Chapter Ten

95 6 0
                                    

Jael's Point of View

May kaba sa dibdib ko habang nag lalakad ako papasok ng room. Ngayon na gaganapin ang first exam namin this quarter at sobra ang kaba ko. Nag sunog ako ng kilay kaka-aral at review sa nag daang tatlong araw kaya medyo kumpyansa akong makaka-pasa ako.

Pag pasok ko nang room hiwa-hiwalay na ang mga upuan, two seats apart na yata 'to. Kaya siguro hindi na kami pinag dala ng folder pang takip dahil ganito kalayo ang pagitan ng mga upuan.

Umupo na ako sa tabi ni Ross. "Nag review ka?" tanong ko. Hindi ito sumagot kaya inulit ko ang tanong pero hindi man lang ako nililingon. Gising na gising naman pero ayaw lang mamansin.

Sa mga nag daang araw din hindi ako kinikibo ni Ross, hindi ko alam kung bakit. Sila Cypress at Ivy pinapansin nya ako lang ang hindi. "Edi 'wag."

Kung ayaw nya ako pansinin, edi hindi ko rin sya papansinin. Madali lang naman ako kausap. Ano s'ya gold? Hindi ko naman ikakamatay pag hindi n'ya ako pinansin.

"Good Morning, class." Pumasok na ang adviser namin. Lahat kami tumayo para batiin sya pabalik. Sinimulan ng mataimtim na dasal ang araw namin.

Earth Science ang unang exam namin at susundan ng General Biology. Tig-apat na subject sa dalawang araw na Exam. Pina-lagay lahat ng gamit namin sa harapan at pinag bawalan na may cellphone kami sa bulsa. Tanging ballpen at water bottle lang ang pinaiwan saamin.

Naka helera ang mga telepono namin sa teacher's table. Hindi daw pwede iyon kuhanin hangga't hindi natatapos ang apat na exam. Bigla tuloy akong na culture shock, hindi ko inakala na ganito pala ka-strikto dito.

Pinapasa na ang test papers namin. Ngiting tagumpay ako dahil halos lahat ng naaral ko nandito lang din. Binigyan kase kami ng reviewer ni Ma'am Ruiz. Buti nalang din mahilig ako mag take down notes dahil may mga question na wala sa reviewer ngunit sinabi ni Ma'am during discussion.

Sa isang subject meron lang kaming 1 hour and 30 minutes para mag sagot.

Nilingon ko ang paligid, walang sinuman ang nag tatangkang mag kopyahan dahil iniikutan kami ng guro. Paniguradong mahuhuli agad pag may nag cheat.

Wala pang isang oras ay natapos na ko. Inantay ko munang may mag pasa bago ako mag pasa ng akin. Tinapunan ko ng tingin si Ross. Hindi ko alam kung nag sasagot pa ba s'ya o ano dahil para na itong may ibang ginagawa sa test paper n'ya. "Tch, 'di yata nag review kaya walang masagot." bulong ko saaking sarili.

Umiwas ako ng tingin ng bigla syang lumingon sa direksyon ko. Para akong kinilabutan dahil ang lamig ng mga tingin n'ya.

Pinaka huling nag pasa ng papel si Ross, kitang-kita ko pa ang pag kunot ng noo ni Ma'am Keith habang tinitingnan nito ang papel ni Ross. Ano meron 'don?

Pinamigay na rin saamin ang exam para sa General Biology. Kahit hindi na namin seryosohin ang pag sasagot dito dahil automatic, perfect na kami. Kailangan lang namin mag sagot para may exemption. Wala pa ngang limang minuto may gusto na mag pasa.

Binabasa ko yung question pero wala akong naiintindihan, hindi naman kase ako nag review dito. Sabay kaming tumayo ni Ross para mag pasa. Kahit naman may daanan naman na malapit saakin, doon pa rin ako sa direksyon kung saan dumaan si Ross.

"Hoy, ano trip mo?" Tumingala ako sakanya. Tangkad kasi. "Ba't di ka dyan namamansin?"

Hindi na naman nya ako sinagot at mas binilisan ang pag lalakad. Sinaway pa kami ni Ma'am Keith na bawal ang mag-usap. Parang tanga naman kase si Ross! Napaka-arte. Unti nalang iisipin ko nang nag tatampo sya na hindi sya yung ka-partner ko sa Sportfest.

"You still need to wait for 45 minutes bago kayo lumabas." Ani ng guro. Bawal kase kaming lumabas na hindi naaayon sa schedule namin. Mauuna kase muna mag break time ang junior highschool bago ang senior.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now