Chapter Fourthy Six

420 19 2
                                    

Jael's Point of View

Ayan na, exam day na. Nanlalamig na naman ako at para na namang pag papawisan ako kahit ang lamig lamig na rito sa room. Nakapag review naman ako, hindi ko lang maiwasan na kabahan.

"Patay na talaga ako nito, 'di na naman ako naka review," lugmok na sabi ni Ivy. Her eyes were sunken and you could clearly see her eye bags. Sigurado akong nag binge watch na naman 'to ng k-drama nung weekend imbes na mag review.

Si Cypress at Clarence naman nag rereview together, ano 'yan? Ganyan ba requirement para maka-pasa? May study buddy? Wews! Ang sakit sa mata.

Yung iba kong kaklase may sarili na namang mundo, may nag m-make up lang tapos natutulog. Iba talaga pag natural nang matalino, hindi na kailangan mag last minute review.

Naramdaman ko na may naka tingin sakin kaya agad kong hinanap. Namatahan kong naka titig saakin si Quintanna, she had a mischievous smile on her lips as if she was teasing me. Ang creepy ah! Ano kayang trip ng babaeng 'to?

Nitong mga nakaraang araw kasi medyo nagiging mainit pakiki sama saakin ni Quintanna na para bang may ginawa akong mali sakanya. Hindi ko naman s'ya inaano. Pero pakiramdam ko gumaganti s'ya sa'kin dahil binanggit ko kay Eliseo yung mga ginagawang panloloko sakanya ni Quintanna. Kahit kaklase ko s'ya, hindi ko pwedeng i-tolerate yung pag c-cheat nya. Kawawa si Eliseo 'no! Kaibigan ko rin 'yon.

Hindi ko na alam yung nangyare sakanila matapos ko sabihin kay Eliseo 'yon pero ang sabi saakin ni Cypress, baka raw break na sila. Hindi na rin kasi nag pupunta rito si Eliseo para hatiran ng pagkain si Quintanna. Pakiramdam ko nga ginagawang alalay lang ni Quintanna 'yon. Nakakainis. Porket mahal na mahal sya ni Eliseo.

"Pst... ang sama ng tingin nyo sa isa't isa," Ivy whispered, snapping me back to reality. I hadn't realized I was staring at Quintanna too.

Hindi rin naman nag tagal pumasok na yung advisor namin at nag distribute ng test paper. Biology at General Mathematics ang unang subject na tinake namin. Akala ko papasok na si Ross ngayong araw dahil exam na namin pero hindi pala. Nag sabi naman na saakin sila Elmore na hindi pa rin papasok si Ross pero nag expect pa rin ako.

"Jael! Can you accept me on Facebook?!" I heard a guy shout from the other building as we were heading to the cafeteria.

"Ako rin, Jael!" Another one shouted.

"Ulol kayo!" Sigaw pabalik ni Clarence.

"Number mo nalang, Jael!" Sigaw nung isang lalaki na parang siga. Parang gangster yung pormahan, parang hindi nasa school. He was even getting a shoulder massage from two guys while holding a vape. I looked away when he suddenly winked at me and bit his lip. Kinilabutan ako!

"Ulol ng mga 'to porket absent yung bumabakod sayo wala nang takot." Wika ni Clarence habang umaamba ng sapakan sa ibang mga lalaki na nag tatangkang lumapit saamin.

"Minsan nga pa suotin na natin 'to ng face mask, parang nagiging super model na maraming fans pag nakaka labas ng classroom eh." Natatawang sabi naman ni Cy.

"Ganda naman kasi," ani naman ni Ivy. "Pero sorry sila, naka reserve na yung gandan na yan para sa isa." dugtong pa nya. Clarence immediately whistled and laughed. "Baka sa master ko 'yan!"

Namula ako bigla. Alam ko naman na kung sino tinutukoy nila kahit hindi nila banggitin yung pangalan. Inamin ko na sakanilang gusto ko si Ross. Kwinento ko sakanila yung nangyare simula nung naka pasok ako nang music room hanggang sa birthday ni Ross nang walang labis at walang kulang. Akala ko nga magagalit sila dahil hindi ko sinabi agad pero naiintindihan din naman nila ako.

Nung una takang taka pa sila pero napalitan din naman ng kilig lalo na si Ivy at Clarence. Si Cypress naman nag dadalawang isip pa rin kay Ross dahil matagal na nga nyang alam yung tungkol sa pamilya ni Ross at ayaw n'yang mapahamak lalo na't kilala na ko ni Artemio Alaric.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now