Chapter Three

125 10 0
                                    

Jael's Point of View

Isang linggo na ang naka lipas simula nang nakita ko si Ross sa Convenience Store. Iyon ang huli kong kita sakanya at hindi na nag karoon ng sunod pa dahil pag tapos ng gabing 'yon hindi na sya pumasok.

"Ano kaya sa tingin mo nangyare kay Ross, Jael?" Tanong saakin ni Cypress habang kumakain kami Kasama ko silang dalawa ngayon ni Ivy dahil breaktime na.

Nag kibit balikat ako, "I had no clue. Pero huling kita ko kase sakanya huwebes ng madaling araw nasa San Lorenzo sya. Bumibili ng beer sa convenience store na pinag tatrabahuan ko."

"Huh? Paano sya naka-rating ng San Lorenzo ang layo non sa... saan nga naka tira si Ross, Cy?" Tanong ni Ivy.

"Sa Rockwell yata sa pag kakatanda ko."

"Oh, kung sa Rockwell nga, ang layo. Ano ‘yon bumyahe pa sya halos 30 minutes para lang bumili ng beer? At sa San Lorenzo... ay teka, diba minor ‘yon? Bakit mo hinayaan bumili, Jael?" Takhang tanong nito.

"Ayon nga rin akala ko eh, akala ko minor pa pero nung sinabi nyang hindi, hinanapan ko sya ng id na makakapag patunay na hindi sya minor katulad ng sinasabi nya." Paliwanag ko sa kanilang dalawa.

"Ganon? Akala ko 17 palang sya, ang baby kase ng mukha eh." Hirit ni Ivy.

I agreed. Totoo naman kase.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko maiwasan mag alala sa lalaki. May mga araw talaga na hindi pumapasok si Ross simula nung pasukan pero hindi raw sya umaabsent ng isang buong linggo ayon sa mga Guro na nag hahanap na rin kay Ross kaya nakakapag taka kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin sya nag papakita.

"Have a good night. See you tomorrow."

May pa see you tomorrow, see you tomorrow pa sya nalalaman non, hindi ko naman pala sya makikita kinabukasan. Mema lang nya.

"Let's go na. Malapit na mag next subject," aya ni Cypress. Kinuha ko na ang mga gamit ko at pinasok sa bag ang baunan na pinag lagyan ng baon kong kanin at pritong tilapia.

"Super antok pa talaga ako, nag binge watch ako ng kdrama kagabi. Wala pa akong tulog." Humikab si Cypress. "Sana wala si Ma'am Josephina."

Nag aasaran kami habang nag lalakad pabalik ng room. Ikinekwento kase ni Ivy yung dati nitong nobyo na humanista. May nag chat daw kase sakanya na babae at ang unang linya ay, "Hi girl, I know you don't know me but," nang mabasa nya palang daw iyon alam nyang may ideya na sya sa kung anong nangyayare hanggang sa nalaman nyang pinag sasabay silang dalawa ng lalaki.

"Ang kapal nga ng mukha 'non eh, grabe sya. Kala mo naman ka-gwapuhan. Lakas ng loob mag loko. Sa respeto na nga lang babawi na lugi pa." himutok nito.

Natatawa lamang ako habang pinapakinggan ang kwento ni Ivy. Hindi ko tuloy maiwasan ma-curious kung ano ba talaga sa pakiramdam ang maloko ng taong mahal mo. Sa bawat salita kase na lumalabas sa bibig ni Ivy parang may kirot pa kaya dinadaan nya nalang sa biro at tawa yung nangyare pero I know that it really traumatized her. Mahirap rin kaya bumuo ng tiwala sa ibang tao kung yung taong binigyan mo ng tiwala bigla kang niloko.

As we approached our room, we saw some of my seatmate's friends seating outside. Seryoso ang kanilang mukha at may bahid na pag aalala.

"Diba 'yon yung mga tropa ni Ross?" Tanong ni Ivy habang naka turo sa tatlong lalaking naka upo sa bench, harap lang ng building namin.

"Yup." Sagot ni Cypress bago ibinaling ang atensyon sa pag dutdot ng kanyang cellphone.

Bago pa man kami maka-akyat ay tinawag kami ng isa sa mga kaibigan ni Ross. Nag tinginan kaming tatlo nila Cypress. Pinapalapit kami nung matangkad na lalaki na medyo moreno. Wala kaming nagawa kundi ang lumapit.

Embracing the TroublemakerKde žijí příběhy. Začni objevovat