Chapter Thirty

320 21 1
                                    

Jael's Point of View

Kinabukasan, pumasok na ako nang school. Hindi ko alam kung anong madadatnan ko pag karating doon pero sigurado akong nag aalala na saakin sila Cy at Ivy.

Bumaba na ako nang jeep at patakbong lakad na ang ginawa ko dahil sigurado ay late na ako. Pag karating ko sa main gate, naabutan ko si Kuya Guard, binati ko s'ya at iniscan na ang i.d ko.

"Good Morning, Ma'am Jael. Mabuti naman po at pumasok na kayo." ani ng gwardya. Nagulat pa ako dahil hindi ko inakala na makikilala ako nito at sa sobrang daming estudyante ang nag lalabas-pasok, naaalala nya ang pangalan ko at alam nitong ilang araw na ako hindi pumapasok.

"Naku, nag tataka siguro kayo. Wala na po kasing bumabati saakin nang magandang umaga at mag sasabi saakin nang ingat pauwi maliban sayo kaya alam ko pong medyo matagal din po kayong hindi naka pasok." Aniya habang may ngiti sa kanyang mga labi. Bigla naman akong nahabag.

Nag paalam na ako sa gwardya at nag mamadali nang pumasok. Nag kataon pa na hindi na naman nag o-operate yung elevator kaya wala akong choice kung hindi mag hagdan, kung kailan naman nag mamadali.

"Ha!" Napa buga ako nang hangin nang maka rating ako sa floor namin. Nag k-klase na ang mga room na nadadaanan ko.

Bahagya kong sinilip ang silid aralan namin at nakita kong nasa loob na si Ma'am Thelma, guro namin sa Pre Calculus. "Good Morning po, Ma'am." tumikhim ako. "Sorry po, I'm late."

Napa tigil sa pag d-discuss si Ma'am Thelma, nagulat ito at pinapasok ako nang room. "Here's my excuse letter po. I'm sorry for my absences."

Tiningnan ko ang gawi nila Cypress at Ivy. Puno nang pag aalala ang kanilang mga mata. Binigyan ko sila nang tipid na ngiti.

"You may take your seat, Jael."

Nag lakad na ako papunta sa upuan ko, lahat nang atensyon nila ay nasa akin. Ramdam ko ang pag sunod nila nang tingin sa bawat hakbang na ginagawa ko.

"Tangina, Jael, bakit ngayon ka lang? Alalang-alala kami sayo," bulong saakin ni Ivy. "Sinabi saamin ni Elkayne na nakita ka nya kagabi galing trabaho."

"Sorry ah? Hindi na ako nakapag sabi saingo kase naibenta ko cellphone ko. May mga kailangan bayaran e." sagot ko sakanya. Napailing si Ivy nang ilang beses.

"Sobra kaming nag alala sayo. Aakala namin may nangyare na talaga sayo," nginuso nito ang katabi kong upuan na walang naka upo. Wala si Ross.

"Sobrang nag aalala sayo si Ross, gaga ka." Aniya.

"Nasaan sya?"

Nag kibit balikat si Ivy. "Hindi ko alam. Hindi ko pa sya nakitang pumasok eh."

Natapos na ang discussion namin sa pre calculus pero hindi pa rin pumapasok si Ross hanggang sa General Biology at Oral Communication hanggang sa napag desisyunan naming bumaba ng building para sa recess.

"Hay, Jael. Kung nag sabi ka sakin, edi pinahiram nalang kita." Inis na wika ni Cypress nang maikwento ko sakanila ang nangyare saakin sa nag daang tatlong araw.

"Nakakahiya naman na humiram sainyo, wala rin kasiguraduhan na mababayaran ko kaagad."

"Ano naman? Para saan pa at mag kakaibigan tayo kung hindi ka namin matutulungan. It's unfair that we laugh together but you suffer alone." Nalungkot ang mukha ni Cypress. "Mag promise ka saamin na kapag kailangan mo ng tulong, lalo na sa financial, nandito kami para hingan mo ng tulong," I look down, feeling hesitated.

"Promise?" Nilahad nila Cypress at Ivy ang pinky finger nila saakin. Tinanggap ko iyon. "Promise."

"Ako naman, Jael, kapag kailangan mo rin ng tulong, dito lang din ako. 'Wag lang muna financially sa ngayon, parehas tayong gipit." natatawang singit ni Clarence.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now