Chapter 18

2.2K 105 41
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at halos lahat ng texts ay galing kay Kuya. Paano, nakita pala ni Kuya yung post ni Kristofer kagabi at ayan, naghysterical ang kuya. Parang abnormal nga eh. Kung ano ano pa pinagsasabi niyan sa akin kagabi. Buti na lang napakiusapan ko siyang wag ng banggitin kay na Daddy at Mommy yung nabasa niya at baka magkagulo lang. Wala naman kasing ibig sabihin yung post na iyon, at least for me. At hindi ako madadaaan ni Kristofer sa ganung pa post post niya. Tsk.

Maging yung tropa ay tinext at tinawagan din ako para itanong kung ano daw ibig sabihin nun, ang hirap ngang mag-explain sa kanila! Mga ayaw nilang maniwala, lalo na si Valerie at Drake. Beastmode naman si Aliyah, susugudin daw niya ako pag nakauwi na sila ni Silver.

Pero ang hindi ko talaga maalis sa isip ko ay yung nagawang i'like ni Charlie iyong post na iyon. Sa dami dami ng pwedeng way para magparamdam siya sa akin sa Facebook pa? At sa dami ng makikita at maililike niya, iyon pang post ni Kristofer? Hindi ko siya ma'gets! Ng makita ko nga na ini'like niya iyon ay agad akong nag'message sa kanya (na hindi naman niya sineen).

After 5 months of no communication at all-- 'like' sa status ni Kristofer ko pa nalaman na buhay pa pala siya. I'm trying my very best para intindihin ang siya but--heck I can't understand anything.

Ding... Dong...

Agad akong tumayo, si Peach na siguro ito. Pagbukas ko ng pinto ay napabuntong hininga ako, "What do you want?" I asked.

"Nag-breakfast ka na?" tanong niya.

"Kristo--"

"Kain tayo, bumili ako ng almusal oh. Masarap daw ito eh. Mahilig ka sa beef di'ba?" sabi niya.

I looked at him, "Kristofer..."

"Lumalamig na itong pagkain natin." pagbabaliwala niya sa akin.

"Kristofer, alam mo namang walang patutunguhan 'to di'ba?" sabi ko kaya natigilan siya.

"Nothing will happen. We won't be happening again." I said.

He smiled, "At least I'm trying." sabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya.

"I'll show you how sorry I am and how serious I am that I want you back. I'm trying to win you again." he added.

Umiling ako, "Kristofer, masasayang lang ang efforts mo. Can't you see? Hindi na nga pwedeng maging tayo ulit." sabi ko.

"I don't care. I still want you." he said.

"Yan! Yan ang problema mo, you always don't care. Wala kang pakialam sa iba basta ikaw gagawin mo ang gusto mo. It's selfishness, Kristofer. Yung feelings mo lang yung iniisip mo. Eh paano ako? Paano yung mga kaibigan natin? Paano yung kapatid mo? Di mo ba yun naiisip? Sometimes, what other people say needs to be considered and valued. Hindi yung puro sarili lang." sabi ko.

"Sa'yo lang naman ako selfish. Ikaw lang naman yung ipingadadamot ko. Yung pagmamahal ko lang naman sa'yo yung pinaglalaban ko kahit tutol ang lahat. Mali ba na ipaglaban ko ang kasiyahan ko?" sagot niya pabalik.

"Mapapagod ka lang ipaglaban ang mali hi--"

"Hindi pa ako pagod and I don't think I'll give up that easily. You want to test me? Kung hanggang san ang kaya kong gawin para sa'yo?" natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Bakit ba ang kulit mo?!" sabi ko dahil wala na akong maisagot sa kanya.

"Dahil ako si Kristofer Monfort Wu. I don't stop until I get what I want. Deal with it, Erliyah. Minahal mo ako noon, mamahalin mo ulit ako ngayon, there's no other option." he said.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now