Chapter 20

2.2K 107 59
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Pumasok na ako sa trabaho ngayon, nung isang araw kasi hindi ako nakapasok dahil kasal nina Belle. Tsaka ayoko na ring mabaliw kaiisip kapag mag-isa ako, mas okay ng nandito ako sa office.

It's almost lunch na pala, asan na kaya si Zywon? Ang sabi niya sabay daw kaming kakain. Tsk.

Niligpit ko muna ang gamit ko atsaka lumabas ng opisina ko. "Jake, have you seen Zywon?" tanong ko.

"Kanina nakita kong kasama ni Riley eh. Baka pumuntang pantry po iyong mga yun, lunch na eh." sagot niya.

"Ahh. Sige, thanks!" sabi ko at nagtungo na ako sa pantry.

Nakita kong nandun nga si Riley at Zywon papasok na sana ako kaso...

"Kamusta ang one sided love mo kay, ma'am? Sabi ko naman sa'yo tigilan mo na yan eh. Wala ka namang napapala." sabi ni Riley. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi naman siguro totoo di'ba?

"I'm not expecting anything in return naman. Gusto ko lang siya pero ayokong ipilit yung sarili ko. Alam mo yun? Masaya na ako sa ganito lang kami." sagot ni Zywon.

"Alam ba niya?" tanong ni Riley.

"Hindi ko alam. Siguro hindi niya dama. Madami ng nagmamahal sa kanya, di niya mapapansin kung may madagdag man. Haha!" sagot niya pero kahit tumawa siya ay alam mong masakit sa kanya iyon.

"Ayan, kung di ka kasi nag feeling playboy, di ka pahihirapan ng tadhana. Oh ano ka ngayon? Yung babaeng gusto mong seryosohin, di mo makuha. Tsk." sabi ni Riley.

"Okay lang. Worth it naman eh." nakangiting sagot niya.

Ang buong akala ko ay walang ibig sabihin ang pagiging mabait niya sa akin. Akala ko, ganun lang talaga siya--maalaga. Akala ko biro lang yung paminsan minsan niyang banat. Akala ko nag-aalala siya sa akin bilang kaibigan ko siya. Akala ko--

"Miss? Ano pong ginagawa niyo dyan?" halos mapatalon ako ng nagsalita si Tris sa likod ko. Dahilan para makita ako ni Riley at Zywon.

"K-Kanina ka pa dyan?" tarantang tanong ni Zywon.

"A-Ah! Hindi ah. K-Kapupunta ko lang. Lunch na, di'ba sabay tayo?" sabi ko.

Tumingin naman siya sa relo niya. "Ah, oo nga. Tara, san mo ba gustong kumain?" tanong niya.

"K-Kahit san." sagot ko.

*******
Pumuntq kami sa isang pizza parlor. Trip daw niya ng pizza ngayon for lunch kaya pinagbigyan ko na.

"20 minutes pa daw bago dumating yung pizza, gutom ka na ba?" tanong niya matapos umorder.

Umiling ako, "Di pa naman masyado." sagot ko.

Naupo na siya sa tapat ko, "Kamusta yung kasal ng kaibigan mo? Dumating siya?" tanong niya. I looked at him-- how can he ask me like this na parang wala siyang gusto sa akin. Look, he even initiated to talk about Charlie. Martyr ba itong si Zywon? Masokista? O baka naman ang OA ko lang? Di naman niya directly na sinabing may gusto siya sa akin eh.  Ako lang naman yung nag-jump into conclusion. Oo nga, never assume unless stated. Eh kung may gusto nga siya sa akin, ano namang gagawin ko? Hindi ko kayang mawala siya, he's a good friend-- super good friend. Kaso, hanggang kaibigan lang ang kaya kong i-offer sa kanya. Si Charlie at Kristofer pa nga lang ay mababaliw na ako-- paano pa kapag nakisali siya?

"May kasama pa ba ako dito? Yuhoo! Haha!" sabi niya at kumaway sa mukha ko.

Nginitian ko na lang siya, "Okay lang naman, masaya. Kaso hindi siya pumunta eh." sagot ko.

Our Twisted Story [Book 2]Место, где живут истории. Откройте их для себя