Chapter 7

2.8K 132 13
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Ding.. Dong..

"Ma'am! May tao po. Pagbuksan ko po ba?" tanong ni Peach.

"Ako na." sabi ko at tumayo.

Agad kong binuksan ang pinto and to my surprise it was Kristofer.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Hindi ba pupunta tayo ngayon sa site?" tanong niya.

Tumango ako, "Yeah. Why?"

"Sumabay ka na sa akin papunta." sabi niya.

Hindi ko napigilan ang pagtaas ng kilay ko,"Huh? Ah, hindi na kailangan. I can manage." sagot ko.

"I insist. Tsaka nakiusap din sa akin si Charlie." sabi niya. Wait-- Charlie?!

"No, it's really okay. Hindi pa rin kasi ako tapos eh. Kasabay mo ba si Ms. Jung?" tanong ko.

"Oo, dadaanan ko siya pero iintayin na lang muna kita. Kumatok ka na lang sa--"

"Wag na talaga, nakakahiya eh. Tsaka si Ms. Jung baka iniintay ka." pagtanggi ko.

"Kalimutan mo si Ercielle, gusto kong intayin ka." seryosong sabi niya.

"Bakit mo ba ito ginagawa? If it's because Charlie asked you to do it, please stop, kaya kong pumunta dun mag-isa. Atsaka nakakahiya naman kasi kay Ms. Jung." sabi ko. Medyo naiilang na kasi ako sa kanya. Madami siyang sinasabi na hindi ko naiintindihan. Tsaka ayokong malapit sa kanya, there's something weird about 'us'. I don't want to have any complicated things to understand, I'm here because Mommy asked for a favor. Ayun lang ang dapat kong asikasuhin.

He looked at me, "Priorities." sabi niya at bumalik na sa kwarto niya.

"Katukin mo na lang ako." sabi niya bago isara ang pinto niya.

Napaawang ang bibig ko. What?! Priorities?! Priority niya ako? Anong gusto niyang sabihin? Ang gulo niya talagang kausap kahit kelan!

******
Labag man sa kalooban ko, wala akong nagawa. Sumabay ako kay Kristofer. Tinawagan ko si Charlie to confirm kung totoo bang pinapasabay niya ako kay Kristofer. He said yes and when I asked him why, 'I know he'll take care of you.' ang sagot niya. His answer made things complicated. Ayoko sanang bigyan iyon ng malisya pero-- ewan ko! Sumabay ako sa kanya dahil ayun ang gusto ni Charlie. Ayokong makipag-away pa kay Charlie, hindi naman kasi kami yung tipo na nag-aaway sa mga ganito kaliliit na bagay.

Katahimikan lang ang bumabalot sa aming dalawa habang bumibyahe kami. He's driving while I'm on the shotgun seat and because of that, things are kinda awkward. Naglaro na lang ako ng games sa phone ko, good thing I have some kundi wala akong excuse para hindi mangausap. We're on our way to pick up Ms. Jung. Sa pagkakadinig ko kanina ay iintayin na lang niya si Kristofer sa labas ng building ng condo niya.

Nakita ko na si Ms. Jung, she's waving at us. Ewan ko lang kung alam niyang kasabay ako ni Kristofer, tinted kasi ang kotse niya. Tumigil na kami sa tapat ni Ms. Jung, mabilis niyang binuksan ang pinto sa shotgun seat kaya nagkagulatan kami.

"E-Erliyah? B-Bakit--" nilipat niya ang tingin kay Kristofer na parang nagtatanong kung bakit ako nandun.

"Charlie asked me to tag her along." sagot ni Kristofer. Luh? Pinilit kaya niya akong sumabay sa kanya! -_-

"Lilipat na lang ako sa likod." at bumaba ako mula sa shotgun seat.

******
Silence filled the car, wala manlang ni isa sa amin ang nag-initiate na magsalita. Maybe I should be used to the awkward atmosphere whenever I'm with them. Haaayyy! Dapat pala isinama ko si Ethan para kahit papaano ay may nakakausap ako. Mas mukhang may sense pang kausap yung little brother ko kaysa sa kanila eh. Hahaha! Just when I'm in the peak of boredom, someone called me. Just the appearance of his name made me smile.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now