Chapter Thirty Five

426 24 4
                                    

Jael's Point of View

"Jael!"

Pag pasok ko palang ng classroom, boses agad ni Ivy ang narinig ko. Hinila n'ya ko papunta sa upuan. "Bakit?" Kunot-noon kong tanong. Umikot ang tingin ko sa paligid ng silid namin. Sobrang busy ang mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang ginagawa.

"Anong meron?" Muli ko na namang tanong. Hinanap ko si Cypress hanggang sa dumako ang tingin ko sa upuan ni Ross. Pakiramdam ko ay bigla akong namula nung maalala ko ang sinabi nya nung nakaraang araw.

"Gagi! Nabasa mo ba yung naka post sa official page ng school?" Natatarantang tanong naman saakin ni Ivy. Umiling ako kaya nag mamadali syang kunin ang cellphone nito sa kanyang bag. Ilang minuto itong may dinutdot sa kanyang cellphone bago iabot saakin. May pinakita itong post mula sa page ng school, it was posted 2 days ago.

🎵🎉 Calling all music enthusiasts, dreamers, and believers! 🎉🎵

Prepare to embark on a journey through the symphonic realms of the extraordinary as we unveil a spectacle unlike any other! After a hiatus filled with longing and anticipation, the time has come to welcome back with open arms the illustrious Ephemerous Sanctuary!

Get ready to set your clocks to rock o'clock because November 19th is about to become the most unforgettable day in our school's history! At the stroke of 3:00 PM, the echoes of anticipation will fill the air as we gather in the gymnasium for an event that will transcend time itself.

Yes, you heard it right! Ephemeral Sanctuary is back and ready to rock your world once again!

Imagine being transported to a realm where every note is a brushstroke painting a masterpiece of sound, where melodies dance like fireflies in the night, and rhythms pulse with the heartbeat of a thousand souls.

So, round up your squad, spread the word like wildfire, and let's turn November 19th into a full-blown fiesta of epic proportions! Dust off those air guitars, unleash your inner rock deities, and let's give Ephemeral Sanctuary the welcome back they deserve – it's time to make some noise! 🚀🎸

"Gagi!" Hiyaw ni Ivy. "Nabanggit ba sayo 'to ni Ross?" tanong nya.

"Hindi," sagot ko. "Wala naman syang nasabi."

"Bili tayo ng ticket!" Aniya. "Balita ko ang daming students na manonood galing sa iba't-ibang school."

"Magkano ba ticket?" Tanong ko. Gusto ko panoorin mag perform si Ross.

"Any amount will do daw kase for a cause yung pera. Manonood tayo?" Aniya habang nag niningning ang kanyang mga mata. Tumango ako sa tinuran nya na naging dahilan ng pag talon n'ya sa tuwa.

Umupo ako sa silya dahil muling lumabas si Ivy. Makiki-chismis daw ito sa auditorium. Muli akong napa tingin sa silya na inuupuan ni Ross. It makes sense now, kaya pala yung mga instrument sa music room hindi na naka takip ng tela dahil ginagamit na nya pala iyon.

Natuwa naman ako sa isipin na bumabalik na si Ross sa hilig n'ya. Hindi ko alam kung dahil pa rin sa kinontrata sya ng mga nakakataas dito sa Azure kaya sya tutugtog o dahil sa gusto nya lang talaga.

"Hala!" Pabulong kong sigaw nang mapalingon ako sa date na nasa board. It's November 19. Birthday ni Ross ngayong araw!

Napa-kamot ako sa ulo ko. Nawala sa isip ko. Wala man lang akong regalo para sakanya, di bale, babatiin ko nalang sya mamaya o di kaya humanap ako ng regalo sakanya tapos bukas ko nalang ibibigay. Pwede naman siguro yon.

Lumabas muna ako ng classroom para mag pahangin. Mukhang walang papasok na guro ngayong araw dahil sa magaganap. Sinilip ko yung mga estudyanteng nasa grouds, 11am palang naman pero may mga estudyante na kong nakikita na iba ang uniporme. Ganito pala talaga ka-sikat ang banda nila Ross idagdag mo pa na nakakamangha dahil bakas sa mga mukha ng baway estudyante ang saya dahil sa wakas mag babalik na ang kanilang paboritong banda.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now