Chapter Twenty Six

336 20 6
                                    

Jael's Point of View

Pumasok ako nang sobrang sakit ng puson. Hindi na sana ako papasok pero may mga kailangan kaming asikasuhin na final outputs para kumpletuhin ang final grades namin. Wala tuloy ako sa mood na nag lalakad sa hallway, bagsak ang balikat at mag kasalubong ang mga kilay.

Pag dating ko sa room, naabutan ko sila Cypress na nag titipon na naman sa chair ko. Hindi ko ininda ang ingay ng classroom, dere-deretso lamang ako sa pag lalakad. Namimilipit ako sa sakit ng puson ko.

"Good Morn--- oh, bakit ganyan mukha mo? Para kang kinawawa ng mundo." natatawang sabi ni Clarence habang nag babalasa ng uno cards.

Inirapan ko sya. "Tumahimik ka d'yan, sasalpak ko sa bibig mo yung mga barahang hawak mo."

"Luh, sungit mo naman. Mag bestfriend talaga kayo eh,"

"Hoy! Anong sabi mong kupal ka?" Hiyaw ni Cypress habang naka hawak sa tenga ni Clarence na ngayon ay namimilipit na sa sakit.

"Wala! Aray, aray! Sakit, ampots. Sadista talaga eh,"

Umupo na lamang ako sa upuan ko at nag head down, hinihimas ko ang bandang puson ko. Mas naiirita ako sa mga samu't saring ingay sa loob ng classroom. Nilingon ko ang upuan ni Ross, wala pa rin ito. Hindi ko na alam ano ang nangyare sakanya dahil friday pa nung huling kita ko sakanya. Umuwi na ko kaagad 'non pag tapos ko umidlip at bumaba na ang lagnat n'ya. Hindi na rin ako nakapag paalam kay Ross at hindi naman s'ya nag rereply sa mga message ko sakanya, tanging seen lang laya wala akong balita kung kamusta na ba sya.

"Nag aaya pala si Elmore, Jael, bisita daw tayo sa coffew shop nila after class." wika ni Ivy.

"Di ako pwe--"

"Hindi ka na pwede tumanggi, Jael. Tinanggihan mo na kami nung nakaraan," ngumuso si Ivy. "Balato mo na samin 'to."

Wala na kong nagawa kaya pumayag na rin ako tutal, half day lang kami ngayong araw.

"Nasaan pala si bossing, win streak na s'ya sa attendance ah, puro blangko." ani ni Clarence.

"Si Ross ba?"

"Oo, sino pa ba. Eto talaga si Jael, parang 'di nag t-think,"

"Sapakin ko utak mo d'yan, Clarence. Malay ko ba kung sinong bossing sinasabi mo." Pikon kong sagot.

"Oo na, oo na." suko n'ya.

Muli kong dinukdok ang mukha ko sa arm desk, sobrang sakit talaga ng puson ko. Kaya siguro noong huling nag karoon ako, hindi sumakit ang puson ko tapos tuwang-tuwa pa ko 'yon pala, gagantihan ako ngayon.

"Oh! Long time, bossing!"

Naramdaman ko ang pag galaw ng upuan sa pwesto ni Ross. Hindi ko ito tiningnan at nanatiling naka dukdok ang mukha ko ngunit kita ko ang mas malinis pa sa pag ka-tao ko na sapatos nito. Itinagilid ko ang aking ulo sa direksyon ni Ross, naka kunot ang kanyang noo habang naka tingin saakin. Kusang gumalaw ang mata ko at inirapan s'ya bago muling itagilid ang aking ulo patungo naman sa direksyon nila Ivy sa kabilang gilid ko.

"The fuck?"

Umayos ako ng upo. Muli kong binalingan ng tingin si Ross, naka taas ang kanyang kanang kilay habang naka saklop ang mga braso.

"Oh, ba't ganyan ka maka tingin?" Tanong ko.

Hindi sumagot si Ross, naka tingin lamang ito saakin. Ilang sugendo ako nag antay nang isasagot nya pero mukhang wala syang balak sagutin ako.

"Bad trip 'yan boss, may dalaw yata." Natatawang sabi ni Clarence na ngayo'y nag lalaro pa rin ng Uno. Kinuha ko ang ballpen sa desk ni Ivy at binato iyon sakanya. Humalakhak ito sa tawa. "Sabi sayo eh,"

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now