Special Chapter : Kristofer Wu

2.8K 89 37
                                    

Hindi dapat talaga ako magpapakahirap mag-enroll ng ganito, sa amin kaya ang school na ito. Kaso pinilit ako nina Drake na sabay sabay na daw kaming mag-enroll para daw makapili kami ng pare parehas na course. Dahil wala pa naman talaga akong planong kurso, hinayaan kong sila ang mamili ng trip nila. Sabi ni Jester, sa College of Business and Accountancy na lang kami, ang dahilan niya : marami daw kasing magaganda dun, pati nandun daw yung crush niya. Malanding bading talaga!

Hanggang sa ayun nga, pumila kami dun. Nagsagot ng ilang forms na pinaka ayaw ko sa lahat. Bigla namang ngumisi si Jester kaya napatingin kami sa kanya, tinuro niya sa amin si Aliyah *kilala ko siya dahil kaklase namin siya nung highschool* pati ang isa pang babae pero di ako pamilyar sa kanya.

Di ko alam pero parang may iba akong naramdaman ng makita ko siya. This is the first time I saw her but I can't take my eyes off her. Ewan ko ba, sobrang na'curious ako sa kanya. Dahil ba bago siya sa paningin ko? Ewan.

'Erliyah Mae Santos.' tawag nung isang professor na nag-aayos ng mga papeles. Tumayo yung babaeng kasama ni Aliyah. Ayun pala ang pangalan niya? Sa di malamang dahilan, napangiti ako. Bagay na hindi ko na madalas ginagawa. Paanong nagawa ng isang babae na hindi ko naman kilala ang mapangiti ako?

Matapos mag-enroll, umuwi na agad ako. Sila? Ewan ko sa mga yun, may balak pa atang tumambay. Tss.

****

Tinitigan ko yung 'add as a friend' button sa profile niya. Oo na, sinearch ko si Erliyah Mae Santos, eh sa nagandahan ako sa kanya eh. Kaso hindi ko naman makita ang timeline niya dahil kailangan ko pang magsend ng friend request bago ko siya ma'stalk. Syempre, di ko in'add. Baka magulat pa siyang wala naman kaming mutual friend tapos nahanap ko ang fb account niya. In'exit ko na lang yung fb at lumabas na ako para kumain ng hapunan.

Hatinggabi na pero hindi pa rin siya maalis sa isipan ko. Lintik! Tinamaan ba ako sa kanya? Gago Kristofer, ano bang naiisip mo? Ano, feeling mo totoo ang love at first sight? Tss. Mawawala rin ito.

*******
Unang araw ng klase, hindi ako pumasok sa first subject namin. Wala pa namang kwenta kapag first day eh. Puro 'introduce yourself' lang ang sasabihin. Tss. Nakakasawa kaya yung mga ganun, halos dito na ako lumaki sa MIS kaya kilala ko na halos lahat dito at paniguradong kilala din nila ako.

Nandito ako sa may garden KO, oo akin. Sabi ko nga ay lagyan nila ito ng sign na bawal ang ibang tao pero baka bukas pa daw nila magawa. Tss.

Inilabas ko ang comics ko pero dahil bawal ito dito, kumuha ako ng libro na pang-cover ko. Nagsalpak din ako ng headphones ko. Dahil mag-isa naman ako, wala akong pakialam sa paligid. Napapa head bang ako sa kantang pinapakinggan, minsan sumasabay din ako sa pagkanta.

Nagulat ako ng may babaeng biglang sumulpot sa likod ko. Wtf! Akala ko aatakihin ako sa puso sa gulat! Napamura pa ako ng malakas at agad na napatingin ako dun sa babae.

Wtf! It's her! Yung babae nung enrollment! Nginitian niya ako and damn! I was lost with her smile. At isa pang damn! Dahil nasungitan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa at sinabi. Putcha! Nagpanic ako lalo na nung naasar siya at nakipag-sabayan siya sa akin ng pagsusungit. Damn! This girl is really something. She's really interesting.

Dumating si Thunder kaya naman nawala ang atensyon niya sa akin, nag-usap pa silang dalawa. Tapos ngumingiti pa siya kay Thunder. Tss. Badtrip! Nauna na lang tuloy akong maglakad sa kanila.

Kinabukasan nakita ko ulit siya sa may garden, mag-isang nakaupo doon. Ewan ko at may sarili atang buhay ang mga paa ko at lumapit ako sa kanya. Kinausap ko siya pero parang mainit na talaga ang dugo niya sa akin. Tss! Ang tanga ko naman kasi, bakit ko ba siya sinungitan?
Pero kahit na naiinis siya sa akin, natutuwa ako. Ang cute kasi niyang mainis, parang bata. Hanggang sa may ilang babae na pinagtsismisan siya, iniintay ko kung anong magiging reaksyon niya.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now