Chapter Twenty Seven

353 18 5
                                    

Jael's Point of View

Wala akong takas sa mga kaibigan ko kaya naman sabay-sabay kaming pumunta sa café na pag mamay-ari ni Elmore. Sakay kami ng sasakyan nila Cypress. Nauna na sila Elmore doon kasama ang dalawa, hindi ko alam kung kasama ba nila si Ross.

"Ganda naman ng sasakyan n'yo, Cy." wika ni Clarence habang kinakalikot ang kanyang inuupuan.

"Dito ka na tumira."

"Pass. Gagawin mo lang akong taga car wash." sagot nito sakanya.

"Edi 'wag. Atleast nga taga car wash lang eh." Inirapan s'ya ni Cy.

Dahil naka sasakyan kami, saglit lang ay naka rating na kami kaagad sa café nila Elmore. Bumaba na kami ng sasakyan at inalalayan kami ng mga body guards ni Cypress. Meron pala ito laging kasama na dalawang body guards but they are not allowed to enter the school, lagi lang silang nasa labas para bantayan si Cy kung lalabas. Kahit ang nag mamaneho ng sasakyan n'ya may dala-dalang armas, nabanggit din nito na bullet proof ang sasakyan dahil nung bata ito, may matinding kaso na nahawakan ang Papa n'ya to the point na pati s'ya ay nadadamay.

Kaya para masiguradong okay ito lalo na't nag iisang babaeng anak s'ya, laging may naka buntot na body guard. Hindi na rin masama lalo na't hindi mo naman alam kung yung makakasalumuha mong tao ay pag tatangkaan ka palang patayin dahil lang sa pagiging abogado ng pamilya mo.

"Pwede rin ba mag apply bilang body guard mo, Cy?" Tanong ni Clarence habang nag lalakad kami papasok sa loob.

"Wag na, 'uy. Baka imbes na ako bantayan mo, ikaw pa mabantayan ko." sagot nya.

"Grabe ka naman, I can protect Theodora Cypress Lucenzo naman at all cost." Paawang sabi ni Clarence habang kumikislap-kislap pa ang mata habang hindi naman maipinta ang mukha ni Cypress habang naka tingin sakanya.

"Lumayo-layo ka nga sakin, Clarence. Baka di kita matansya at mabaril kita nang wala sa oras." Tanging tawa lang ang sinagot sakanya ni Clarence.

Pag pasok namin sa Café, naabutan namin ang sobrang daming tao. Nung unang punta ko rito wala masyadong tao dahil masyado pang maaga, pero hindi ko inakala na ganito karami ang naka dine in sa ganitong oras. Nakita ko pang maraming sasakyan ang nasa drive thru ng café.

"Susunod ba si Elkayne?" Tanong ni Ivy.

"Susunod daw s'ya," sagot ko. Hindi naka sabay saamin si Elkayne dahil may inaasikaso pa ito.

"Good afternoon, Ma'am and Sir. Do you have reservation po?" Tanong ng nasa front desk.

"Yes, uhm. Kay Elmore Sandoval po,"

"Oh, you're the special guest of Mr. Kai po pala, follow me po." Inakay kami nang babae sa second floor ng café. Para kaming mga bulate na naka sunod lang sa babae dahil pare-parehas kaming hindi alam kung anong gagawin.

"You can enter po. Nandyan na po sila sa loob, if you need anything you can call us po."

Iniwan na kami nang babaeng nag aassist. Inikot ko ang mata ko sa buong sulok, sobrang elegante talaga ng place. Sobrang ganda ng interior. Gusto ko kapag mag tatayo rin ako ng coffee shop, ganitong vibes ang gusto kong ma achieve.

Si Cypress na ang nag bukas ng pinto, naabutan namin sila Elmore na naka upo sa pabilog na table at may mga pagkain na nasa table. "Finally. Akala ko mamumuti pa muna ang mata namin kakaantay bago kayo makarating." Biro ni Elmore. Inakay nya kaming maka upo. Sobrang laki ng loob, parang ginawa 'to for special events. Glass type yung pader, kitang-kita namin ang mga nag gagandahang building sa labas. Isama mo na ang sobrang gandang sunset sa langit. I really love this place.

Embracing the TroublemakerWhere stories live. Discover now