Chapter Fourthy One

378 21 4
  • इन्हें समर्पित: LyanaAnn
                                    

Jael's Point of View

Naka sunod lamang ang mga mata ko habang palayo kami sa kinaroroonan na naiwang si Roscoe at ang lalaking nag ngangalang Felix. Hindi maalis ang tingin ko sa lalaking nag salita na ingatan si Rio at huwag hayaan na makuha s'ya ni Mr. Alaric. Bakas sa mga mata ng lalaking iyon ang pag alala sa bata dahil marahang hinaplos pa nito ang buhok ni Rio.

Sabi ng karamihan, gagawin daw lahat ng mga magulang ang lahat para sa kanilang mga anak. Mag sisipag mag trabaho para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak at mabigay lahat ng pangangailangan o ka-gustuhan nito. Poproteksyunan sila sa abot ng kanilang makakaya upang hindi sila masaktan kahit buhay pa nila ang maging kapalit. Kabaliktaran 'non si Artemio Alaric.

Kasama namin sa loob ng sasakyan si Elmore, nag mamaneho ito habang nasa passenger naman si Bishop na panay tingin saamin.

"P-pano n'yo pal--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang mag salita si Bishop.

"Alam n'ya nang posible mangyari 'to pero hindi nya inaka na magiging sobrang lala ng sitwasyon."

"Bago pa kayo pumunta ni Percival para bisitahin si Abraham, nasabihan na kami na baka may kung anong kabaliwan na gawin si Artemio." si Elmore naman ang nag salita. "Kabisado na ni Percival ang Ama n'ya at alam nyang hindi 'yon papayag na lalabas nalang basta basta si Percival."

Sumulyap saakin si Elmore. "Kaya nung sinabi n'ya saamin na kasama kang pupunta doon, ayaw ka nyang mapahamak ka kaya bumuo na sya ng plano kung sakaling may mangyari sa loob lalo na't gusto nya ng kunin si Abraham."

"Pero s'ya naman yung napahamak," binalot ako ng konsensya.

"Hindi mo naman kasalanan." Elmore sighed. "Wala tayong dapat sisihin kundi si Artemio."

"You don't need to worry about Percival," muli na namang nag salita si Bishop. "Kaya n'ya sarili nya. Nandoon na rin naman sila Ford at Lazarus."

Hinawakan ko ang buhok ni Rio dahil naka tulog na ito sa binti ko. Muli kong tiningnan ang mga pasa n'ya sa braso at saka ako mariin na napa pikit. Hindi ko maisip na kayang gawin ni Mr. Alaric 'to sa kanyang anak. Napaka bata pa ni Rio para maranasan ang ganitong karahasan. Kaya na rin siguro matindi ang galit niya kay Ross dahil naiwan syang mag isa sa mala-impyernong mansion na 'yon at mas masahol pa kay satanas na Ama.

"What really happened, Jael?" Mahinahong tanong ni Bishop.

I sighed. "Naubos pasensya ni Ross kay Artemio, sinabihan n'yang parehas silang basura ni Kuya Ephraim," tumigil ako sandali sa pag sasalita. "He also said that... Ephraim was weak..." klaro pa sa isip ko kung paano nandilim ang paningin doon ni Ross.

"Tangina. Dalawang taon na nung namatay si Kuya Ephraim pero hindi pa rin sya nakakaramdam ng konsensya." Napailing si Elmore. "Kapal ng mukha."

"...Ross saw Rio's bruises,"

Hinawakan ko nang mabuti si Rio nang biglang pumreno ang sasakyan. Mabuti nalang ay hindi ito nagising. "Ano nangyare?" tanong ko at lumingon sa paligid at saka bumaling sakanila. Ilang beses silang napalunok habang naka tingin saakin.

"What did you just said?" nang hihinang tanong ni Bishop. Lumapit ito saamin nang bahagya at tinaas ang manggas ng natutulog na si Rio. Para silang pinag bagsakan ng langit at lupa nang makita ang mga pasa roon.

Napa hilamos ng mukha si Elmore habang naka titig sa mga pasa ni Rio.

"He did it again,"

"Huh?" kumunot ang noo ko. "Ano ibig mong sabihin?"

Humarap si Elmore sa daan ngunit hindi pa rin pinapaandar ang sasakyan. Mahigpit ang kapit nito sa manibela na halos pumutok na ang kanyang mga ugat.

"Ganyan din ang ginawa ni Artemio kay Kuya Ephraim." he started. "Kuya Ephraim was just eight years old that time, naniniwa si Artemio na kailangan mo matutong makipag laban dahil sa kumpanya. Artemio Alaric was part of some syndicate organization before."

Embracing the Troublemakerजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें