Chapter 8

3.2K 120 30
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Napabalikwas ako ng bangon. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman kong basa iyon. Umiyak ba ako? Ang sakit ng ulo ko. These past few days, I always have strange dreams. Nagpacheck-up na nga ako, maari daw na residue of the past ang mga napapanaginipan ko sabi ng doctor. Dahil daw expose na ulit ako sa environment na dating meron ako bago ako magka-amnesia. Pero ang sabi ng doctor, hindi naman daw lahat ng napapanaginipan ko ay nangyari talaga sa akin, baka daw napaghahalo halo lang ng utak ko ang mga nangyari noon at ang mga panaginip ko.

Yung mga panaginip ko madalas ang mga kaibigan ko ang nandun, pero laging si Charlie o si Kristofer ang kasama at tanging naalala ko. Ang gulo nga eh! Kanina kasi napanaginipan ko na nasa tabi daw kami ng kalsada, nagtatalo daw si Kristofer at Charlie. Nandun din si Ercielle, kasama ni Kristofer. Habang ako katabi ni Charlie. Ang nakapagtataka lang, umiiyak ako dun. Hindi ko na maalala yung mga pag-uusap nila, basta ang alam ko lang masakit. Masakit kasi umiiyak ako. Panaginip lang kaya yun? O baka naman nangyari talaga sa amin yun noon? Aish. Impossible. Siguro nga panaginip lang iyon, sila kasi ang madalas kong makasama ngayon eh. Oo, tama.

Bumangon na ako, mabuti at tulog pa si Ethan sa tabi ko. Naligo ako at nagsimula na akong maghanda ng almusal. Maya maya lang ay dumating na si Peach.

"Ma'am pasensya na po late ako. Traffic po kasi eh." sabi niya.

Nginitian ko na lang siya, "Okay lang, tulog pa naman alaga mo eh." sagot ko.

"Dadating si Charlie dito, tulungan mo naman akong maghanda ng almusal." sabi ko. Dali dali ay nagsuot siya ng apron.

Natawa na lang ako, tanggap ko na kasi na crush niya si Charlie. "Napakaswerte mo po talaga ma'am kay sir Charlie. Napakapogi ng lalaki na iyon tas napakabait pa. Para po siyang anghel na bumaba mula sa langit. Hihi!" sabi ni Peach.

Natawa na lang ako sa kanya. Umuulan talaga ng papuri si Peach para kay Charlie. Haha!

"Pero ma'am, boto na ako sa loveteam niyo--"

"Oh? Akala ko ba crush na crush mo si Charlie?" tanong ko.

"Oo nga po. Eh kaso sa inyo na po siya eh. Tsaka hihihi! May bago na po akong crush." masayang sabi niya.

"Oh sino naman?" natatawang tanong ko. Bata pa nga talaga si Peach. Di pa loyal. Hahaha!

"Yung nakatira po sa tapat natin. Yung matangkad po na pogi na maputi na parang hindi ngumingiti. Kyaaaahhh~" kilig na kilig na sabi niya.

"Si Kristofer?"

Nanlaki ang mata niya kaya natawa ako, "K-Kilala mo po? Hala! Nakakahiya! Paano niyo po siya nakilala? Ma'am, wag kang maingay na crush ko siya ah! Promise, di ko na kayo guguluhin ni Sir Charlie!!!" sabi niya.

"Magaling kang pumili ng crush ah. Kaibigan namin siya ni Charlie. Actually, kapatid yun ni Charlie kaso hindi sila masyadong close. Wag mong sabihin sa kanila na sinabi ko sa'yo ah? Para lang may alam ka. Haha!" sabi ko.

Nanlaki na naman ang mata niya, "Oh my god! Wala bang panget sa lahi nina Sir Charlie?! Bakit ganun?! Unfair naman ng mundo!" maktol niya.

"Magpatulong kaya ako kay Sir Charlie na manligaw kay Sir Kristofer? Hahaha!" biro niya.

"Nako, may girlfriend na ata iyon eh. Hanap ka na lang ng iba. Hahaha!" pagbibiro ko kaya bumagsak ang balikat niya. Well, I think Ercielle is his girlfriend. Mahirap na kapag umasa itong bata. Tsaka mukhang wala namang pakialam sa ibang babae si Kristofer. Swerte ka na kapag kinausap ka niya.

Our Twisted Story [Book 2]Där berättelser lever. Upptäck nu