalawang program na malapit sa campus 1 program ko. Natanggap ako roon sa isa, hindi ako nakadalo sa interview ng ikalawa dahil pina-confirm na nila sa akin 'yung slot sa una.

One year ago, I would have thought this was heaven. Pero lol, idealist din ako noon kahit paano. Noong enrollment sa campus two, na-realize kong 'di hamak mas impyerno ang pinagdadaanan ng mga estudyante roon. How can they manage to keep their shit together? Hanga na ako sa kanila, kasi hindi ko kayang gawin iyon.

At hindi ko kinakayang gawin iyon.

Kung tatanungin mo mga kakilala mo at lahat ng daliri sa kaliwang paa ko, sasabihin nilang wala akong karapatang magreklamo dahil para sa future ko rin 'to at walang forever. Mas marami bang magaling na instructor dito? Gago, malamang... mas marami kaya tao rito. Mas maraming course na pagpipilian? Oo rin. Na-o-overwhelm ba ako dahil sa plethora ng bagong pakinsyet sa buhay na mag-isa kong haharapin dahil malayo ako sa mga kaibigan ko at masyado akong walang kwenta para maging sociable sa mga tao rito? Oo, at kung hindi ako naging blockmate ng mga kaibigan ko, malamang wala rin silang pakialam sa akin. Pero labs na namin ang isa't-isa, and hopefully that'll last for a long time.

On the bright side, wala naman yata ditong katulad ng prof kong baby boomer sa campus one na gumagamit ng satirical site bilang reference (hindi niya alam 'yun dahil masyado siyang busy sa pagtanggal ng alikabok sa ikalawa niyang reference, isang libro mula sa dekada '65).

Sa ngayon, hindi kami talo ng campus two program ko. 'Di rin kami talo nung kapwa transferees ko dahil hindi talaga compatible 'yung personalities namin. Walang saysay maging OA o attention whore para lang ipagpilitan ang hindi naman talaga dapat ipagsama. Na-a-appreciate ko 'yung talino ng mga tao, but I don't think the program is for me. Hindi ko lang makita 'yung sarili ko sa field nila--wala rin akong mapiling ibang undergraduate program, soooo... papayagan kaya akong bumalik sa campus one o hahanap nanaman ako ng bagong program sa campus two na hindi ko rin naman type, para lang masaya *SILA*?

Sa ngayon, I don't have the answers. Masarap naman 'yung nachos na kinakain ko ngayon kaya kebs na lang. Uso naman maging puppet.

===

August... August 5 yata, hindi ko na maalala.

Nasa harap ko, at nasa likod ng bus, 'yung mukha ni Kathryn Bernardo. Matagal kaming nagkatitigan dahil traffic sa daan ng campus two. Wala naman ako gaanong reklamo sa traffic noong nasa campus one pa ako kasi tulog ako lagi pero iba rin pala kapag madilim na tapos may mga kinginang readings ka pang babasahin pag-uwi mo.

Speaking of which, ewan ko lang kung bakit kailangang sobrang haba lagi ng readings. At times kapansin-pansin namang paulit-ulit lang 'yung idea, iniba lang 'yung mga salitang kinuha sa thesaurus. Kung ayaw mo maging redundant, huwag ka na lang magpaulit-ulit ng point mo. Easier said than done, pero ang rule of thumb ng Comm prof ko for these kind of situations ay "If you can't make a proper outline out of academic materials, blame the author for being disorganized." Insert another anecdote about the disorder in the real world here.

.

.

.

[SCENE: Sa office ng isang kumpanyang gumagawa ng academic journal, pinapaikot ni boss ang kanyang office chair habang kumakain ng donut. Nakabulatlat naman sa floor ang katawan ng kanyang employee na mukhang zombie.]

Boss: You should add, like, 50 pages pa. NO OBJECTIONS! Big boy ka na, kaya mo na 'to. Come on, just steal random sentences from a Wikipedia entry or something. (Boss takes a bite of his jelly donut, some of the jelly drips onto his shirt.)

Alejandro Arinola: S-sir bakin naman... sino naman ang gustong magbasa ng--

Boss: Gusto mo bang sumweldo o hindi? You know what they say about the market, my dear boy—people want BIG things because it reminds them of burgers! And d***s! Maybe that's just me. Anyway, for the love of Jibbers, kapalan mo pa! P%$@#&^#A!!!

[Note: Actually, hindi ko alam kung hanggang saan maaring umabot ang markup price ng academic journals. Ang tangi kong experience sa pricing ay 'yung TLE class ko noong 4th year kung saan pinalista at pina-compute sa amin ang selling price ng mga pagkain sa halloween party.]

Sa tingin ko mas mabuting simplehan ang wording para maka-reach out ka sa larger audience, but I guess they don't consider that one of their goals. Gusto ba nilang gawing exclusive lang sa academe ang pagpalaganap ng impormasyon o mahilig ang market sa published works na theory-centric and oftentimes perplexing? Magsusulat ka ng essay tungkol sa symbolic exclusion tapos pasimuno ka rin. Charot. 'Yun naman daw ang point ng basic research, it's analysis for its own sake.

Kung i-se-search mo ang "big words" sa Urban Dictionary, two of the entries pretty much pisses on people whose vocabularies aren't as extensive as scholars and keyboard warriors. Yes, laganap ang anti-intellectualism sa bansa. Malungkot nga talaga na mayroong hindi nakakapag-aral kahit gusto at mayroon namang hindi gustong mag-aral kahit isinusubo na lahat sa kanila. Parang titi. Hindi rin patok ang "big words" sa ibang tao (tangina, KANINO ba patok?) since verbosity can alienate laypeople, the ones whom we should help become more competent. After all, hindi lahat ng tao afford magsuot ng ****** at kumain ng Doritos... este... umabot sa higher education at makapag-attain ng degree para maintindihan ka. Eka nga, "If you can't explain it simply, you don't understand it well enough." Hindi man ito applicable at all times, gets naman 'yung point. Another "Albert Einstein" quote. Sure...

Maybe this is just me trying to rationalize my own shortcomings—daming sinabi tapos joke lang pala, 'no. Anyway, point ko lang dito ay [1] Sana hindi na maging out-of-reach ang edukasyon para sa masa, at [2] May research pa akong dapat gawin pero conditioned akong mag-isip na mas ikasasaya ko ang pag-Wattpad. I love the smell of life wasting away.

--x--

* At nakasira nanaman ako ng correction tape.

** Noong hindi ako nakangiti sa sasakyan noon, sinabihan ako ng relative ko na "Nag-a-adjust ka lang, maganda kaya sa campus two! Marami kayong puno!" Tangina. Makapagsalita siya ha, akala ba niya wala kaming puno sa dati kong campus? Mayroon kaya! May noose pa ngang nakasabit.

† Apparently, mas mabuti nang hindi mo gusto 'yung ginagawa mo kaysa wala kang financial security. See? Your old fart relatives DO know everything. (Too bad they didn't make use of their genius noong nag-entrance exam sila kaya sa mga pamangkin at anak na lang nila ini-impose 'yung nawasak nilang hopes and dreams.)


HippopotomonstrosesquipedaliophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon