Chapter Fourthy Five

215 12 1
                                    

Jael's Point of View

"J-jael... can you cook sopas for me?"

Iyon ang una kong narinig pag dilat ng mga mata ko kaninang umaga. Nang marinig ko iyon agad akong bumangon para mag toothbrush at mag hilamos. Sinong mag aakala na mag rerequest ng pagkain si Rio saakin?

Kaya kahit sobrang aga pa agad akong bumangon para mag luto. Heto ako ngayon, nag hihiwa ng mga sangkap para sa sopas habang pinapanood ni Rio. Na c-concious tuloy ako dahil titig na titig s'ya sa mga pinag gagawa ko.

Nandito naman si Manang Beth para mag luto ng sopas pero ayaw nya raw dahil iba ang lasa ng luto ko. Mas masarap para sakanya. Simula kasi nung nag luto ako ng sopas nung nakaraang araw hindi na sya tumigil kakakain 'non. Almusal, merienda, at hapunan, sopas ang nilalantakan. Si Rio lang ata ang kumakain 'non o di kaya sila Elmore pag nandito sila  dahil hindi naman paborito nila Levi at Rhys ang sopas.

"I can also cook champorado, you know what champorado is?" I ask him.

Umiling si Rio. "No. It sounds bad."

"Masarap 'yon, lulutuan kita sa susunod." Natawa ako sa pag asim ng mukha ni Rio.

"Okay... Sure."

Napag alaman ko rin na hindi masyadong kumakain ng Filipino Food si Rio dahil hindi naman niluluto 'yon sa bahay ng demonyo'ng Artemio na 'yon. Medyo naninibago tuloy s'ya sa mga lasa dahil medyo bland daw palagi ang pagkain doon sakanila. Para tuloy s'yang batang amerikanong nag babakasyon lang sa maynila. Well, considering that he's half british.

Hindi mahilig sa maalat o maasim na pagkain si Rio. Hilig n'ya yung matatamis. Parehas sila ni Ross. Hay.

"Is it matagal pa to boil?" Kunot noong tanong ni Rio habang tinatanaw yung pinakulo kong tubig na may macaroni.

Natawa ako nang bahagya. Nung una lang straight english pa s'ya kung mag salita pero unti-unting nagiging tag-lish dahil tag-lish din s'ya kausapin nila Rhys at Levi. Nahahawa tuloy. May mga pag kakataon pa na nabubulol si Rio sa mga tagalog na salita kaya sobrang cute.

Buti nga nakaka-usap na rin sya kahit papaano. Though, hindi madalas because he still remained distant. Pero big improvement na 'yon for him. Hindi lang kina Rhys at Levi sya nakikipag laro, pati na rin saamin. Pero may exception, he just want to play mind games. Pakiramdam ko nga lalaki si Rio na sobrang talino. Katulad ng kuya Ross n'ya.

Hay, Ross.. Nasaan ka na ba kasi? Mas masaya sana kung nandito ka.

"Low guys! Did you miss me? Coz, I miss you!"

Sabay kaming lumingon ni Rio sa pinang galingan ng boses. As usual, sila Elmore at Bishop na naman at ganap na ganap ang outfit ngayon.

"Aga n'yo mambulabog ah," I laughed. "Ano 'yan?"

"Paper bags," binaba ni Bishop yung mga paper bags sa kitchen counter. Sumimangot ako. Alam ko namang paper bag 'yon, ang tinatanong ko kung anong laman. "Joke lang, stocks natin 'yan. Food is life."

"Wazzup, mah friend." Elmore greeted. Pinisil n'ya ang pisngi ni Rio. Sumimangot tuloy.

"Saan lakad n'yo?"

"Ah, ano. Dito lang." Sagot ni Elmore na 'di mapakali ang mata. Tinitigan ko s'ya ng mabuti. Lubog yung mata, pati si Bishop. Parang mga panda dahil sa itim nilang eye bags.

"Kakauwi n'yo lang 'no?" Nanliksi ang mga mata ko.

"Lah, 'di ah! Ano... puyat lang kami... dahil sa... ano— sa review! Nag review kami para sa exam bukas!" Pinutol ni Bishop ang pag sasalita ni Elmore.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now