Chapter Fourthy Two

172 10 5
                                    

Jael's Point of View

Tatlong araw nang hindi nakaka uwi si Ross. Ang sinabi nya nung huling kita namin ay susunod s'ya kaagad pero tatlong araw na wala pa rin s'yang paramdam.

Sa bawat araw na wala s'ya madalas ang pag bisita rito nila Elmore at Bishop. Wala rin araw na hindi ko tinanong kung nasaan ba si Ross ngunit wala rin akong nakukuhang sagot dahil kahit sila ay wala rin alam... siguro.

Sa tatlong araw na naka lipas, naging maayos naman ang pamamalagi namin mag kakapatid kasama si Rio. Nung una ay nahirapan kami sa pag adjust dahil hindi naman kami sanay sa mga kagamitan na naririto sa condo ni Ross pero sa tulong nila Elmore, agad ko rin naman natutunan.

Hindi rin nagkaroon ng problema kay Rio maliban nalang na mailap s'ya sa tao. Ganon pa man, lagi kong sinasabihan sila Levi na kung maaari ay kausapin nila si Rio dahil nabanggit saakin ni Elmore na baka hindi pa nararanasan magkaroon ni Rio ng kaibigan. Mabuti nga ay kahit papaano sumasagot na rin si Rio kapag nag tatanong sila Levi tungkol sakanya pero bilang lang din sa sampung daliri ang kanyang mga sagot.

"Hoy 'te, tulala ka na naman dyan." Nag kibit-balikat ako sa tinuran ni Ivy. "Iniisip mo na naman ba si Ross?"

Tumango ako. Hindi ko talaga mapigilan mag alala sakanya lalo pa't huling kita ko sakanya ay duguan ang mukha n'ya dahil sa pag kakabugbog ni Artemio.

Alam na rin nila Ivy, Clarence at Cypress ang nangyari kay Ross kaya pati sila nag aalala sa lalaki.

"Wag ka mag alala d'yan, for sure, nasa maayos na kalagayan si Ross. Malay mo, nag papagaling lang kase ayaw n'ya makita mo syang nasa ganoong kalagayan. Diba?"

"Pano kung hindi?" Balik kong tanong. Nanliksi ang mga mata ni Ivy habang naka-tingin sakin at marahang hinampas ang braso ko. "Huwag ka ngang nega, pinapangunahan mo kase eh. Baka ma-attract yung universe sa iniisip mo kaya maging ganoon si Ross. Think positive dapat."

Tinapik ni Ivy ang likod ko at pina sandal ang ulo ko sa balikat n'ya. "Hay, kahit lagi mong i-deny saamin na hindi mo gusto si Ross, halatang halata pa rin sa sobrang pag-aalala mo."

Parehas kaming natawa dahil sa tinuran n'ya. Totoo nga yung sinasabi ng iba na pag hindi mo na naka piling yung taong mahal mo doon mo lang maiisip kung gaano mo sila ka-mahal at yung takot na mawala pa sila ulit.

"Mahal mo na?" Bahagya kong nilingon si Ivy sa naging tanong n'ya at bakas ang senseridad sa boses nito.

Kasabay ng pag tango ko ang pag sagot ko ng oo kay Ivy hanggang sa hindi ko nalang namalayan na may luhang nangingilid na sa mga mata ko. "Kaso... sa tuwing pumapasok sa isip ko yung estado ng buhay namin, nanliliit ako sa sarili ko..."

Kumunot ang noo ni Ivy sa naging dahilan ko, humarap ito saakin at saakin at tinaas ang ulo kong naka yuko. "Alam mo, Jael, inaakala mo ba na mamahalin ka lang ng isang tao dahil sa estado ng buhay nyo? Hindi, diba? So, bakit ka natatakot?" tinuro n'ya ang dibdib ko. "D'yan, d'yan babase ang tao kung magugustuhan ka ba nila, sa kabutihan ng puso mo."

Umamba ng yakap saakin si Ivy na agad ko naman tinanggap. "Basta, kahit ano mangyari nandito lang kami lagi, ha? Kung may lovelife problem ka, lagi akong nandito para bigyan ka ng life changing advice."

Bumitaw ako sa yakap dahil may pumasok sa isip ko. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at muling ibinaling ang atensyon kay Ivy na ngayon ay inaayos ang necktie ng uniform n'ya. "Kamusta kayo ni Elmore?"

Natigilan sya saglit sa tanong ko. Bakas ang pag ka gulat sa mata n'ya na agad din namang napalitan ng lungkot. "... alam mo na pala,"

Ilang buwan na yata ang naka lipas 'non, nakita ko na iba yung mga tinginan nila Elmore at Ivy sa isa't isa. Yung tingin na parang may kinang. May nga pag kakataon din na nakikita kong ka-chat n:ua si Elmore tapos nababalitaan ko nalang na may mga araw na kumakain sila ng sabay. Nitong mga nakaraang araw din, lagi  s'yang kinakamusta ni Elmore saakin dahil hindi na n'ya raw madalas makita si Ivy.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now