Chapter 29

2.7K 103 77
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Isang taon na mula ng magkabalikan kami ni Kristofer. Oo, ang bilis nga eh. Hahaha! Bumalik na ako dito sa Pilipinas, nagtatrabaho na ulit ako sa company namin. Pinayagan ako nina Mommy na dito na mag-stay dahil mukhang mas masaya daw ako dito pero every month ay umuuwi ako sa Canada para naman may time pa rin akong makasama ko sila. Si Ethan, nag-aaral na siya! Napaka'cute niya lalo sa uniform niya! At hanggang ngayon ay kasama pa rin ni Ethan si Toben, di mo pa rin sila mapahihiwalay. Haha!
Si Kuya naman, ayun doctor na talaga. Feel na feel niya yung doctor's gown niya na may nakaburdang pangalan niya. Kulang na lang ay ipangtulog na din niya iyon. Hahaha! Baliw na talaga iyong kapatid ko na iyon.

Ngayon, nakatira ako kay na Aliyah, ayun kasi ang request ni Mommy para kahit papaano daw ay may kasama pa rin ako kahit dito ako sa Pilipinas nagi-stay. Pinaguusapan na nga nila na dito na rin nila gustong tumira, dun sa bahay na pinagawa namin dati. Ewan ko lang kung kelan nila gagawin.

Curious na ba kayo sa nangyari sa amin ni Kristofer? Haha! Sa loob ng isang taon nagkabalikan kami ni Kristofer ay mas lalo siyang naging sweet. If he's sweet before, believe me he's sweeter now. Ewan ko ba kung nasan na yung dating Kristofer, alien na ata itong boyfriend ko eh.

Naipakilala ko na ulit siya kay na Mommy at Daddy, tinanggap naman nila ng maayos si Kristofer. Si Kuya? Okay na din sila pero madalas pa ring tawagin ng kung ano ano si Kristofer. Hahaha! At dahil close si Ethan at Kristofer, kada umuuwi ako ng Canada ay kasama ko lagi si Kristofer para makapag-bonding silang dalawa.

Nasabi na rin namin sa side niya na kami na ulit. Sobrang tuwa ni Tita Kristina at Kraze ng malaman nila na nagkabalikan ulit kami after ilang years. Sabi pa nga nila, talagang ipinagdasal daw nila na magkabalikan kami. Hahaha! Nagulat din ako ng binigyan din kami ni Tito Arthur ng blessings niya.

Ng magkabalikan kami ay sinabi agad namin iyon sa tropa dahil ayaw na naming maglihim pa sa kanila. Tinanggap naman nila kami at sinabing susuportahan daw nila kami lagi. Si Aliyah? Okay na sila ni Kristofer. Hahaha! Si Kristofer at Charlie? Okay din naman sila, hindi nga lang sila ganung nag-uusap pero di naman sila nag-iiwasan. Sobrang busy nga ni Charlie ngayon eh, minsan na lang namin makita dahil kung san san nagpupunta. Haha! Siya na kasi ang CEO ng company nila. Oha! Bigatin na ang kaibigan namin.

Sa ngayon, I can say that everything is perfectly fine for me. Masaya kaming lahat at wala naman kaming masyadong nagiging problema. Happily married sina Amiel at Belle pati sina Lesley at Sedric. Kinasal na din last year sina Jester at Nicole. Si Luis at Fallon rin ay nagpakasal na last year. Nagpropose na last month si Drake kay Aira. At Alam niyo bang ikakasal na next month sina Thunder at Valerie? Oo, sunod sunod ang kasalang nagaganap sa aming magkakaibigan. Hahaha! Kailan kaya kami? Haha. Biro lang! Si Chase, finally ang lalaking iyon ay nagka-girlfriend na rin! At alam niyo kung ano ang nakakatuwa ang lovestory nila, fangirl ni Chase si Trish mula pa nung college kami. Hahaha! Basta ang cute nilang dalawa! Si Kurt naman sa awa ng diyos ay may nililigawan na din! And you won't believe who it is, it is Mira Sison. The girl who bakes cookies for him back when we were in college. Hinanap niya si Mira sa buong mundo and finally, nahanap niya din ito. Grabe magmahal si Kurt, hands down!

Tok... Tok...

Bumukas ang pinto ng office ko, "Lunch na, let's go?" aya sa akin ni Zywon.

Dahil na-promote na si Zywon ay hindi ko na siya naging assistant, si Riley na ang naging assistant ko. Pero kahit ganun ay si Zywon pa rin ang madalas kong makasama dahil na rin siguro magkaibigan kami ng lalaking ito. Hahaha!

Hindi na siya pinagseselosan ni Kristofer, naging magkaibigan na silang dalawa. Minsan nga ay nagugulat na lang ako na magkasama silang lumalabas kasama ang iba pa nilang kaibigan eh. Hahaha!

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now