Chapter 1

5.7K 177 59
                                    

[EROS MAXWELL SANTOS]

4 years after...

"Baby sis!!!!!!" at kinalabog ko ang pinto niya.

"Ano? Bukas yan!" sagot niya.

Pumasok na ako sa kwarto niya ng nakangisi. "You ready? Kakain muna daw tayo bago magsimba." sabi ko.

"Malapit na." sagot niya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng lipstick?

Lumapit naman ako sa kanya at piniga ang pisngi niya, "Baby sis, parang dati lang kendi pa ang pang lipstick mo, ngayon ganyan ka na." sabi ko at ngumuso.

Hinampas naman niya ako, "Anong nakain mo at nagdadrama ka? Hahaha!" biro niya.

Tumabi na ako sa kanya, "Di pa ako kumakain kaya ako ganito. Bilisan mo na kasi! Inaantay ka na namin sa baba." sagot ko.

"Okay na tapos na ako!" sabi niya.

"Teka! Picture muna tayo." at hinila ko siya patabi sa akin.

*click*

"KUYAAAAAAAA!!!!! BURAHIN MO YAN!!!!!!!" sigaw niya. Bago ko kasi pindutin ang picture ay piniga ko ang pisngi niya! Mukha siyang isda! Hahahaha.

 Bago ko kasi pindutin ang picture ay piniga ko ang pisngi niya! Mukha siyang isda! Hahahaha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bakit ko buburahin? Ang pogi ko kaya dito. Hahaha!" sabi ko at nagtatakbo na palabas.

Ilang sandali lang ay bumaba na din siya, "Good morning!!! Mommy and Daddy!" bati niya at hinalikan sila sa pisngi. Sinamaan naman niya ako ng tingin, ipinakita ko sa kanya ang picture namin at bumelat.

"Oh, mag-aaway na naman kayong dalawa! Tigilan niyo yan. Erliyah at Eros matatanda na kayo, hay nako naman!" natatawang sabi ni Mommy. Ngumuso siya at natawa na lang ako.

"Nga pala, si Ethan po asan?" tanong niya.

"Ah, isinama ng Daddy niyang mag'bike pero pabalik na iyon." sagot ni Daddy. Hmp! Si Baby sis puro si Ethan na lang ang iniintindi.

*****

"Mommy!!!" at patakbong lumapit si Ethan kay Erliyah, the kid kissed Erliyah on her cheek. Tapos tsaka lumapit sa amin para humalik.

"Ethan you're sweating a lot. Where's your Daddy?" She asked habang pinupunasan siya ng pawis. Ang baby sis ko ToT

"Present po!" nakangiting sabi ng Daddy ni Ethan at pumasok na. Humalik siya sa noo ni Erliyah, naka may germs yan! Hahaha! Tapos nagmano siya kay Daddy and Mommy at nakipag-apir sa akin. Tsaka umupo sa tabi ni Erliyah with all smiles.

"Baby, go ask yaya to get you some clothes. Aalis tayo after nating kumain eh. Okay?" sabi ni Erliyah, tumango naman ang bata at patakbo ng umalis.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now