Chapter Twenty One

332 12 1
                                    

Jael's Point of View

"Where can we buy?"

Tinuro ko yung toy store sa loob ng mall. Nauna syang nag lakad habang naka sunod lang ako, first time ko maka punta sa ganitong store kaya pag pasok ko, manghang-mangha ako. Matutuwa sila Levi at Rhys kapag dinala ko sila sa mga ganito pero baka matagal pa 'yon, habang tinitingnan ko palang kase yung mga laruan ang mamahal na.

"This one? What do you think?" Tiningnan ko nang mabuti yung tinaas nyang teddy bear. Kulay brown ito tapos medyo malaki pa. Umiling ako, "Baka may better choices pa."

Nag ikot-ikot lang kami sa buong toy store, ang hirap pumili ng laruan dahil hindi naman alam ni Ross yung mga tipo ng kapatid n'ya at wala rin syang idea, mahirap na at baka hindi pa magustuhan kaso baka naman appreciative yung bata.

"Kailan ba nung huli mo syang nakita at bakit wala kang alam?" Tanong ko habang nag titingin. "Five months ago," sagot niya. Napa buntong hininga na lamang ako. "Sino nag babantay sakanya? Sino kasama?"

"He's living with Dad, there's some maids taking care of him." Kawawa naman.

Pinakita ko yung nakita kong mga trucks and cars na laruan. "Eto, baka bet n'ya mga ganito tapos bilhan mo nalang ng teddy bear yung fluffy." wika ko.

"Bakit 'to?" Tanong ni Ross pero kinuha pa rin yung mga laruan sa kamay ko at nilagay sa basket. Lahat ng na gugustuhan namin na laruan at sa tingin namin magugustuhan ng kapatid nya, naka add to cart na agad.

"Napapansin ko kase, kapag yung mga lalaking age 3-5 years old, ang hilig sa mga ganyan, lalo na yung bunso kong kapatid si Rhys tapos mga kalaro nya... well, napapansin ko lang iyon sa mga bata saamin." Tumigil ako sa pag sasalita nang may nakita akong lego. Parang gusto kong bilhin kina Rhys at Levi.

Sinilip ko ang presyo at para akong aatakihin sa puso, 2599. Kahit gaano ko ka-gusto mabilhan mga kapatid ko ng ganitong mga bagay, hindi talaga kaya sa budget. Di bale, pag iipunan ko nalang para mabili ko sila.

"Get that,"

"Ha? Yung alin?" I asked. Ross didn't answer me. Linapitan n'ya yung lego na kanina ko pa pinag mamasdan. Kinuha n'ya ito at nilagay sa cart. Bibilhin n'ya rin siguro para sa kapatid nito.

Pag tapos namin don, agad na kaming nag punta sa cashier. Iniwan ko na muna sya sa loob at ako naman ang lumabas para antayin s'ya. Sinilip ko ang laman ng wallet ko. Gustong-gusto ko talaga bilhin yung laruang lego pero dalawang libo nalang yung laman ng wallet ko. Ipang bibili ko pa ng ulam at bigas. Huminga ako ng malalim para iwaksi yung lungkot na nararamdaman sa dibdib ko.

"Let's go." Nagulat nalang ako na tapos na pala si Ross mag bayad kaya naman lumabas na kami ng Mall. Hindi ko nga malaman ano pang purpose nung dalawang paper bag na dala n'ya dahil mukha namang pwede pag kasyahin yung mga laruan sa iisang paper bag. Nakaka hassle. Inoffer ko na tulungan sya pero tumanggi lang ito.

Pag dating namin sa pinag parking-an ng sasakyan n'ya agad nitong binuksan ang makina at binukaan ang pinto sa front seat. "Tatayo ka lang d'yan, ayaw mo umuwi?" aniya nang mag kasalubong ang kilay. Sumakay nalang ako tapos nilagay nya sa back seat lahat ng binili nya, andon din yung box ng j.co.

Habang nag mamaneho si Ross, pa sulyap-sulyap ako sakanya. Hindi ko namalayan na naka tingin na rin pala s'ya saakin. Ngayon ko lang napansin na nadagdagan na naman yung hikaw nya sa tenga.

Hindi rin naman nag tagal naka rating na kami ng San Lorenzo. Sa buong byahe papunta rito walang nag salita saamin, para ngang may naka bantay na anghel dahil sobrang tahimik sa loob ng sasakyan.

"Wait," wika ni Ross nang akmang bababa na ako. Nauna syang bumaba ng sasakyan kaya nag antay ako saglit. Nagulat nalang ako nang pag buksan nya ako ng pinto. Natulala ako sandali dahil hindi ko inasahan ang naging aksyon nya na iyon. Bumaba na ako ng sasakyan at binuksan naman nya yung pinto sa back seat, nilahad n'ya saakin yung box ng donut.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now