Chapter 5

3.2K 136 37
                                    

[ERLIYAH MAE SANTOS]

Kringgg... Kringgg...

"Mommy someone's calling on the telephoneee~" Ethan said. Agad naman akong tumayo. Pinag-aaralan ko kasi yung financial statement ng business namin dito. Bukod kasi sa pag-asikaso ko para sa bahay namin ay pinatitignan din sa akin ni Mommy ang business namin.

Agad kong sinagot ang tawag, it was a call from the reception. "Yes?" I answered.

'May bisita po kayo.'

"Sino daw?"

'Aliyah Mae Madrid.'

"Ah okay. Let her in, she's my cousin." sagot ko.

'Okay po, ma'am'

Agad kong niligpit ang mga gamit ko. "Ethan, Ate Aliyah will be here. Help Mommy clean the house, please?" sabi ko. My baby nodded and starts picking up his toys.

"Thanks, baby." I said.

Ilang minuto lang ay may nag'doorbell na. I hurriedly run towards the door. "Hi--"

"Surprise!!!" at pumasok na sila sa loob.

"Ano girl? Gulat na gulat? Hahaha!" sabi ni Nicole.

Agad akong ngumiti, "Ah, oo. Akala ko kasi si Aliyah lang ang nandito. Di ko alam na kasama pala niya kayo." sagot ko. They're here, Lesley, Nicole, Valerie, Belle and Aliyah. They brought foods.

"Patambay muna kami ah? Kwentuhan naman tayo, aba ang tagal mo kayang nawala. Haha!" sabi ni Valerie.

"Namiss ko ito! Finally, nabuo rin tayo." sabi ni Nicole.

I smiled at them, "Maupo muna kayo, maghahanda lang ako ng juice." paalam ko.

Niligpit ko muna ang laptop at mga papel na ginagawa ko kanina. Siguro mamayang gabi ko na lang ito gagawin. Haha!

"Mommy, sino po yung mga nasa labas?" tanong ni Ethan na nakayakap sa binti ko.

"They're Mommy's friends. Andun si Ate Aliyah, nakita mo na? Yung pinuntahan natin nung isang araw." paliwanag ko.

"Really? She's here?" tanong niya, tumango naman ako. He immediately ran outside, he likes Aliyah. Mukhang click ang ugali nilang dalawa. Haha!

Naghanda ako ng juice at ilang chips para sa mga bisita ko. "I'm sorry  eto lang ang meron ako ngayon." sabi ko.

"Ano ka ba? Okay lang! Kami na nga nag-surprise visit eh. Hahaha! Tsaka may dala kaming mga pagkain natin." sabi ni Belle.

"Ang cute cute talaga ni Ethaaaaan~~~" sabi ni Aliyah at niyakap ng mahigpit si Ethan.

"Buti na lang di natin pinasama sina Blake. Hahaha!" sabi ni Nicole.

"Oo nga, pilit yun ng pilit sumama eh. Gusto lang nun makitsismis. Hahaha! Tsaka girls' talk natin ngayon. No boys allowed. Hahahaha!" sabi ni Valerie.

"Asan si Charlie?" tanong ni Lesley.

"Uh. May pasok siya." sagot ko.

Naupo na ako sa tabi ni Aliyah, I'm still adjusting. Ngayon ko na lang sila nakasama ulit. Medyo naiilang ako kasi syempre hindi ko sila maalala. Buti nga tama yung mga pangalan nila na nasabi ko kanina. Haayyy! Ang hirap ng ganito -_-

Our Twisted Story [Book 2]Where stories live. Discover now