Chapter 12

2.5K 111 40
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Pagkapasok ko sa opisina ko ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Zywon.

"How's the meeting?" tanong niya.

"Masakit sa ulo." sagot ko. Totoo naman kasi, parang kahapon lang nasa bahay ako tas ngayon balik trabaho na naman ako.

"Sabi na eh. Oh, eto." sabi niya at binigyan ako ng chuckie.

Napatingin naman ako sa kanya, "Pantanggal stress, favorite mo di'ba? Sabi mo kahapon." dagdag pa niya.

I smiled at tinanggap yung chuckie, "I'll pay you tomorrow with mogu mogu na lychee. Hahah!" biro ko and we ended up laughing.

Zywon was right, namiss nga ako ng mga taga-dito. They even prepared a lunch kanina, sabay sabay kaming kumain. I just felt touched, kasi di'ba yung iba isinusumpa yung boss nila pero sila, parang sobrang saya nila na nakabalik ako.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ni Zywon sa akin.

Umiling ako, "May pupuntahan pa ako eh." sagot ko.

"Hatid kita?" alok niya.

"Wag na, susunduin ako ni Manong." sabi ko. Tsaka above his duties na kapag nagpahatid pa ako.

"Ganun? Edi, una na ako? Ingat ka pauwi ah?" sabi niya.

Tumango naman ako, "Ingat ka rin pauwi." sabi ko.

Umalis na si Zywon kaya mag-isa na lang ako dito sa opisina ko. Iintayin ko pa kasi si Manong. Sinubukan ko ulit tawagan si Charlie pero cannot be reached pa rin siya. Simula kaninang umaga ay tinatawagan ko na siya kaso ni isa ay wala siyang nasagot. Naka-off ata ang phone niya which is very unusual of him. Sinubukan ko ring tawagan si Peter kaso maging siya ay di sumasagot. Hindi ko alam kung dapat na ba akong mapraning o ano pero kasi naman.

Dahil wala pa ring sumasagot sa kahit na sino sa kanila ay napagpasyahan kong pumunta na lang sa office nila.

*****
Nakarating na ako sa opisina ni Charlie. Agad akong nagtanong dun sa information desk nila, "Si Charlie nandito pa?" tanong ko. Kilala naman na nila ako dito kaya wala ng arte pa sa pagtatanong.

"Ay ma'am Erliyah, di po pumasok ngayon si Sir Charlie." sagot niya.

"A-Ano?"

"Di po siya pumasok." ulit niya.

"Eh si Peter? Nandyan ba siya? I need to talk to him." tanong ko ulit.

"Ay, hindi rin po kasi siya pumasok." sagot niya.

Lahat na ng possibilities pumasok sa isip ko, bigla akong napraning. Asan ba sila?!

"May business trip ba sila or out of town mga ganun?" tanong ko. Kahit nagtatampo sa akin si Charlie, inpossibleng hindi niya sabihin sa akin kung nasan siya o kung aalis man siya.

"H-Hindi ko po alam eh. Above my duties na po iyon. Pasensya na po." sagot niya.

I thanked her at madaling bumalik sa kotse. "Manong,  drive me to Charlie's house. Alam niyo po kung saan iyon di'ba? Bilisan na lang po natin." sabi ko.

Habang papunta kami kay na Charlie ay tinawagan ko na ang lahat ng kaibigan namin para matanong kung alam nila kung nasan si Charlie pero lahat sila ay hindi alam. Paulit ulit ko siyang sinubukang tawagan pero wala pa rin. My whole system is panicking, kahit hindi ko alam kung bakit ako nagpapanic.

Agad akong bumaba sa tapat ng bahay nila. I almost broke their doorbell sa sobrang kapipindot ko.

"Ineng, gabi na ah. Anong ginagawa mo pa dito?" sabi ni Manang.

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now