Epilogue

3.1K 111 103
                                    

Get your tissues ready. This will be a very long update! Love y'all!
Please, basahin yung author's note. Okay? Okay. Enjoy the last chapter! ❤

[ERLIYAH MAE SANTOS]

After 2 years...

Heto ako at nakaupo sa  may damuhan habang nakatingin sa kanyang lapida na katabi ang huling litrato niya na nakuhaan ko. Ang sakit pa rin pala.

Naramdaman ko na naman ang pamumuo ng luha ko, "Hanggang ngayon umiiyak ka pa rin?" napatingala ako sa nagsalita. It was Charlie, inabutan niya ako ng canned soda at tinanggap ko naman iyon.

Ibinalik ko ang tingin ko sa lapida niya, "I still miss him. Hindi pa rin ako sanay na wala siya. He's been there for me, for us. It still breaks my heart loosing him." sabi ko.

Charlie gently tapped me, "I'm sure he wouldn't like it if you'll cry and cry over him. Sigurado akong mas gugustuhin niyang makita kang nakangiti kaysa ganyan ka. Kada na lang bibisita tayo sa kanya, umiiyak ka." sabi niya.

"Tara na! Kukunin mo pa ang wedding gown mo, di'ba?" sabi ni Charlie.

I nodded at pinunasan ang mga luha ko, inalalayan ako ni Charlie patayo at binigyan ako ng panyo.
"You never changed, Erliyah." he commented. "Iyakin mo pa rin. Haha!" dagdag niya.

Hinampas ko na lang siya ng mahina, at ibinalik ang tingin ko sa lapida niya. I silently uttured my prayers for him. May he rest in peace.

"Mauna ka na sa kotse, may ilang sasabihin lang ako sa kanya." sabi ko kay Charlie. Di naman na siya umangal at umalis na.

Naupo ako ulit, "Ikakasal na kami. Gusto mo naman siya para sa akin, di'ba? Nakita mo naman kung paano niya ako alagaan, di'ba? I'm happy now, I hope you're also happy there in heaven. Miss na miss ka na ni Ethan, alam mo ba? Wag kang mag-alala, dadalhin ko dito minsan si Ethan para makapag-usap kayo ulit. That kid misses you so much, grabe ang iyak niya nung nawala ka. Ikaw kasi eh, naattached tuloy sa'yo ang kapatid ko. Don't worry, hindi kita makakalimutan, hindi ka namin makakalimutan." sabi ko.

Tumayo na ako at pinagpag ang pantalon ko. Kailangan ko ng mag-asikaso para sa kasal namin.

[CHARLIE PARK]

After several days....

Pagbaba ko ng kotse ay madami agad ang bumati sa akin. Maaga pa naman para sa kasal pero andami na agad ng tao dito sa simbahan. Nakita ko na nga si Daddy na inaasikaso ang ilang bisita. Nakita ko na rin si Kuya Eros kasama si Ethan na nakikipag-usap sa ilang mga bisita.

Pinili kong dumiretso na muna sa isang kwarto dito para maka-iwas sa mga tao, mabuti na lang ay walang tao doon.

Tinignan ko ang sarili kong repleksyon sa napakalaking salamin dito. Inayos ko ang bow tie ko at kusang napangiti na lang ako. Di ko alam pero kinakabahan ako. Haha! Nababaliw na ata ako.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Erliyah, 'H-Hello?' sagot niya.

Napatawa naman ako, "Kinakabahan ka? Haha!" tanong ko.

'Oo eh. Nasan ka?' tanong niya.

"Nandito na ako sa simbahan, di na ako dumaan dyan sa hotel." sagot ko.

Our Twisted Story [Book 2]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin