Special Chapter: Zywon Suarez

2K 62 9
                                    

Pumasok ako sa trabaho, binati ko ang lahat ng makakasalubong ko. Kapag maganda, kinikindatan ko. By the way, I'm Zywon Suarez and 'flirting' is my talent. Ilan lang kaming may ganito talent sa mundo and you're lucky you've met one. Haha!

Agad akong binungaran ni Riley na gusto daw akong makausap ni Senior Paul, kinabahan nga ako eh. May ginawa ba akong kalokohan? Di ko naman hinahalo ang paglandi ko sa trabaho ah? Well, minsan lang. Haha!

Dadating daw ang anak ng big boss namin bukas, susubukan daw nitong i'manage itong company namin. Gusto daw akong i'assign bilang assistant, tatanggi sana ako kaso nalaman ko chicks daw yung anak ni big boss kaya tinanggap ko. Chicks yun, dude! Di dapat tinatanggihan. Hahaha!

*******
Kinabukasan maaga akong pumasok, syempre pa-impress ng onti sa bago kong boss. Todo ayos ako, sinuot ko ang pinaka maputing long sleeves na meron ako may necktie pa yang itim tas tinernohan ko ng itim na slacks at yung branded kong sapatos. Iniisip ko nga bakit ito ang pinasok ko eh? Dat pala nag-model na lang ako. Hahaha!

Nagulat ako ng may pumasok sa office, napaawang ang labi ko. Shit! Mukha siyang anghel! Nginitian niya ako at binati. Di ko alam kung gaano ako katagal natulala sa kanya, basta nakakanganga ang ganda ni boss. Shet! Chicks na chicks siya! Buti na lang ako ang napiling maging assistant niya! Taga niyo sa bato, magiging 'kami' rin nito!

Lumipas ang isang buwan, tampulan na ako ng tukso ng mga kaibigan ko. Kesyo hindi ko daw kaya si Miss Erliyah, na hindi daw talab kay ma'am ang charms ko. Di'ba nila alam na masakit sa puso? Tch. Kaya para matahimik sila ay sinimulan ko na ang pagkilala sa target ko. Ini'stalk ko siya sa sns accounts niya. Sa dami ng babaeng nakilala ko, mailalagay mo si ma'am sa 'boring' section.

Family-oriented, nagsisimba linggo linggo, tumutulong sa orphanage at kung ano ano pang charity works, at parang di makabasag pinggan. Siya na siguro ang modern Maria Clara. Hahahaha! Dejoke! Pero seryoso sobrang perpekto ata niya bilang 'good girl' ah.

Dahil nga halos araw araw ko siyang kasama, hindi ko maiiwasan na mapansin ang likas niyang kabaitan. Hindi rin naman siya kasing boring ng iniisip ko, actually, ang saya nga niyang kausap. Habang tumatagal narerealize ko na totoo pala yung 'simplicity is beauty'. Si Miss Erliyah ang living proof nun.

Lumipas ang ilan pang araw, naisip kong itigil na ang kagaguhang naisip ko dahil una, tanggap ko ng di tumatalab kay Miss Erliyah ang charms ko. Pangalawa, ngayon lang ako tinamaan ng guilt sa lahat ng panlalandi ko sa buhay. Tch! Sige nga, paano mo lolokohin ang babaeng tila anghel sa bait at ganda?! Pakiramdam ko susunugin ako sa impyerno kapag tinuloy ko pa ang balak ko. Tanggal na siya sa listahan ko ng lalandiin, nasa 'friend list' ko na siya. Achievement yun, tol! Haha!
Shit! Ngayon lang 'to nangyari sa akin. Tch! Papatawag na ba akong albularyo? Anong nangyayari sa'yo, Zywon Angelo de Aragon Suarez?!

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now