Chapter Thirteen

128 7 7
                                    

Jael's Point of View

"Ano kamusta? Masarap 'no?"

"Hindi lang masarap, sobrang sarap!" ninanamnam ko bawat subo ko ng pork curry.

"Sabi sayo eh... sa lahat ng luto ni Mommy, pork curry pinaka favorite ko. Ang sarap kasi ng mga ulam na may gata," aniya. I agreed.

"Oh," umamba ako na makipag apir sakanya. "Favorite ko rin yung mga ulam na may gata."

"Ayos, edi mag kakasundo pala tayo sa mga ulam. Eto oh... sayo na 'to," binigay nya saakin yung mga natitirang sabaw para ilagay sa kanin ko. "Thank you."

"Lagi ka bang pinapa baunan ng Mommy mo?" tanong ko, tumango naman si Elkayne. "Yup, si mama lagi nag p-prepare ng baon ko, ayaw ko kase ng mga pagkain sa cafeteria, mahal na nga, hindi pa masarap..." Natawa kaming parehas dahil lahat ng mga sinabi nya, totoo. Yung mga pagkain sa cafeteria, sobrang mahal pero yung lasa, kung hindi matabang, hindi naman masarap. "Hindi siguro niluluto yung mga pagkain don with love," tinaas nya ang baunan nito. "Eto, punong-puno 'to ng pagmamahal ni Mommy. Hilig n'ya kase mag luto, saka sobrang saya nya kapag pinag lulutuan nya kami ng kapatid ko tapos uuwi kaming simot na simot yung baunan."

Habang nag k-kwento si Elkayne hindi maalis sa labi nya ang matamis na ngiti. Napa tanong tuloy ako sa sarili ko na kung nandito pa kaya si Mama gagawin n'ya rin saamin yung ganitong bagay? Yung lulutuan kami para may pang baon sa school tapos magiging masaya kaya s'ya kapag nasasarapan kami sa mga luto n'ya? While looking at Elkayne, i can see how he love his mother. The son's unconditional love. Punong-puno siguro sya ng pagmamahal galing sa mga magulang nya.

Kinuha ni Elkayne ang cellphone nya at saka pinicturan ang note na kasama sa mga pagkain. Pinahatid lang pala ng Mommy nya yung food sa driver nila.

Enjoy your meal with your 'friend' son, happy eating. tell your friend, i said hello. ^_^ take care.

- Mommy ♡

"Hello, Mama?" pinanood ko lang si Elkayne habang kausap ulit ang mama n'ya. "Thank you for the food po, we enjoyed it... yes mama, i asked her if it's delicious she said, hindi lang daw masarap, sobrang sarap daw... of course, mama! No lie, sobrang sarap po... okay, mama. Take care. Are you with Papa? Can i talk to him? Sure... i'll wait... hello, dad? Yes po, nasa school ako... okay po. Bye, bye. I love you, both..." Binaba na nya ang tawag at saka binalik na ang mga baunan sa lalagyanan. Halos wala ni isang butil ang natira, sobrang linis. Kulang nalang dilaan para pati yung natirang sauce ng curry, simot.

"Sabi ni Mama, she's happy daw na na-enjoy mo yung food." I happily nodded.

Nag luluto rin naman ako ng pork curry, akala ko luto ko na yung pinaka masarap na natikman ko 'yon pala ay hindi. Gusto ko tuloy malaman anong recipe ng Mama ni Elkayne sa pag luto ng Pork Curry. May kakaibang lasa kase na hindi ko nalalasahan sa ibang mga luto, tapos sobrang balanse lang yung lasa, yung pag ka maanghang sobrang sakto lang at hindi nakaka sawa yung pag ka gata.

Nag kwentuhan lang kami saglit ni Elkayne para mag pababa ng kinain bago bumalik sa gym. Malapit na mag 10pm kaya break time na nang mga junior high habang 12pm naman ang lunch time ng mga senior high.

Nag palipas lang kami ng sampung minuto at saka na kami bumalik sa gym. Wala pa yung dalawang coach namin kaya umupo muna kami sa isa sa mga bleachers para manood ng mga nag p-practice ng basketball at volleyball.

"Nag b-basketball ka ba?" tanong ko kay Elkayne.

"Yup, shooting guard." sagot nito.

"Ano ibig sabihin pag shooting guard?" Wala kase akong alam sa mga basketball at sa mga position na ganon kaya hindi ko masyadong alam.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now