Chapter Fourthy Three

349 16 3
                                    

Jael's Point of View

Inaantay namin si Elkayne bago kami pumasok ng building dahil may kausap s'ya sa telepono. Hindi naman namin pwedeng iwan 'to dito. Hindi rin naman nag tagal ay bumalik din sya.

"Sorry. Tumawag lang si Mommy," aniya at saka pinasok ang cellphone sa kanyang bulsa.

"Hinahanap ka na ni Tita Elayne?" Tanong ko sakanya. Agad namang umiling si Elkayne.

"Hindi naman. Tinatanong lang kung ano akong oras uuwi kase nag prepare s'ya ng dinner."

"Hala! Oo nga pala 'no? Miss ko na yung luto ni Tita Elayne."

Nalasahan ko tuloy sa bibig ko yung pork curry na niluto ni Tita nung nakaraang nag dala si Elkayne nang baon. Sa tuwing kumakain tuloy ako ng pork curry laging luto ni Tita Elayne ang naaalala ko.

"Sabihan ko si Mommy na ipag luto tayo ulit."

Masaya akong tumango sa sinabi ni Elkayne pero hindi mawawala yung dakilang basher ni Elkayne na kanina pa bulong nang bulong na parang pikon na pikon sa mga sinasabi ni Elkayne. Kulang na nga lang sementuhan n'ya yung bibig ni Elkayne eh. Ano kaya problema nito.

"Tara na nga, baka dito pa maabutan si Maximillian-panot..." Natameme ako sa iniwang salita ni Elmore. Sabihan ba namang panot si Elkayne! Naka pamulsa pa syang nag lalakad na parang ang cool na cool s'ya sa sarili n'ya.

"Ano bang problema ng mga 'yon sakin?" Nag kibit balikat ako sa tanong ni Elkayne. "Inaasar ka lang n'yan 'wag mo masyado pansinin."

Ilang beses huminga ng malalim si Elkayne at nag simula na kaming mag lakad. Tumaas ang kilay ko nang makita naming papalapit saamin sila Elmore, ano na naman ba trip nito?

Nagulat nalang ako na inakbayan ni Elmore si Elkayne, hindi lang simpleng akbay dahil namimilipit sa sakit si Elkayne. Agad ko silang nilapitan at inawat. Hinampas ko yung braso ni Elmore at agad na nilapitan si Elkayne. I-headlock ba naman!

"Luh? Di pa nga kitang-kita biceps ko 'don halos mamatay ka na d'yan."

"Elmore kasi! Tigilan n'yo na nga 'to. Kulang nalang patayin nyo eh." Asar kong sabi habang tinutulungan si Elkayne maka tayo nang maayos. Ang laki pa naman ng braso ni Elmore! Halos kapusin ng hininga yung isang 'to. "Hindi na ako natutuwa."

Pinag titinginan tuloy kami nang ibang tao dahil sa sitwasyon namin. Wala rin naman nagawa sila Elmore at Bishop kung hindi tulungan si Elkayne mag lakad. Akala yata nila kasing katawan lang nila si Elkayne.

Nauna akong mag lakad sakanila habang naka alalay naman sila kay Elkayne na nakaka bawi na rin ng pag hinga. Sinasamaan ko sila ng tingin pag binibitawan nila si Elkayne. Akala yata hindi ko nakikita. Parang mga bata eh, di ko alam kung may hidwaan ba o kung ano.

Sumakay na kami ng elevator. Si Elmore ang nag pindot sa mga button. Buti nga kaming apat lang ang nasa loob kaya sobrang ingay ni Elmore. Kanta ba naman nang kanta.

"Ayos 'to ah," Nilibot ni Elkayne ang paningin n'ya sa buong hallway. Bakas ang pag kamangha sa kanyang mga mata. Parang may mga butuin dahil kumikinang. "Ano gagawin natin dito?"

"Mangongolekta ng basura." Sagot agad sakanya ni Elkayne. "Huh?" tanging sagot ni Elkayne.

"Potagenes, ano bang ginagawa sa condominium? Malamang tinitirhan, tinutulugan. Para namang di nag iisip. Matalin---" sinamaan ko nang tingin si Elmore. Nag sisimula na naman eh. "Joke lang. Dito naka tira si... Ross," binigyan nya ng maka hulugang tingin si Elkayne na hanggang ngayon nag tataka pa rin.

"Inshort, dito muna kami pinag s-stay after nung nangyare."

"Ah," dahan-dahan s'yang tumango.

Nag swipe ng card si Elmore at kusang bumukas ang pinto ng condo ni Ross. Tumambad saamin si Rhys na nag liligpit ng mga laruan at nag pupunas naman ng center table si Levi. Agad silang nilapitan ni Elmore.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now