Chapter 14

2.5K 118 32
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Isang linggo. Isang linggo na nung nalaman ko ang mga nangyari noon. I've been visiting a psychiatrist these past few days because my memories are coming too rapid and I can't handle it. Minsan nagigising ako in the middle of the night dahil may naalala ako through my dreams. Minsan naman kapag may nakikita akong bagay o pictures biglang sumasakit ang ulo ko and poof another memory remembered.

As I promised Aliyah, hindi ko sinasabi kay na Mommy ang nangyayari sa akin. This might be a big issue for us at baka bigla akong pabalikin ng Canada at hindi ko na naman makita at makasama ang mga kaibigan ko. Tsaka kahit naman nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon ay okay lang. Hindi ko alam pero kahit masakit ay gusto kong mag-stay dito. I want to finish my business here, the house. True enough, hindi naman pinabayaan ni Ercielle ang bahay. She got me a new architect and she's nice.

"Ate andyan na po si Sir Zywon." sabi ni Peach.

Tumayo na ako at kinuha ko ang bag ko, "Good Morning." bati ko sa kanya.

He smiled at me, "Ganda naman ng morning ko. Haha!" biro niya. Nginusuan ko na lang siya. Another good thing about being here is that I got a new friend, Zy. Nitong mga nakaraam ay mas naging malapit kami sa isa't isa. Siya kasi ang lagi kong nakakasama.

"Ano tara na ba?" sabi niya. Tumango naman ako.

Bumaling ako kay Peach, "Wag kang magpapasok dito ng kahit na sino ah? Si Ethan pakainin mo ng pakainin ng prutas para mawala yung sipon. Itext mo ako kapag may problema, okay?" bilin ko. Nung isang linggo kasi nalaman kong pinapasok niya dito si Kristofer eh. Buti na lang wala ako nun.

Tumango si Peach, "Opo, ate." sabi niya.

Lumabas na kami ng unit ko and as usual, nandun na naman si Kristofer na parang inaantay ako.

"Erliyah--"

Hinila ako ni Zywon, "Let's go." sabi niya. Nagpatangay na lang ako sa kanya.

Yes, I've been avoiding Kristofer these past few days. Masisisi niyo ba ako? He's my ex and he's not acting like one. Lagi niya akong kinukulit na mag-usap kami which I don't like kasi hindi pa ako ready makausap siya. After everything that happened?

Naguguilty nga ako dahil ginagamit ko si Zywon para maiwasan si Kristofer but I have no choice. Hindi patatahimikin ni Kristofer ang buhay ko hangga't di kami nag-uusap. Dati kasi inaagahan ko ang alis at late ako umuuwi para hindi kami magkita. Kaso isang beses inabangan niya ako ng madaling araw, muntik na nga akong atakihin nun sa puso eh. Buti na lang nakatabo ako nun. Kaya humingi na ako ng favor kay Zywon na kung pwede ay sunduin niya ako, hindi naman siya tumanggi. Kaya nga sobrang pasalamat ko sa kanya eh.

Alam na ni Zywon na nakaka-alala na ako. Kaya nga di siya nagdalawang-isip na tulungan ako nung nalaman niyang medyo ginugulo ako ni Kristofer.

Bakit si Zywon ang kasama ko ngayon? Kasi wala pa rin si Charlie hanggang ngayon. I still update him tho, kahit di siya nagrereply. Pinupuntahan ko rin siya sa bahay nila baka sakaling umuwi siya pero wala pa rin eh.
Di ko pa rin siya nakikita at hindi ko pa rin alam kung kelan siya babalik. Sana naman bilisan niya, ang hirap kasi na wala siya sa tabi ko, di pa rin ako sanay.

*******
Kumain muna kami ng breakfast ni Zywon bago pumasok. Lagi na kasi akong di nakakakain dahil nagmamadali akong umalis. Kaya sa labas na lang ako laging kumakain ng almusal.

"Ang lupit mo talaga boss Zywon! Hahaha!" asar ng mga kaibigan niya sa amin. Ilang beses na naming itinaggi na may something sa amin pero ayaw nilang maniwala eh.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now