Chapter 26

2K 95 27
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

The morning before our flight ay nagsabi ako kay Kuya na papasok ako sa company dahil gusto kong magpaalam sa kanila. Tsaka balak ko din na makipagkita sa mga kaibigan ko bago ako tuluyang umalis.

Maaga pa lang ay nagpunta na ako sa company. As usual, sinalubong ako ni Zywon. Hindi ko pa sa kanya nasasabi ang lahat, ni hindi ko pa nga nasasabi sa kanya na aalis na kami mamaya eh.

Pinilit ko ang sarili ko na umakto ng normal. Nung bandang lunch ay inaya ko silang lahat sa may pantry dahil gusto ko silang i'treat ng lunch dahil masaya akong naka-trabaho ko sila.

Nag-order ako ng mga pagkain namin. Pagdating nila ay nagulat sila sa dami ng pagkain.

"Woooow!! Ano pong meron? Birthday niyo ba ma'am?" tanong nila.

Umiling ako, "Upo na kayo, sabay sabay na tayong mag-lunch." sabi ko.

Agad na tumabi sa akin si Zywon, "Anong meron bat ka nanlilibre?" tanong niya.

"Sasabihin ko rin mamaya, kumain na muna tayo." sagot ko. He just shrugged at kumuha na ng pagkain niya.

Our lunch went well, kagaya pa rin ng dati ay nag-uusap usap lang kami tungkol sa current issues ng bansa. Tapos magjojoke si Austin or Tris at mapupuno ng tawanan ang buong pantry. Napapangiti na lang ako, isang taon at kalahati ko din silang nakasama at lahat sila ay mababait sa akin.

"Uh, guys..." sabi ko kaya bigla silang tumahimik.

Tumayo ako at nginitian silang lahat, "It's my pleasure to work with everyone that's here in this room..." I heaved a sigh.

"Maraming salamat kasi naging sobrang bait niyo sa akin for my stay here, I know I lacked at some points being your boss pero hindi pa rin kayo nagbago ng pakitungo sa akin. Salamat talaga." sabi ko. Pakiramdam ko nga ay malapit na akong maiyak, lagpas isang taon ko silang nakasama kaya itinuturing ko na silang parte ng buhay ko.

Zywon held my arms, "Bakit? Anong meron?" tanong niya.

I smiled at him, I smiled at everyone, " Bukas ng madaling araw, I'll be flying back to Canada. Hindi ko pa alam ang plano--"

"Hala ma'am! Paano kami? Sinong magiging boss namin? Wag ka ng umalis, ma'am!" sabi ni Vicky.

"I need to leave for some personal matters. Siguro magkakaroon na lang ulit kayo ng team leader kagaya noon. Andyan naman si Senior Paul niyo, baka siya ulit ang maghandle dito." sabi ko at nagbagsakan naman ang mga balikat nila.

"Cheer up, guys! Kapag maganda ang performance niyo, pupunta punta ako dito. That's a challenge for everyone, if you want to see me again-- make sure that we stay at the top of the market." sabi ko sa kanila.

Kanya kanya naman silang pakiusap na wag na akong umalis, "I really need to go, tsaka di pa ba kayo nagsasawa sa mukha ko? Haha!" pagbibiro ko para mabawasan ang lungkot sa pantry. Kahit ako rin naman ay nalulungkot na kailangan ko silang iwanan pero malay niyo naman kapag ayos na ako ay bumalik ako dito?

"That's why I treated you all for lunch, thank you everyone. It was nice working with people who are really dedicated and fun to be with just like you guys." tapos nag bow ako sa kanila.

"Thank you everyone, let's see each other again soon." I said.

Isa isa silang nagsipaglapitan sa akin at niyakap ako, kanya kanya silang paalam at paalala. They're the sweetest. Nag picture pa nga kami para daw remembrance.

"Okay, back to work guys! Ayokong magbabago kayo kapag umalis na ako ah?" sabi ko. Nagsipagtanguan naman sila at isa isa ng lumabas ng pantry.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now