Chapter Twenty Three

370 17 2
                                    

Jael's Point of View

"Aray ko naman!" Kinuha ko kay Ross yung suklay. Nag presinta kase itong talian ako nang buhok pero mukang hindi tali ang nagagawa nya kundi buhol-buhol.

"Ang tigas ng buhok mo," aniya at inagaw saakin ang suklay. "Parang hindi naka conditioner."

"Ang kapal ng mukha mo Ross, hindi ka lang marunong." Inirapan ko s'ya. Tumayo ako at lumapit sa may maliit na salamin para mag tali, "watch and learn."

Sinuklay ko muna yung buhok ko at saka hinawakan para kunin yung tali bago ko ipusod. Tiningnan ko sya sa salamin, seryoso lamang ako nitong pinapanood, may pag kunot pa ng noo.

"Bakit ganon, walang naiiwan na baby hair?" he asked.

"Dapat kase mahigpit hawak mo tapos make sure na nasama mo lahat ng hair. Pag may mga baby hair pa rin na natitira pwede na lagyan ng gel para tumigas tapos dumikit."

"Ah," he nodded. "Okay. Tanggalin mo ulit tali mo, ako mag tatali." Tumaas ang kilay ko. "Ayoko, bahala ka dyan. Punta na akong room." Hindi ko na inantay ang sagot nito dahil agad na rin akong lumabas.

Dumeretso na ako sa may building namin dahil malapit na mag umpisa ang una naming asignatura. Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang naging Intrams. Nagulat nga ako dahil si Ross pala ang MVP sa basketball kaya sobrang matunog ang pangalan n'ya ngayon.

"Jael, kailan release ng grades natin?" Tanong ni Ivy pag pasok ko palang ng room. "Hindi ako sure eh, wala pa binabang announcement."

"Sana this week, nag o-overthink na ko sa grades ko." Problemadong saad nito. "Okay naman performance ko this quarter diba?" tumango ako.

Balagbag sa recitation si Ivy, kapag may recitation hindi nawawala ang pangalan nito. Okay naman ang mga quizzes n'ya sa mga subject namin pero sa first examination namin hindi pa sigurado dahil ngayon palang iaannounce. Pinalipas muna yung intramurals bago kami mag release ng card at mag simula sa second grading.

"Ikaw, sure ako, mataas grades mo." wika nito habang naka taas-baba ang kanyang kilay na para akong inaasar. Natawa ako. Hindi naman ako ganoon ka-confident sa grades ko, pakiramdam ko kase may kulang sa naging performance ko. Basta wala akong bagsak, okay na saakin 'yon.

Nag kwentuhan lang kaming dalawa ni Ivy sandali dahil wala pa yung guro namin sa unang subject. Wala ngayon si Cypress dahil may contest syang sinalihan ngayong araw.

"Alam mo ba, break na raw si Quintana at Eliseo," bulong ni Ivy. Kumunot ang noo ko, parang nung friday lang nakita ko pa silang nag lalambingan sa may photo booth. "Huh? Kailan lang?"

"Nung friday pa 'te, nakita raw ni Eliseo si Quintana na nakikipag halikan doon kay Jared," mas inusog pa ni Ivy ang kanyang upuan papunta saakin para masiguradong kami lang ang nakakarinig. "Ang malala pa ron, si Jared pa ang matapang, sinapak daw si Eliseo. Nakaka-awa si Eliseo, gagi, kung makita mo lang mukha 'non, maaawa ka."

"Eh, paano mo nalaman?"

"Narinig ko nag uusap mga kaibigan ni Quintana sa cr kanina, binabackstab nga si Quintana, eh. Naaawa raw sila kay Eliseo. Sa sobrang bait daw 'non, pinalabas n'yang sya yung nag cheat para hindi masira si Quintana."

"Oh?"

Bumaling ang tingin ko kay Quintana, nasa labas ito ng classroom at nakikipag tawanan sa mga kaibigan n'ya. Nag salubong ang tingin naming dalawa pero tinaasan n'ya lang ako ng kilay. Hindi ko kilala yung Jared na sinasabi ni Ivy pero parang ang bigat na sa pakiramdam banggitin ng pangalan nya.

"Parang tanga nga 'yan si Quintana eh, gusto i-explore lahat ng strand."

Sa pag kakaalam ko mayaman sila Georgina Quintana, sikat ang pangalan nila sa larangan ng wine industry, taga pagmana s'ya ng mga Quintana.

Embracing the TroublemakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon