Chapter 11

2.6K 100 8
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Tatlong araw na akong nagkukulong sa kwarto ko. I turned off my phone. I didn't open any of my sns. Hindi ako nakikipag-usap kay Charlie. Hindi rin ako pumapasok sa trabaho. Hindi ko alam pero sobrang affected talaga ako sa mga nalaman ko. Kagabi, nagpunta dito yung girls kasama ni Aliyah. Nag-sorry sila sa akin dahil inilihim daw nila sa akin iyong nangyari dati, tho hindi ko naman sila masisisi. I know it was for my sake.

"Ate..." katok ni Peach.

"Yeah?"

"May naghahanap po sa inyo." sabi niya. Tamad na tamad akong bumangon.

Binuksan ko ang pinto at sumilip, "Sino? Si Charlie ba?" tanong ko.

Umiling naman siya, "Di ko po kilala e, si Ethan po ang may kilala kaya pinapasok ko na." sagot niya. Tumango na lang ako at nag-ayos saglit ng sarili ko bago lumabas.

Pumunta na ako sa sala, nakita kong may kalaro si Ethan. "Z-Zy?" Nilingon naman niya ako at nginitian.

"Hi, ma'am!" bati niya. Naupo ako sa tabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko.

"Eh kasi ma'am antagal mo ng di pumapasok eh. Hinahanap ka na nila, di ko naman alam isasagot ko. May sakit ka ba?" tanong niya.

Umiling ako, "I just-- I'm not in the mood ganun. Sobrang dami ko na bang natambak na trabaho?" tanong ko.

"Don't worry, I got you cover." sabi niya.

"Salamat." sabi ko na lang.

"May problema ka ba? Kailangan mo ng kausap?" tanong niya. I can see that he's really concern about me but I just can't tell my story to him. Hindi pa rin naman kami ganong ka'close.

"Hindi ka tiwala sa akin?" tanong niya.

Agad naman akong umiling, "Hindi naman sa ganun, I just don't think it's right to open up my personal issues with you. Alam kong concern ka sa akin but I can handle this." sabi ko.

"If you can handle it, bakit mukhang sobrang affected ka?" sabi niya kaya natigilan ako.

Napabuntong hininga ako, "I'm still fine." I said.

"Would you like to runaway with me?"

[ZYWON SUAREZ]

Hindi ko alam kung anong sumapi sa aking espiritu santo at sinabi ko iyon. Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Ms. Erliyah.

"A-Ano... Don't get me wrong. Baka gusto mo lang mag-unwind? Sasamahan kita. May alam akong magandang lugar." sabi ko.

Nag-isip naman siya, then she slowly nodded, "Siguro nga kailangan ko yun. Can you wait for me? I'll just have a quick bath." sabi niya, agad naman akong tumango.

Pumasok na siya ulit sa kwarto niya. Eto na ba ang first date namin? Shet! Teka?! Anong first date pinagsasabi ko?! Kinatok ko na lang yung ulo ko. Kung ano ano na naiisip ko. Ibinaling ko na lang ulit ang pakikipaglaro kay Ethan. Tropa na kaagad kami nitong bata na ito, basta dalhan ko lang ng orange at persimmon ayos na kami.

Lumapit naman sa akin yung babaeng nagpapasok sa akin kanina. "Sino ka? Ano mo si Ate Erliyah?" tanong niya.

"I'm Zywon and she's my boss." I answered.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now