Chapter Six

104 6 0
                                    

Jael's Point of View

"Ate Jael!"

Napa balikwas ako sa pag kakahiga ng may biglang sumigaw sa tenga ko. Halos pumutok yung eardrums ko sa lakas ng boses ni Rhys.

"Gising, Ate! May dalang pagkain si Kuya Levi!" Tinaas nito ang mga supot na sigurado akong laman ay pagkain.

Bumangon na ako at tiningnan ang orasan. Mag aalas dose na, tinanghali na ako ng gising. Nag overtime kase ako sa convenience store kagabi. Late na rin ako naka uwi. Buti nalang sabado.

"Saan galing 'to?" Tanong ko sakanya. Kinuha ko sa maliit nyang kamay ang mga supot. Nag kibit balikat ito bilang sagot saakin.

May pancit, kare-kare, menudo at fried chicken.

"Wow! Ang sarap!" Parang nag niningning ang mga mata ni Rhys sa mga ulam nang ihain ko na ito.

"Nasaan si Kuya Levi mo, Rhys?" Tanong ko sakanya habang kumukuha ako ng mga plato. Lumapit naman sya saakin para tulungan akong ilagay ang mga kutsara. Napangiti ako dahil inayos nya ito ng pantay-pantay. Napaka OC talaga.

"Ay, Ate. Gising ka na po pala." Napa lingon ako sa nag salita. Napa kunot ang noo ko. Si Levi ito na punong-puno ng grasa sa katawan.

"Saan ka nang galing, Jasper Levi?" Lumapit ako sakanya. "Bakit ganyan ang itsura mo?" Parang sumabak kase sa gera ang kapatid ko sa sobrang dumi.

"Ah. Nag patulong po kase si Mang Goyo sa talyer, Ate. Umalis daw po kase si Kuya Makoy kaya wala syang katulong kanina. Binigyan n'ya po ako ng mga ulam galing sa karinderya nila para raw po saatin sabi ng asawa nya, tapos..." kinapa nito ang bulsa nya. "Eto po, bayad po saakin 'to ni Mang Goyo sa pag tulong ko sakanya. Sabi ko nga po hindi ko na tatanggapin kase tulong naman po 'yon. Hindi naman po ako nag papabayad kapag may nang hihingi saakin ng tulong."

Napa-kamot ito sa kanyang ulo. Nilabas nya ang mga perang naka lagay sa bulsa. "Makulit talaga si Mang Goyo, Ate kaya tinanggap ko nalang. Mag tatampo daw sila kapag hindi ko tinanggap."

Inabot nya saakin ang mga pera. Naka labas na ang tela ng bulsa sa suot nyang short. "Sayo na 'yan, Ate. Isama mo po sa budget natin. Ikaw po muna mag budget.... hindi pa po kase ako marunong."

Halos maluha ako sa sobrang tuwa. Hindi dahil sa binigyan ako ng pera ng kapatid ko kundi dahil sa kabutihang pinapakita nya sa ibang tao. Bukal talaga sa loob nya ang tumulong. Pakiramdam ko wala na akong nagawang tama sa mundong ito pero meron pala, yung makitang nagiging mabuting tao yung mga kapatid mo bilang tumatayong magulang sakanila.

"Wait lang po, Ate. Mag huhugas lang po ako ng katawan saglit," ani ni Levi. "Kamusta pala tulog mo, Ate? Hindi ka na po namin ginising ni Rhys kase alam naming pagod ka. Sana nakapag pahinga ka ng mabuti." Dagdag nya bago pumasok sa palikuran.

"Bakit ka umiiyak, Ate ko?" Naramdaman ko ang maliit na kamay na pumupunas sa mukha ko. Niyakap ko si Rhys, "Hindi umiiyak si Ate, masaya lang po sya." Sagot ko. I'm so blessed because i have them.

Hindi rin nag tagal, lumabas na si Levi sa banyo kaya nag simula na kaming kumain. Nag lead ng prayer si Levi.

Hinihimay ko ng medyo maliit ang friend chicken para hindi mahirapan si Rhys na nguyain 'to. Hindi ko na sya sinusubuan dahil kaya naman na nya. Sinasanay ko kase sya na kumain mag-isa. Makalat pero ayos lang.

Iniisip ko kung anong mga gagawin ko ngayong araw pag tapos ko mag hugas. Nakapag laba na kase ako at nakapag linis ng bahay. Mamaya pa ang trabaho ko.

"Ate, pwede po ba kami mag laro ni Rhys sa labas mamaya?" Paalam ni Levi. Tumango ako. Hindi ko naman sila pinag babawalan na mag laro lalo na kapag weekend. Ayokong may ma miss silang chilhood.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now