Chapter Twenty Eight

289 21 0
                                    

Jael's Point of View

"Then go, ask your mom."

Lahat kami napa singhap sa mga salitang binitawan ni Ross bago ito lumabas nang silid. Binalingan ko nang tingin si Elkayne, para itong nawala sa kanyang sarili at naka tulala na lamang sa pintong nilabasan ni Ross.

Agad akong tumayo at sinundan kung saan papunta ang lalaki.

"Hi, excuse me. May nakita ba kayong lumabas na matangkad na lalaki tapos naka school uniform katulad saakin?" Tanong ko sa front desk. Hindi ko kase makita si Ross sa loob.

"Ay! Si Sir Percival po ba? Yes po, lumabas po sya." sagot saakin nang babaeng nasa front desk. Nag pasalamat ako at agad na umalis para lumabas. Natagpuan ko si Ross na humihipak na naman nang kanyang sigarilyo.

"Ross," pag kuha ko sa kanyang atensyon. Hindi ito lumingon. Mag kasalubong ang kanyang mga kilay habang naka tingin sa malayo. "Ross?" Sa pangalawang pag kakataon, lumingon na sya saakin. Lumambot ang kanyang mukha.

"Yes? Why? Do you need anything?" Tanong nito. Agad n'yang tinapon ang sigarilyong hawak kahit na mukhang kakasindi palang nang maka lapit ako sakanya. He tucked my hair behind my ear.

"Sayang naman," ani ko habang naka tingin sa gawi kung saan n'ya tinapon ang stick ng sigarilyo.

"It's not. I won't compromise your health," wika nito. Sinandal ni Ross ang kanyang braso sa railings. Nilalaro nito ang kanyang singsing sa daliri.

"About pala kanina," tumikhim ako. Iniisip ko kung ano yung tamang salita na gagamitin para sa lalaki.

"Don't mind it. It's nothing," he shrugged. "I'm just joking." Ginulo nito ang buhok ko pero agad din nyang inayos. Tinitigan ko s'ya sa mata but he avoided it. Sunod-sunod din ang naging pag lunok nito hanggang sa tinanggal n'ya ang dalawang butones nang kanyang uniporme. Napa-iwas ako nang tingin, kitang-kita ko yung dibdib n'ya!

"I don't like it," Ross' voice stops me in my tracks.

I slowly turn around to face him. "You don't like what?"

"When others touch you, especially that bastard."

Parang umakyat lahat nang dugo ko sa aking pisnge. "Your words po,"

"I'm sorry. I can't help it, he's too... touchy." Umiwas nang tingin si Ross.

"Bakit? Nag seselos ka?" Pabiro akong tumawa ngunit napatigil din nang bigyan ako nito nang seryosong tingin. I cleared my throat.

"Yes. I'm jealous... I'm fucking jealous."

Parehas kaming natahimik sa sinabi n'yang iyon. Hindi ko sya maintindihan at mas lalong hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Biglang nag haharumintado ang dibdib ko sa mga salitang lumabas sa bibig ni Ross. Bigla akong natakot. Parang may mali.

Narinig ko ang pag buga nya nang kanyang malalim na hininga. "Let's go, silly. Don't overthink what I said." hinawakan nito ang pala-pulsuhan ko at inakay ako papunta sa parking lot.

Pinag buksan ako nito nang pinto bago sya umikot para pumunta sa may driver's seat. "Saan tayo pupunta?" I asked. Nag simula na itong mag maneho paalis. Hindi pa ako nakapag paalam sa mga kaibigan ko.

"Ihahatid na kita." wika nito, ang kanyang mga mata ay deretso lang ang tingin sa daan. "Are you cold?" hindi na nito inantay ang isasagot ko at bigla nalang nya ginalaw yung kung ano sa may sasakyan.

"You can turn on the music, just get my phone there," tinuro ni Ross ang parang pa square na lalagyanan katapat lamang nang binti ko. Pinindot ko iyon at nag bukas ang lalagyanan, kinuha ko ang kanyang cellphone. Binigay ko sakanya ang telepono pero hindi nya kinukuha.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now