Chapter Nineteen

269 12 0
                                    

Jael's Point of View

"What's happening outside?" Tumaas ang gilid ng labi ko kasabay ng pag irap dahil sa tanong ni Ross.

"Lumabas ka kaya dito sa lungga mo para malaman mo," sagot ko sakanya at umupo sa sahig.

Second Day na ng intrams at kaka-rating ko lang ng school pero agad akong dumeretso dito sa Emphemours. Akala ko wala pa rito si Ross dahil sobrang aga pa pero parang kanina pa sya nandito at, "Dito ka ba natutulog?" May mga naka kalat kase sa sahig na foam tapos naka pajamas pa sya.

"Sometimes, but these past few days, yeah." Niligpit nya ang mga kumot sa sahig at pinasok sa isang kwarto dito sa loob bago pumasok sa cr habang ako naman ay sumilip sa maliit na bintana para tingnan yung mga nasa labas. Alas otso palang ng umaga pero ang dami na agad nag kalat na estudyante.

"Bakit nandito ka na naman?" Nilingon ko si Ross na kakalabas lang ng banyo habang pinupunasan ang basang buhok.

"Bawal ba?"

"Oo," he answered. I rolled my eyes. "Why? Kayo lang ba pwede rito?"

Tiningnan ako ni Ross mula ulo hanggang paa bago tumango. "Yes?" Lumapit sya sa may stage at tinuro yung signage. "Emphemours Music Room, ephemours ka ba?"

"No, but, I'm a fan kaya!" Pag tatanggol ko sa sarili ko. Kumunot ang noo ni Ross at binigyan ako nang hindi maka-paniwalang tingin. "You're a fan?" Taas noo akong tumango.

"What song do you know?" Pang hahamon nito. Tinaasan ko sya ng kilay, kasing taas ng mga building sa Manila. Ako pa hinamin n'ya!

"To Our Youth by Emphemours Sanctuary, released date, August 19 written by Ephrai--"

"Okay, you're a fan." Lahat ng kayabangan ko sa katawan biglang nabuhay. "I know right?"

"But, how did you know about that? I already deleted our song on the music platforms. Even the details." Takhang tanong niya.

"I have my ways," sagot ko at ginaya yung boses nya kahapon nung tinanong ko sya kung paano nya nalamang nanalo ako. Duh, taste your own medicine kaya.

"Uy, saan ka punta?" Agad akong tumayo sa pag kaka-upo at agad na nilapitan si Ross na akmang bubuksan ang pinto.

"You said I should come out, that's what I'm doing, duh?" Halos malaglag ang panga ko sa naging response ni Ross, hindi na nya ako inantay pang maka sagot dahil agad na itong lumabas. Nakakainis talaga 'yon. Sarap kalbuhin. Wala na akong nagawa kundi tumulala at umupo sa may sofa, ayaw ko naman kasi lumabas. Nakaka tamad.

Muli akong napa lingon sa may pinto nang bigla na naman itong bumukas at iniluwa 'non si Ross. I crossed my arms while looking at him.

"By the way, you can stay here whenever you want, just... don't touch all the things here." Aniya at pabagsak na sinara ang pinto, kala mo nag dadabog. Garapal talaga.

Hindi ko na lang pinansin ito at nahiga sa may sofa, atleast kapag di ko trip or bored ako sa may room pwede ako tumambay dito. Hindi ko natanong kay Ross kung pumupunta rin ba dito mga tropa n'ya.

Nabaling ang atensyon ko dahil may bagay akong nasabi at nahulog, dinampot ko ito at binalik sa katabing table ng sofa. Vape ito at meron pang lighter tapos isang bawas na kaha ng sigarilyo sa side table. Kamusta kaya baga 'non.

Palipat-lipat ako sa pwesto ko pero hindi ako maka tulog kaya napag desisyunan ko nalang na lumabas. Nag tingin-tingin ako ng mga tinitinda ng bawat booth.

"Magkano dito, Ate?" Tanong ko at pinakita sakanya yung keychain milktea tapos may maliit na bear. Sa lahat ng keychain ito yung naka kuha ng pansin ko.

Embracing the TroublemakerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora