Chapter 21

2.2K 84 73
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Another two months passed, madami na ang nangyari. Nahanap na ni Blake ang nanay ni Noah. Engaged na sina Sedric at Lesley. Unti unti ng nabubuo ang bahay na ipinagagawa namin. Mas lalo akong naging malapit sa mga kaibigan ko. Nagka-ayos na din kami ni Aliyah. Nag-sorry siya sa akin at nagsabing nabigla lang talaga nun at nangakong di na daw niya ako pipigilan sa gusto. Nag-aalala lang naman daw siya sa akin pero ngayon daw ay mas magtitiwala na siya sa akin. Syempre, pinatawad ko siya. Di ko rin naman siya matitiis eh. Kami ni Ercielle? Ewan ko pero parang naging instant bffs kami. Alam ni Kristofer na nagkikita kami ni Ercielle, wala naman siyang sinabi tungkol dun. Kami ni Kristofer? Ayun, okay lang. Minsan mabait siya, minsan cold, minsan bwisit, minsan sabay sabay. Hahaha!

Dahil summer ngayon ay may outing kaming magkaka-opisina. I think they deserve a break, maganda kasi ang naging performance nila for the past months. Kaya nga nung nag'suggest sila ng outing ay pumayag agad ako. Tsaka sa may Antipolo lang naman ang gusto nila para daw malapit. Sagot ng company ang gastos at transpo kaya wala na silang prinoblema. Si Daddy pa nga ang nagsabi na dapat daw ay gawin namin ito.

"Whaaat?!" bulalas ni Zywon habang nakatingin sa phone niya. Dahil katabi ko siya ay napalingon ako.

"Bakit?" tanong ko.

"Na'disqualified yung entry natin para sa trip to Singapore. Ano yun?! Kung kelan malapit na malaman kung sino yung winners eh! Ang daya naman! Leading kaya tayo dun!" inis na sabi niya.

Napapikit na lang ako, wala akong ibang maisip kung sino ang magpapa'disqualified nun kundi si Kristofer lang! Napaka-abnormal niya talaga! Sana hinayaan na niyang manalo si Zywon, pwede namang hindi ako ang kasama ni Zy pumuntang SG eh! Napaka talaga ni Kristofer! Tsk.

******
Nandito na kami sa resort, ang plano ay ipapareserve ito para sa amin kaso ayaw nila, para naman daw makakilala sila ng bagong tao, more likely makahanap daw ng ka-forever. Haha! Agad naman nagsipag'picture ang mga kasama ko kaya nakigaya na ako. Ang ganda kasi nung ambiance ng place, nakakarelax. Tsaka di rin naman ganung kadami yung tao, not bad.

Nagtext na din ako kay Kristofer na nandito na ako. Nag-send naman siya ng picture nila ni Ethan. Yes, magkasama sila. Dapat talaga isasama ko si Ethan ngayon kaso mas pinili niyang sumama kay Kristofer. Nagpunta sila dun sa orphanage, nitong mga nakaraan nakikisama na kasi kami ni Ethan kay Kristofer sa pagtulong sa orphanage. Ayun, medyo naka'close ni Ethan yung mga bata dun. Kaya nung pinapili ko kung sa akin o kay Kristofer siya sasama ngayon ay si Kristofer ang pinili niya. Pumayag na ako kasi kung sa akin nga naman sasama si Ethan, wala naman siyang makakalarong bata dito.

Pumunta muna kami sa kanya kanya naming kwarto at naglapag ng gamit namin. Hotel resort kasi ito, gusto kasi ng iba na mag-overnight dahil daw siguradong may inuman mamayang gabi pero ako, uuwi ako mamaya. Di ako pinayagan ni Kristofer mag-overnight, well di ko rin naman trip.

Ng medyo nakapagpahinga na ako at nakapagpalit ng swim wear ay lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko silang naghahanda na ng pagkain at gamit para sa palaro. May karaoke din silang inarkila, minsan lang daw kasi ito kaya lulubos lubusin na nila.

Nilapitan ko si Zywon na in-charge sa pag-iihaw, "Anong pwede kong gawin? Gusto ko tumulong." sabi ko.

Bigla naman niya akong pinayungan, "Mainit dito, magpahinga ka na lang dun. Tsaka bakit ganyan suot mo?" sabi niya.

Tumawa naman ako, "Summer ngayon, malamang mainit talaga. May rules sila, anong masama dito? Tsaka okay lang yan! Wag ka ngang OA dyan. Hahaha!" sabi ko at tinanggal yung payong. Tinulungan ko na siyang mag-ihaw dun kahit na panay siya sabing 'maiinitan lang ako'

Our Twisted Story [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon