Chapter 9

3K 120 31
                                    

[ZYWON SUAREZ]

"Anong nakakatuwa sa pagtitimpla ng kape, Zy? Bakit nakangiti ka dyan?" puna sa akin ni Austin.

Umiling ako, nakangiti ba ako? Tch. Precious ang ngiti ko tas nakita ni Austin, ang swerte niya.

"Bakit dalawa yan? Kanino yung isa?" tanong ni Tris.

"Kay ma'am." sagot ko. Nagkatinginan naman sila at sabay akong hinampas sa likod.

"Gago ka! Ano ng nangyayari sa'yo? Inlove ka na kay ma'am?" sabi ni Riley.

"Inlove agad? Hindi ah! Magkaibigan na kasi kami ni ma'am. Ano bang iniisip niyo!" sabi ko. Sabi ni ma'am, ayaw daw niya ng sobrang tapang, kaya dinagdagan ko ng asukal. Tama na kaya ito? O dalhin ko kaya yung lalagyanan ng asukal sa office? Tch. Bahala na!

"Sige na, punta na ako kay ma'am." paalam ko sa tatlong ugok.

"Gago ka! Bawal ka ma'fall kay ma'am, masasaktan ka lang!" dinig kong sabi ni Austin pero pinili ko na lang na wag pansinin. Sino ba may sabing nahuhulog na ako kay ma'am? Halos dalawang buwan ko palang siyang nakakasama, I won't fall in love that easy.
No one's falling, we're just friends.

*****
"Miss, eto na po yung coffee niyo." she smiled at me then thanked me.

"You're unusual today, Zy. Care to share that? Haha!" puna niya sa akin.

Ngumiti ako, "I had enough sleep last night." I answered.

"Didn't know sleep could make you that happy. Umuwi ka na kaya para makatulog ka kaagad? Haha!" biro niya.

For the past weeks, naging close na kami ni Miss Erliyah. We're almost on the same age kaya naman kumportable kami sa isa't isa.

I gave up, nakilala ko kasi siya. I gave up flirting with her, wala din naman kasing nangyayari. Tsaka sobrang bait niya, pakiramdam ko kapag niloko ko siya ay masusunog sa impyerno ang kaluluwa ko. Mabait siya sa lahat, ultimo janitor dito ay nakakausap siya. Alam kong minsan lang ako makakakita ng ganitong babae kaya nga tinigil ko na. Madami pa namang iba dyan na magpapaloko sa akin eh. Let's spare Miss Erliyah, masyado siyang perfect para lokohin ko lang. Pero minsan, lumalandi pa rin ako pero super slight na lang. Kaso wala talagang effect eh. Tch!

"Ay ma'am! May baon po akong muffins. Merienda tayo!" at inilabas ko yung baon mula sa bag.

Bigla na lang tumawa si ma'am dahilan para tumigil ako sa ginagawa ko. "Bakit?" takang tanong ko.

"You're cute. Haha!" sabi niya kaya natigilan ako. Naramdaman kong uminit yung tenga ko. I was just staring at the muffins! What the fuck! Bakit ako namumula dahil lang dun?! Tch! Hindi ako bata para sabihan niyang cute! Shit! Tch! Pogi ako! POGI!

"Zy, okay ka lang?" tanong sa akin ni ma'am. Tumango na lang ako at inabot sa kanya yung muffin.

Hindi pa rin maalis yung ngisi niya sa akin, "Bakit mo ba ako pinagtatawanan?" tanong ko.

"Pfft! Para ka kasing bata na excited sa baon mong muffins. Haha!" pang-aasar niya.

"Ah..." sabi ko na lang.

Kakain na sana si ma'am nung may tumawag sa kanya, "Yes, dad?" she answered her phone.

"Po?"

"Ah! Sige po, kakausapin ko na po sila ngayon."

"Okay po. Ingat, Dad! Love you." sabi niya at ibinaba na yung tawag. She's smiling from ear to ear. Family-oriented talaga si ma'am kaya nakakatuwa siya.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now