Chapter Two

198 14 0
                                    

Jael's Point of View

Tapos na ang klase namin para sa araw na 'to. Nag paalam na ako kina Ivy at Cypress para mauna nang umuwi. Tiningnan ko ang orasan, malapit na mag alas kwatro, may trabaho pa ako sa convenient store malapit saamin ng ala sais ng gabi.

Nag uumpisa ng alas otso ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon ang pasok namin, buti na lang maaga kaming na dismissed ngayon kaya maaga akong makakauwi. May oras pa ako para gawin yung mga assignments ko bago pumasok. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin dito maliban na nga lang kung may traffic inaabot ako ng halos isang oras sa byahe.

"Sigurado ka ba na ayaw mong sumabay saakin, Jael? Para maka tipid ka sa pamasahe." Tanong nito nung dumating na yung sundo nya.

Umiling ako. "Okay lang, hindi na, kaya ko naman na. Salamat, Cy. Ingat ka pauwi."

Ibang gawi kase ang daan nila, hassle pag mag papahatid pa ako. Sayang sa gas.

Inantay ko muna dumating yung sundo nya bago ako tuluyang umalis at lumihis ng daan. Kinuha ko ang earphones ko para makinig ng tugtog habang nag lalakad.

Napa hikab ako ng makaramdam ako ng antok. Sa umaga studyante ako pag dating naman sa gabi ay nag nag s-sideline sa malapit na convenience store saamin. Pag uwi ko ay inaasikaso ko muna ang mga kapatid ko saka ako papasok sa trabaho.

Hanggang ala una ng madaling araw ang shift ko, pag uwi ko naman ng bahay hindi pa ako nakaka tulog dahil ginagawa ko pa yung mga assignments ko at yung isa ko pang sideline. Tumatanggap ako ng assignments ng mga kaklase ko kapalit non ay binabayaran nila ko kaya madalas wala talaga akong tulog at puyatan talaga sa pag gawa.

Ang presyo naka depende sa kung anong pinapagawa saakin, minsan ay nakaka-kuha pa ko ng tip mula sakanila kaya kahit tulog at kalusugan ko ang na peperwisyo. Go na Go pa rin.

Napa tigil ako sa pag lalakad ng may makita akong pamilyar na tao hindi kalayuan saakin. Tatlong kalalakihan at ang isa doon ay siguradong kilala ko. Ross.

Nag tatawanan ang mga kasama nya habang sya ay naka tulala sa kawalan. Nagulat ako nang bigla itong nag nag labas ng sigarilyo at sumamyo mula rito.

Naninigarilyo pala sya.

Kinakausap sya nung isang morenong lalaki pero hindi man lang ito nag bibigay ng atensyon naka tingin lamang si Ross sa hawak na sigarilyo.

"Ross! Tara na, nag aabang na sila!"

Nakuha ang atensyon nila Ross ang pag sigaw ng lalaking nasa likod ko, nag kasalubong ang tingin namin ni Ross. Kumunot ang noo niya.

"What are you doing here?" Basa ko sa pag galaw ng labi ng lalaki.

Sasagot sana ako ng biglang lumapit yung lalaking sumigaw sakanila. Matangkad ito kaya natakpan ang naka-upong si Ross. Tinanggal ko ang earphones sa tenga ko, nag babaka sakaling marinig ko kung ano ang pinag uusapan nila.

Yumukom ang kanyang kamao habang nag sasalita ang lalaking kadarating lamang. Hindi ko rinig mula sa kinakatayuan ko ang pinag uusapan nila pero base sa galit na ekspresyon ni Ross at ng mga kasama nya mukhang masamang balita ang sinabi ng lalaki.

Hindi rin nag tagal ang pag uusap nila dahil agad din silang umalis. Nilingon pa ako ni Ross bago sya sumunod sa tatlong lalaking kasama nito kanina.

May nabuo tuloy na kuryosidad sa isip ko kung ano ang pinag uusapan nila na naging dahilan ng pag guhit ng galit sa mukha ni Ross.

Bumalik ako sa wisyo nang may bumangga sa braso ko. Tiningnan ko ang kanina ay pwesto nila Ross, wala na sila at hindi ko na rin matanaw ang apat na lalaki. Nag kibit balikat ako saka nag patuloy na sa pag lalakad. Nag mamadali na ako maka sakay ng jeep dahil malapit na mag rush hour.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now