11. Sweet Treats (Part 2)

687 41 17
                                    

Author's Note: Hey babes, this is a newly added chapter. Salamat sa patuloy na pagbabasa. 🙈🙈🙈

Bryan

Maaga akong nagising. Hindi dahil sa alarm ko na mamaya pa sanang 6am mag-iingay, kundi dahil sa isang masamang panaginip. Wirdo ang panaginip dahil naging ako raw 'yung karakter ko sa Evaporatus. Kumbaga, ipinaranas nito sa akin ang mapait na karanasan ng sinulat na karakter. Agad akong dumiretso sa aking desk at saka nagsimulang magsulat. Nade-depress ako sa naging panaginip kaya gusto kong ibaling sa ibang bagay ang aking nararamdaman, ang matinding emosyon na baka lalong malungkot 'pag hindi ko nailipat sa mga salita. Pagkakataon ko na rin ito para maipagpatuloy ang sinusulat na bagong kuwento.

Itinigil ko muna ang pagsusulat nang tumunog na ang alarm ko at nagsimulang magluto ng aking pang-umagahan. Dahil mag-isa lang sa condo, natuto na rin akong magluto ng ilang mga putaheng naaral dahil sa panunuod ng tutorial videos online.

7:30 am na rin ako nakaalis ng condo at para magtungo sa event room ng Rushtons Mall. May writing workshop kasi roon at isa ako sa mga nakuhang lecturer. Iyon ang "Do The WRITE Thing Workshop" na inilunsad ni Mara Moral. Tinawagan ko naman si Sasha nang maisip na baka interesado ito sa nasabing workshop. Mabilis niyang nasagot ang tawag at saka sinabi sa akin na susunod daw siya.

Isang oras na akong nagtuturo nang makarating ito. Suot ang isang bulaklaking bestida, umaalon ang mahaba niyang buhok at para bang ayoko nang ialis ang tingin dito. Hindi ko namalayang nalaglag na pala ang panga ko habang tinitingnan siya.

"Sir JB, okay lang po kayo?" tanong ng isa sa mga estudyante ko. Kaya naman sinagot ko muna ito bago nilapitan ang papalapit na rin sa aking si Sash. Agad na rin akong nag-excuse sa mausisang estudyante at sinalubong si Sasha.

"Sana hindi pa ako late?" bati nito.

Sasha

Maaga akong nakatulog pagkatapos ng aming munting parti kina Tara. Maaga rin naman kasi kaming umuwi ni Lucy kasi maaga ring dumating si Edmund para sunduin si Tara.

Kaya nang tumawag ang isang Bryan Tomlinson, mabilis ko itong nasagot. Kagigising ko lang at sa totoo lang, tamad na tamad pa akong magsalita. Nang matapos ang tawag, saka ko pa lang napagtantong nag-yes ako sa imbitasyon nito.

Nawala ang antok ko at dali-dali akong naligo para mabilis na makapunta sa Rushtons.

Nang buksan ko ang pinto ng event room, nahihiya ako kasi feeling ko sa akin lahat nakatingin ang mga tao sa loob ng kuwartong iyon. Iyon ang problema 'pag late ka, magiging center of attention ka talaga. Isama pa ang kabang nararamdaman ko nang magtagpo ang mga mata namin ni Bryan. Ang guwapo niya sa suot na polo at itim na chino pants. Tapos, gustong-gusto ko rin ang pagkaka-brush up ng buhok nito.

"Abot na abot ka pa, Sasha. Sorry ulit, short notice e."

"Ayos lang. Sobrang flattered nga ako na naalala mo pa ako e."

Bryan

May tumikhim na isang estudyante kaya naputol ang pag-uusap namin ni Sasha. Mabilis ko na lang itong inihatid sa bakanteng armchair sa may unahan. "Professor na professor ang look mo ngayon ha," tudyo pa nitong si Sasha bago ko ito iniwan sa kanyang pagkakaupo.

"Gano'n ba? Tapos, estudyante kita?"

Tumango ito at medyo naging dismayado ako. Para kasing gumagawa siya ng imaginary wall sa pagitan namin. Hindi ko ma-explain pero nararamdaman ko iyon.

Nagpatuloy ako sa aking workshop at naging masaya rin dahil sa napaka-aktibo ng mga estudyante ngayong araw. Halatang uhaw na uhaw silang matuto. Bagaman, tahimik si Sash sa pagkakaupo nito, halata ko naman ang masugid na pakikinig nito. Paminsan-minsan ay haharap ito sa notebook niya para magsulat. Bago matapos ang workshop, ako naman ang nagtanong sa mga kabataang naroroon. 2/3 siguro sa bilang ng mga naroroon ay kababaihan. Una kong tinanong ang isang babaeng nasa may likuran. Nakasuot ito ng all black na shirt, pants at shorts. Siguro nga ay medyo dark ang personality nito. Curious ako and so I asked her. "Ikaw baby, bakit gusto mong magsulat?"

Muhkang nahiya ito nang magtinginan ang lahat sa kanya. Pero ngumiti ito sa akin at tumayo, "I write instead of crying, I write instead of dying," sabi nito.

Binalot ng katahimikan ang buong kuwarto at kahit ako ay napipi sa naging sagot nito.

Nang ma-process ng utak ko ang sinabi nito, agad ko siyang nilapitan. Napansin ko rin ang mabilis na paglapit ni Sasha rito na siyang nagsimulang yumakap sa seryosong estudyante. Tinawag ko ang lahat ng mga estudyante para nga sabay sabay na namin itong mayakap. Noon ko napansin ang namumuong butil ng luha sa gilid ng mga mata nito. Sobrang touching lang ng eksenang iyon, napasubo tuloy ang mga baon kong advice at kahit ako ay muntik nang maiyak.

Sabay na kami ni Sash umalis ng event room. Kami na lang ang naiwan doon pagkatapos magpa-booksign ng ilan sa mga naging estudyante ngayong araw.

"Salamat talaga sa pag-invite mo sa akin, ang dami kong natutunan today," sabi nito.

"Hindi ka na ba talaga galit sa akin?"

"Hmmm. Pag-iisipan ko pa."

"Aw," sumimangot ako.

"Oo na. Hindi na nga." Ang bilis niyang makonsiyensiya.

"Wow naman. Sana hindi nasayang ang araw mo ngayon."

"Ano ka ba? Marami nga akong natutunan. At saka kung hindi ako pumunta rito ngayon, hindi ko makikilala si Mira. Feeling ko, magiging isa siyang magaling na writer sa mga darating na panahon."

"Kaya mo rin 'yon."

Sasha

Nagkita ulit kami ni Bryan the next day. Sabi nga ni mama, napapadalas na raw yata ang pakikipagkita ko rito. Ingatan ko raw ang puso ko. Ang sarap kasi niyang kasama. Basta ang hirap i-explain. Sinama niya ako sa photo exhibit ng isa sa mga kabigan niya. Minsan, hindi ko rin maintindihan kung bakit ba ako lagi ang isinasama niya. Wala na ba talaga siyang ibang kaibigang mayaya?

Ako pa naman na uhaw sa exposure sa ganitong klase ng sining, ay hinding-hindi hihindi. Gusto ko ang mga kuwentong nahihinuha sa litratong nakikita sa exhibit.

Bago matapos ang araw, isinama niya naman ako sa paborito niyang kainan sa Fate Farmland, ang Heart's Desire.

"Salamat ulit," sabi ko rito. Maliit lamang ang mesa roon at magkaharapan kami. Kitang-kita ko kung pa'no nabubuo ang ngiti sa mukha nito sa tuwing magsasalita ako. Ayokong mag-assume. Pero ang sarap niya rin kasing titigan. Parang matutunaw ang puso ko.

Bryan

Sobrang aliw na aliw akong makinig sa mga kuwento niya. Kaya dapat ako ang nagpapasalamat sa kanya dahil napapasaya niya ang mga araw ko. Bilang isang author kasi ang hirap ilayo ng sarili mo sa mga karakter na sinulat lalo na kung depressing situation ang pinagdadaanan nila, at some point makakaramdam ka rin ng depression. But I met Sasha. Nagkaroon ng bagong sigla ang buhay ko.

"Sash, may gusto akong sabihin sa 'yo."

Napansin ko naman ang pamumula ng mukha nito kaya kinabahan ako. Hay, baka hindi ko naman masabi ang gusto kong sabihin dito.

"Ano naman 'yon? Pero bago 'yan, ako muna ang magtatanong? Bakit ang bait bait mo sa'kin kahit ang sama-sama ko sa'yo noon?"

"Ah wala lang. Siguro, dahil naalala ko sa'yo si ate Bree."

"Ah, gano'n ba? Parag kapatid lang," nakangiting sabi nito. "S-so ano ngang itatanong mo?"

"Masarap ba ang cake na 'yan?"

(▰˘◡˘▰)
◦One Day He Wrote My Story◦
Kung nabasa mo na ang Kung Pano'ng Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw, kilala mo na si Mira na isa sa mga attendees ng workshop ni Bryan. 😍

One Day He Wrote My Story (Completed) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن