Chapter Twenty Five

444 18 1
                                    

Jael's Point of View

Pag gising, nag asikaso na agad ako. Nag luto ng almusal at plantsa ng uniporme ng mga kapatid ko para sa pag pasok. Dahil mas maaga ang pasok nila saakin, may oras pa ako mag asikaso sa sarili ko pag naka gayak na sila papuntang school.

"Ingat sa pag mamaneho, Kuya." Paalala ko kay manong driver na nag hahatid-sundo kina Levi at Rhys. Inantay ko munang mawala sila aa paningin ko bago pumasok sa loob ng bahay. Ako naman ang kumain at naligo. Maya't-maya ang silip ko sa telepono dahil mula kagabi, wala pa rin reply si Ross.

Percival Ross:
Take care.

Jael:
Salamat.

Kaya mo ba talaga?

Mag sabi ka if ever may kailangan ka

Iniwan ko kase kagabi si Ross dahil kailangan ko na umuwi, bago ako umuwi hindi naman sya mainit pero dahil hindi sya nag r-respond sa mga chat ko sakanya, namumuo ang pag alala ko.

Hindi na ko nag ligpit ng bahay at umalis na kaagad, baka pag uwi ko nalang iyon gagawin. Nag madali akong sumakay ng jeep at kung minamalas nga naman, ang nasakyan ko pang jeep ay mas mabagal pa sa pagong kung umandar. Parang mas mabilis pa ang lakad ko kaysa sa andar ng jeep.

"Para po," wika ko nang malapit na ako sa gawi ng Azure. Hanggang kanto lang ang binababaan namin dahil bawal pumasok ang mga public transporation dito sa loob.

Takbo at lakad ang ginawa ko sa pagmamadali, masyado pa naman akong maaga, halos wala pang mga estudyante at sasakyan ang dumadaan sa gawi ko. Pag dating sa main gate kailangan i-scan ang student id para maka-pasok. Kinabahan pa ako dahil akala ko hindi ko dala. Halos baliktarin ko pa ang bag ko 'yon pala ay nasa bulsa ko lang.

"Aga mo ngayon ah," ani ni Bishop nang madaanan ko ito, kasama n'ya ang ibang school officer para mag rounds sa bawat classroom.

"Ah, ano... may aasikasuhin eh." Ngumiti ito saakin at at nag paalam na. Inantay ko muna silang maka alis at mawala sa mata ko bago ako gumayak papuntang music room. Nilabas ko ang binigay ni Ross saakin na spare key kung sakaling naka lock ang pinto para mag karoon daw ako ng access kung kailan ko gusto. Madalas daw kasi ay ni l-lock nya ito para walang makapasok.

"Ross?" Binaba ko ang bag ko sa gilid ng pintuan. Nakita ko ang lalaki na naka higa sa sahig at tanging comforter lang ang nag sisilbing sapin nito sa kanyang likod. "Ross..." He groans. Hinawakan ko ang kanyang pisnge. Sobrang init nito at namumula ang kanyang mukha.

Tumayo ako at nag hanap ng palanggana, nag lagay ako ng warm water at doon ko isinawsaw ang bimpo na nakita ko para ilagay sa kanyang noo. Pinahid-pahid ko lang ang bimpo sa noo ni Ross, nanginginig ang kanyang labi at balot na balot s'ya sa kumot. Hindi ko alam kung papainumin ko na ba sya ng gamot o hindi pa dahil nag aalala ako na baka may allergy s'ya sa gamot na ipapainom ko kung sakali o hindi naman kaya ay dalhin na s'ya sa ospital dahil sobrang taas ng lagnat n'ya.

"Ross, babalik ako. Bibili lang ako pagkain mo," paalam ko sakanya. Wala itong sagot kaya naman agad akong lumabas, hindi ko na dinala ang bag ko, tanging wallet nalang para hindi ako mahirapan. Dating gawi, doon ako sa daan kung saan madalas kaming dumadaan kung sakaling gusto namin lumabas ng school para hindi mahuli sa main gate.

Pag labas ko, naka park pa rin ang sasakyan ni Ross dito at hindi pa nababago ang pwesto kaya naman sigurado akong hindi pa sya nakaka-alis simula kahapon at wala pa syang kain simula kahapon.

Embracing the Troublemakerحيث تعيش القصص. اكتشف الآن