Chapter 22

2.1K 99 101
                                    

Note: short ud and pakibasa yung author's note sa baba. Mahalaga yun! So enjoy reading. xoxo~

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Another four months passed. Ethan and I are almost one and a half year here in the Philippines. Next week we're set to go back to Canada. Tapos na kasi ang bahay, wala na kaming dahilan para mag-stay pa dito. Tho, pwede pa naman pero ewan ko, bahala na!

Isang taon na din pala mula ng umalis si Charlie at hanggang ngayon ay di pa rin siya bumabalik. Babalik pa kaya yun? Ewan. Sana. Miss ko na siya eh.

Kristofer and I, we're okay. Ganun pa rin kami, walang label. Sabay lang sa agos ng buhay. Hindi pa rin kasi ako palagay sa kanya. Of course, I want to do things the right way. Siguro nga nasanay na kaming dalawa sa ganito, yung magulong ugnayan.

Zywon and I, luckily we're still friends. Nag-confess siya sa akin, maybe four months ago. Sabi niya alam naman daw niyang wala siyang pag-asa, na makakadagdag lang siya sa problema ko pero gusto daw niya talaga ako. I said sorry to him because I can't reciprocate the feeling and he said matagal na daw niyang alam iyon. He stayed with me. Kahit na sobrang nasasaktan ko siya, hindi niya ako iniwan. Ang sabi niya, okay lang daw siya. Okay lang na nasa friendzone siya kaysa daw mabasted siya at tuluyan akong lumayo sa kanya. Naawa ako sa kanya nun pero wala akong magawa, ayaw niyang layuan ko siya. So we stayed like this-- friends. I just wish Zywon would meet someone who can love him fully because I can never do that for him.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. It was a text message from Belle.

'We're on our way home. Free your sched later ha? Namiss ko kayo. Hehe! Lovelots xx.'

After ng kasal nila, 6 months silang nag-ikot sa buong mundo para sa honeymoon nila at ngayon lang sila babalik dito. Nag-aya sila ng dinner later dahil daw ang tagal nilang nawala, madami daw silang namiss. And who knows baka may inaanak na kami mamaya?

Bumangon na ako at naghanda na para pumasok sa company. Paglabas ko ay nandun na si Peach, "Kanino galing 'to?" tanong ko. May on the go breakfast kasi na nakahanda.

"Ah, pinaiiwan po kanina ni kapitbahay, para sa'yo daw po. Tsaka sabi niya pala, pupunta po siyang Cebu ngayon dahil sa isang client niya." sagot ni Peach.

Napa-ahh na lang ako. Ibig sabihin hindi pala siya makakasama mamaya? Kahit papaano ay napalagay ako. Hanggang ngayon kasi kapag nagkikita kita kaming magkakaibigan ay hindi kami naglalapit ni Kristofer, ang awkward kasi. Dahil kahit balik baliktarin ang mundo at okay lang sa iba yung 'kami' , mali pa rin ito.

Ilang sandali lang ay dumating na si Zywon. Sinalubong niya ako ng ngiti niya, I wonder how can he smile like that? Yung parang wala lang nangyari sa kanya.

"Tara na?" aya niya. Pinagbilinan ko muna si Peach atsaka kami umalis.

Ng makasakay kami ay agad siyang nagtanong, "Okay ka lang?"

"I woke up the wrong side of the bed. Parang ang bigat ng pakiramdam ko. I feel empty? I don't know." sagot ko. May mga ganun talagang moments na pagkagising mo pa lang down ka na? Tas bigla bigla mo pang maaalala lahat ng problema mo. Tsk.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now