Chapter 15

2.4K 88 71
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Nagising ako ng tumunog ang alarm ko. Natulog ba talaga ako? Pakiramdam ko katutulog ko lang. My cheeks heated up ng maalala ko yung nangyari kanina-- he freakin' kissed me!

Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya, pagkalas niya sa akin ay bumagsak na siya ng tulog. Buti na lang talaga nakatulog siya agad! Hindi ko alam ang sasabihin o gagawin ko kung sakaling hindi siya nakatulog.

Hinayaan ko na lang siyang matulog doon sa may couch sa labas. Pasalamat siya at hindi ko na siya pinilit pang umuwi!

Biglang may nag-doorbell, patakbo akong lumabas ng kwarto ko. Nadaanan ko si Kristofer na tulog pa rin sa sofa.

Mabilis kong binuksan yung pinto,"A-Ate, okay ka lang?" takang tanong niya sa akin.

"Ha? Ah. Oo naman! Pasok ka na." sabi ko at nilakihan ang bukas ng pinto para makapasok siya. Sumunod naman siya sa akin. Muntik na siyang sumigaw ng makitang may natutulog na lalaki sa couch, buti na lang ay napigilan ko siya.

"Let him sleep. Ipagluto mo na lang siya ng soup para mawala ang hangover niya. Liligo lang ako, okay?" sabi ko. Dapat makaalis ako ng hindi pa siya gising, ang awkward kaya!

Tumango si Peach at dumiretso na sa kusina. Ako naman, bumalik na ako sa kwarto ko para maligo.

After an hour ay ayos na ako. Tsk! Ang kapal siguro ng concealer na nagamit ko para maitago yung eyebags ko--kasi naman eh! Dalawang oras lang ata ako nakatulog. Kasalanan ito nung lalaking nasa labas!

Lumabas na ako ng kwarto, Ethan is still sleeping kaya iniwan ko na siya sa loob.

"Good Morning!" halos manigas ako sa kinatatayuan ko. God! Anong nangyayari sa akin?!

Ng medyo naikalma ko na ang sarili ko ay nilingon ko na siya, he smiled at me habang nilalaro niya si Toben. My eyes shifted on his lips. What the hell, Erliyah?! Agad kong inalis ang tingin ko sa kanya.

"Pagkatapos mong kumain ay pwede ka ng umalis." sabi ko.

"That's it? No good morning greetings for me?" he asked.

"What for?"

"Because that would definitely make my day, just a good morning from you." then he smiled.

I looked at him, "Whatever you're trying to do, please stop it." I said. Hindi sa nag-aassume ako pero sige assumera na ako, pakiramdam ko kasi nilalandi niya ako. Nilalandi man niya ako o hindi ayoko pa rin ng ginagawa niya. Hindi ako kumportable.

"Mommy?" at lumabas si Ethan mula sa kwarto.

Agad ko siyang binuhat, "Good Morning, baby. Got a good sleep?" I asked and kissed him on his cheeks.

"Opo."

"What do you want?" I asked.

"Toben." sagot niya at itinuro si Toben na nasa lap ni Kristofer.
I had no choice kundi lumapit sa kanya. I sat beside him at ibinaba si Ethan.

"Good morning po." he greeted Kristofer.

Ginulo lang ni Kristofer ang buhok ni Ethan and he smiled, a weak one, I wonder why. Nilaro na ni Ethan si Toben.

"Ma'am ready na po ang almusal." sabi ni Peach. Agad tumakbo si Ethan papunta sa kusina kasunod naman niya si Toben.

I chuckled, ang cute talaga ng kapatid ko. "Your son is nice, mana sa'yo." sabi bigla ng katabi ko.

"What?!"

"Your son is nice just like you." pag-uulit niya.

"For goodness sake! Mukha bang anak ko si Ethan?" I exclaimed. Naguguluhang tinignan niya ako.

Our Twisted Story [Book 2]Onde as histórias ganham vida. Descobre agora