Chapter 16

2.2K 98 37
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Days turned in to weeks. Weeks turned in to month. Month turned in to months.

3 months, tatlong buwan na akong walang balita kay Charlie. Tatlong buwan na akong nag-iintay sa kanya. Tatlong buwan na akong nangungulila sa kanya. 3 freakin' months and it's tiring.

Nakakapagod sagutin ang mga tanong ni Ethan kung nasan na ang Daddy niya. Ang hirap ng magpalusot sa mga kaibigan namin kapag hinahanap siya. Ang hirap sumagot kapag tinatanong ako ni Zywon kung may inaantay pa nga ba ako. Ang hirap. Ang hirap talaga. Ang hirap, babalik ka pa ba sa akin? Babalikan mo pa ba ako? Bakit mo ba kasi ako iniwan in the first place?

Bzzzt... Bzzzt...

Agad kong kinuha yung phone ko, si Zywon lang pala.

'Can't come to work today, something happened.'

Agad akong nagreply, 'Okay. Is everything alright? Tell me if I can help you, Zy.' Zywon has been good to me. Thanks to him, I'm still surviving. For the past months, Zywon and I became closer, he's very nice to me. Kapag ako ang may problema lagi siyang nandyan, dapat ako din ay laging nasa tabi niya.

'Okay lang ako. Just be safe for today because I'm not around. Take care, miss.' He replied.

'Okay. I will.' I replied.

*******
Dahil wala si Zywon, kay manong ako nagpahatid papasok kanina. Dapat nga hindi ako papasok dahil tinamad ako bigla kaso nagtext sa akin si Tris yung kaibigan ni Zywon na birthday daw ni Riley at magpapakain sa office. Hindi sa patay gutom ako kaya ako pumunta, ininvite kasi ako, nakakahiya namang di pumunta.

"Ma'am, dinner na po! Tara na sa may pantry." aya sa akin ni Austin. Buti na lang tapos na ako sa mga ginagawa ko ng ayain niya ako.

Tumayo na ako at sumunod sa kanya. Pagdating namin sa pantry ay medyo madami ng tao, mostly officemates nila. Nilapitan ko naman si Riley at binati ng happy birthday. He said thank you at sinabing kumain daw ako ng marami.

Saglit lang ay dumating na yung order kong pizzas. Nakakahiya kasi na wala akong ambag, boss pa naman nila ako. Nag'thank you silang lahat. Kinantahan pa namin si Riley ng happy birthday, sayang wala si Zywon, malamang pinagtripan na niya ang kaibigan niya ngayon dahil medyo naluluha ito ng ibigay ni Tris at Austin ang regalo nila.

Pinagdugtong dugtong nila yung table para makakain kami ng maayos. We started eating habang nag-uusap usap sila sa mga current issues ng bansa. Ako tahimik lang na nakikinig, di ko kasi alam yung mga pinagsasabi nila. Di kasi ako nakakanood ng balita dahil nasa cartoons lagi ang channel namin. Mas alam ko pa yung kanta sa mickey mouse clubhouse kaysa sa nangyayari sa Pilipinas.

"Nako ma'am! Dapat mag-ingat ka." sabi ni Vicky.

"Huh? San?" takang tanong ko.

"May gumagala gala daw kasi na rapist around Metro, ang target daw yung magaganda, yung model type kumbaga." sagot niya.

"Aba'y syempre! Maganda tipo ng mga rapist. Mangrarape ka na lang yung panget pa ba ang pipiliin mo? Dapat yung worth the jail. Hahaha!" biro ni Tris kaya napuno ng tawanan ang pantry.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now