Special Chapter : Charlie Park

2.3K 77 40
                                    

Unang araw ng klase hindi ako nakapasok sa first subject ko. Bilang ako ang SC President, ako ang nautusang mag-asikaso sa gym para sa event na gaganapin dito bukas. Grabe, unang araw na unang araw may trabaho agad ako. Haha!

Nagulat na lang ako ng pinuntahan ako dito nina Blake. Wala daw silang first subject at niyayaya na akong pumunta sa cafeteria para kumain. Dahil kaninang umaga pa ako dito, nagpaalam muna ako sa mga kasama kong kakain muna ako.

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria, wala akong ibang madinig mula sa kanila kundi yung bago naming kaibigan-- yung pinsan ni Aliyah. Kesyo maganda at mabait daw. Sina Blake at Luis nga daw nakita na yun nung nakaraan tapos si Silver nakasama ng mamili ng gamit. Tapos nameet na rin nina Amiel at Kurt kanina sa klase. Ako na lang daw ang di nakakakita sa bago naming kaibigan, naeexcite tuloy akong makilala siya.

Pagdating namin sa cafeteria, kapansin pansin naman agad kung nasan ang mga kaibigan namin. May anim na babaeng nakaupo sa may pwesto namin na abalang abala sa pagkwekwentuhan. Agad kong napansin ang isa sa kanila, siya siguro yung pinsan ni Aliyah.

'You must be Erliyah Santos?'

'Ah, oo?'

'I'm Charlie, Charlie Park.'

And I didn't know that that conversation will be the start of our story.

Dahil pinsan siya ni Aliyah at gustong gusto siya ng buong tropa, lagi na naming kasa kasama si Erliyah. Unang kita ko pa lang sa kanya, I know that she'll be something special to me. I was attracted at first sight to her because love is too deep to use. Hehe! Crush ko siya agad pagkakita ko pa lang sa kanya, yung ngiti kasi talaga niya eh. Secret lang natin 'to ah? Haha!

She's nice, smart, jolly, and very cute lalo na kapag nagb'blush siya. Saglit ko pa nga lang siya nakakasama ay nasanay na agad ako sa presence niya. Hinahanap ko siya kaagad pag wala siya sa paningin ko.

But one thing is bothering me, ilang beses ko na kasi siyang nakikita na kausap at kasama si Kristofer. I mean, bakit si Erliyah pa di'ba? Kabago bago nung tao dito sa MIS, ayun pa ang kinakausap niya. Nakakatawa pero alam niyo bang lagi ko silang sinusundan? Sobrang nahihiwagaan lang kasi ako kay Kristofer-- anong meron kay Erliyah at kinakausap niya ito? Ayun, lagi akong nakabuntot kay Erliyah para kapag may di inaasahang mangyari, nandun ako.

Minsan nga naisip ko sinasadya talaga ni Kristofer maka-usap si Erliyah eh. Iniisip ko rin na baka may gusto na siya kay Erliyah, kakaiba kasi siyang umakto eh. Matagal ko na siyang kasama, alam ko kapag may kakaiba kay Kristofer. Pati kapag magkasama kami ni Erliyah, ramdam kong nakatingin siya. Sana lang mali ako ng pakiramdam, ayokong pati si Erliyah ay pag-agawan pa namin. Mas lalo lang kaming magkakalayuan ng loob.

Weeks passed, yung dating paghanga ko kay Erliyah lumalalim na. Habang patagal ng patagal ko siyang kasama, mas madami pa akong nalalaman sa kanya at mas lalo ko siyang nagugustuhan. Hindi ko nga alam kung maniniwala ba ako sa sinabi sa akin ni Belle na crush din daw ako ni Erliyah kaya gumawa na daw agad ako ng move para naman maging 'official' na daw ang 'CharYah' couple. Hahaha! Di ko alam kung matatawa ako o ano ng malaman kong may nageexist na ganung fanclub.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now