Chapter 19

2.3K 103 65
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Today is Amiel and Belle's wedding. Nandito na kami sa hotel at nag-aayos dahil mga bridesmaids kami. Umaasa ako na makikita ko na ngayon si Charlie, there's no way na hindi siya pupunta. We need to talk, nababaliw na kasi ako.

6 months na ang nakakalipas ng umalis siya. Hindi pa ba sapat iyon para magpahinga siya? Kasi unti unti na akong nawawalan ng pag-asa sa kanya. I know, ang hina ko dahil hindi ko siya maintay pero kasi-- hindi ko naman alam kung bakit siya umalis at kung babalik pa ba siya.

Si Kristofer--hindi ko alam kung ano na kami. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Sinabihan niya ako na okay lang daw siyang maging panakip butas ko habang wala pa si Charlie and I never imagined Kristofer being that desperate. Kaya naguguluhan talaga ako.

After that night, hindi na nawala sa tabi ko si Kristofer. Lagi na siyang nakabuntot sa akin na parang boyfriend ko. Sinubukan ko siyang patigilin, sinubukan ko siyang itaboy pero walang nangyari. Hanggang sa di ko na namalayan na nakabalik na siya sa sistema ko. Wala, hinahanap hanap ko na siya.

"Aliyah, paabot naman nung lipstick--" inabot niya sa akin iyon ng di manlang ako tinitignan. Isa pa ito sa problema ko, galit sa akin si Aliyah. Nagalit siya kasi daw ang kulit ko at lumapit na naman ako kay Kristofer. Sabi ko sa kanya, I tried my best na iwasan but I just can't. Ayun, nagalit sa akin.

Yung iba naman, neutral lang sa nangyayari. Sabi nila, di ko naman daw kasalanan kung nahuhulog 'daw' ulit ako kay Kristofer. Sabi nung iba, baka deserve daw namin ang second chance. Sabi nung iba, intayin ko pa rin daw si Charlie. Sabi nung iba maging understanding lang daw ako. Sabi nung iba, pag-isipan ko daw ang gagawin ko.

Nakakapagod. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masama ba akong babae? Siguro nga. Kasi nag-eentertain ako ng iba kahit na may commitment pa ako. Siguro nga masama ako kasi unti unti ko ng nalilimutan si Charlie dahil kay Kristofer, kasalanan ko ba?

"Aliyah, you're being childish na naman. Tigilan mo nga si Erliyah!" sabi ni Lesley.

"Anong childish?!" sagot naman ni Aliyah.

"Siya lang naman ang iniisip ko eh! Pero ang kulit niya, binalikan pa rin niya si Kristofer." dagdag niya.

Napayuko na lang ako, "Eh anong magagawa mo? May sarili siyang desisyon, wag na natin siyang pakialamanan." sabi naman ni Nicole.

"Tama na, please." I said.

"Oo may desisyon siyang sarili niya pero we don't tolerate these things." sabi ni Aliyah.

"Hey! Calm yourself there, Aliyah." suway ni Valerie.

"Erliyah, nakaka-disappoint ka naman. Yung mga choices na ginawa mo, nakaka-disappoint talaga!" sabi sa akin ni Aliyah. Napakagat na lang ako ng labi ko.

"Aliyah, sumusobra ka na ah? Wag mong ilabas sa amin ang pagiging war freak mo." sabi ni Nicole.

"Ako? War freak? Okay! At least I'm not a cheater." sabi ni Aliyah at tinignan ako.

"Aliyah!" sabay sabay nilang saway.

"I don't cheat on Charlie. It was not my choice--"

"Cheating is a choice! Walang bagay na hindi mo sinasadya, dahil sa una pa lang alam mo ng mali. Pinagpatuloy mo lang dahil sa pansarili mong kaligayahan! You really think second chance works? Niloko ka na niya noon, lolokohin ka lang niya ulit ngayon." sigaw niya.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now