Chapter Twenty Four

365 15 1
                                    

Jael's Point of View

"Oh, andito ka na naman." Umupo ako sa harap ni Ross na tumuntungga na naman ng beer. Ngumisi ito. "Bawal ba?"

"Hindi naman."

Tapos na yung mga gagawin ko sa loob ng store kaya naman napag desisyunan kong lumabas para damayan ang nag sesenti na si Ross. Kanina pa s'ya rito mga alas otso ng gabi, mag aala una na ay nandito pa rin sya. Nakaka tatlong beer na nga ito, hindi ko tuloy sigurado kung safe pa sya mag drive.

"Kaya mo pa ba mag maneho?" Tanong ko habang ginigilid yung mga bote. Naki kuha na rin ako ng pulutan n'yang chichirya.

"Yeah," he answered as he sipped from his beer.

Niyakap ko ang aking sarili nang maramdaman ang lamig ng hangin, naka limutan kong mag dala ng jacket kaya naman halos manigas na ko sa lamig sa loob ng store.

"Saan punta mo?" Tanong ko nang biglang tumayo si Ross. Hindi nya ako sinagot at dumeretso sa kanyang sasakyan na naka parada lang sa gilid namin, may kinuha ito aa likod ng sasakyan at bumalik dito sa pwesto nya kanina na may dalang jacket.

"Wear this," inabot nito saakin ang kulay puting jacket. Hindi ako kumilos. "Hay," he sighed. Muli syang tumayo sa pag kakaupo at lumapit saakin. Ipinatong nito ang hawak na jacket sa balikat ko.

"T-thanks, balik ko nalang b-bukas." Napa kagat ako sa labi. Bigla ba namang nautal.

"No need, sayo na 'yan." aniya. Inayos ko yung pag kakasuot sa jacket. Dumaan sa ilong ko ang mabangong amoy ng jacket, i really love his scent.

"You know what," tinuro ni Ross ang kalangitan na maraming bituin. "Iniisip ko na isa si Kuya Reed. d'yan. He's there, watching me..." His voiced cracked but he still managed to talk. May ngiting naka guhit sa labi nito habang naka tingala sa langit.

Sinasabayan ko ang katahimikan ni Ross, walang salita ang gustong lumabas sa bibig ko. I just let him be vulnerable with me.

"Nga pala, salamat pala sa laruan at donut na binigay mo, nagustuhan ng mga kapatid ko." bumaba ang tingin ni Ross sakin at naging malapad ang ngiti.

"You're welcome,"

"Oo, nabuo na nga nila yung lego eh. Naka display na sa bahay." Kwento ko sakanya. "Yung kapatid mo? Rio name n'ya diba?" Ross nodded. "Nagustuhan nya rin ba?"

"I don't know..." Ang masiglang boses ni Ross ay biglang nalungkot. Yumuko ito at muling uminom sa beer. "He didn't even know me..."

Biglang may pumiga sa puso ko nang marinig iyon sakanya. "Bakit naman? I mean, if okay lang itanong."

"Hindi ko rin alam, Ja. Rio thinks I'm a stranger." Pinahiran ni Ross ang kanyang pisnge nang may tumulong luha roon. "He didn't even let me hold him. God knows how much i want to hug him, kiss him and tell him that Kuya loves him." Suminghot ito, nag pipigil sya na umiyak pero dahil na rin siguro sa bigat na nararamdaman, kusang bumagsak na rin ang kanyang mga luha.

"I'm the one who took care of him when he's still a baby. I'm the one who changed his diaper, feed him. Imagine, 2am in the morning, alarm clock ko yung iyak n'ya..." Sabay ang iyak at tawa nito habang nag sasalita. "Kaming dalawa ni Kuya Reed sa pag aalaga kay Rio kase... busy si Daddy, at busy sa iba.... si Mommy," halos mayupi nito ang hawak nyang canned beer. Nabahiran ng galit ang boses nito.

"Everyone's family is a little fucked up, right?" His expression was serious, but I liked how it softened slightly when he looked at me.

"Yes."

"I was sixteen when our Mom left and I have been sixteen ever since." Muli nitong pinunasan ang luha nito kaya bnigay ko sakanya ang aking panyo, tumawa ito at huminga ng malalim. "Nevermind. What's with the look? You don't have to pity me, Ja. I'm okay,"

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now