Chapter 23

1.9K 91 90
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

"Mommy!!" and I felt kisses on my cheeks. When I opened my eyes it was Ethan who's showering me with kisses. Tapos nadidinig ko ang tahol ni Toben.

"Mommy, wake up." malambing niyang sabi.

Dahil makulit si Ethan at ang ingay ni Toben ay bumangon na ako. "Mommy, let's eat na our breakfast!" sabi niya.

"Sige, susunod ako." sagot ko. Tumango naman siya at nagtatakbo na palabas bitbit si Toben.

Naghilamos at nagtoothbrush muna ako ng matapos ako ay napatitig ako sa sarili kong repleksyon. Panaginip ko lang ba na bumalik na si Charlie? Hindi naman di'ba? Siya pa nga ang naghatid sa akin kagabi pauwi eh. Di'ba? Di'ba?

Kinuha ko na lang ang tuwalya ko at pinunasan ang mukha ko tsaka ako lumabas ng kwarto.

"Etha--" natigilan ako ng makita ko si Charlie sa may sala. Naitakip ko tuloy ang tuwalya ko sa akin. Pero hindi iyon ang ikinagulat ko, ang ikinalaglag ng panga ko ay nandito rin si Kristofer. THEY'RE BOTH HERE IN MY CONDO?! WHAT THE HELL!

Ethan was seating between them na parang ang saya saya pa niya. Seriously, my brother is so innocent on what's happening here. Ako naman para akong naestatwa dun. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa-- anong sasabihin ko kay Kristofer? Hindi ko nasabi sa kanya kagabi na bumalik na si Charlie. At anong sasabihin ko kay Charlie kapag tinanong niya ako kung bakit nagpupunta si Kristofer dito?

Ding... Dong...

"Maybe that's Ate Peach!" sabi ni Ethan at nagtatakbo papunta sa pinto.

"A-Anong ginagawa niyo dito?" naguguluhang tanong ko.

"Kasi--" naputol sa pagsasalita si Charlie ng...

"Erliyah! Nakita ko yung picture sa facebook bumalik na ba--" napatigil siya ng makita niya yung dalawa na nakaupo sa may sala.

Nanlaki ang mata ko, "Nandito ka din?!" bulalas ko. Andito din si Zywon. Like, seriously! Kailangan bang sabay sabay ko silang makita ngayon?!

Ramdam ko yung sobrang awkward na atmosphere sa aming apat. As in sobrang awkward talaga! Kung pwede nga lang magpalamon na lang ako sa lupa ay ginawa ko na. Nakatingin lang ako sa kanila ni di ko nga alam ang sasabihin ko sa kanila. Tahol lang ni Toben ang maririnig mo sa loob ng unit ko. Bakit naman kasi sabay sabay silang pumunta ngayon?

Nagitla nga ako ng biglang tumayo si Kristofer, "Aalis na ako." paalam niya at tuloy tuloy ng lumabas. Bakit pakiramdam ko nagguilty ako na hindi ko sinabi sa kanya?

"Uh, Ako rin pala aalis na." sabi ni Zywon.

"H-Ha? S-Sige." sagot ko. Tinanguan niya lang si Charlie at umalis na din.

Ramdam ko ang tingin sa akin ni Charlie kaya nilingon ko siya, hindi naman siya galit, "Uh... H-Hindi ko alam kung bakit sila--" tumayo siya at niyakap ako.

"I'm not asking for any explanations. It's okay." sabi niya. Bigla naman akong nakalma sa sinabi niya kaya napayakap na lang din ako sa kanya. Charlie is still the same, he's still my Charlie.

"Maligo ka na, it's Sunday magsimba tayo tapos igala na rin natin si Ethan." sabi niya.

Di ko alam pero parang biglang namuo ang luha sa mga mata ko, he cupped my face, "What's the problem, beb?" alalang tanong niya.

"I missed you. I really missed you." sagot ko at nagtuloy tuloy ang luha ko. Ngayon lang nags'sink in sa akin na nandito na talaga, na bumalik na talaga siya, na binalikan niya ako.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now