8. Friends & Feuds

1.5K 92 42
                                    

Sasha

Pagdating ko sa bahay nina Tara, sinalubong ako ni Caleb ng isang malaking ngiti. Nakita kong nakatitig siya kay Bryan kaya naman lumingon ulit ako sa kanya para mag-wave. Dahil malayo na siya kay Caleb ay 'di ko na sila naipakilala sa isa't isa. Malawak kasi ang landscaped front yard nina Caleb patungong porch nila at sa mismong kalsada naman nakatigil ang SUV ni Bryan. Kaya pagkatapos kong kumustahin si Tara kay Caleb ay 'di ko na rin nahintay ang sagot niya. Minabuti kong puntahan na agad si Tara sa kuwarto nito. Alam ko kasing hinihintay na ako ng kaibigan ko.

Salamat naman at magkasama na sina Tara at Lucy. That's what I love about Lucy. 'Di siya nawawala 'pag kailangang kailangan namin siya. Siya pa nga lagi ang pinaka-unang nakararating 'pag may emergency meeting kaming girls.

"I'm sorry, Tara," bungad ko pagpasok sa kuwarto niya. Ramdam na ramdam ko ang pamamanglaw niya nang niyakap ko siya. Mapupula ang mga mata niya at kumalat na rin ang eyeliner sa palibot ng mga ito.

"Sash, I don't know what to do. Bakit mahal ko pa rin siya kahit nahuli ko nang may kasama siyang iba? Ang tanga tanga ko," ani Tara. Mapapansin mo rin ang pagkapagas ng boses nito.

"Nagkausap pa ba kayo? Mayro'n bang confrontation? I so hate that guy!" sambit ko naman na inis na inis kay Edmund. This time, pinupunasan ko na ang mukha niya gamit ang wet wipes na inabot sa akin ni Lucy.

"I can't. Hindi ko nga nagawang lapitan sila. Kahit ako pa ang niloko nila. 'Di ako kasing tapang mo, Sash. How I wish nasabunutan ko si ate mong girl at napagsampal ko si Edmund. Hayop siya! Bakit niya ako ginaganito?"

"P'wes, humanda siya kay Caleb," banta ko kay Edmund.

"NO! Hindi pa alam ni Caleb. At baka 'di na kami magkaayos ni Edmund 'pag ginawa niya 'yon," ani Tara.

"No way! Matagal ka na niyang ginagago tapos gusto mo pang balikan siya? You can't let this pass," mariing tutol ni Lucy na mukhang nabigla rin sa nasabi niya.

"What do you mean, Luz? You mean matagal mo nang alam na may relasyon sila ni Seng? Oh come on!" galit na reaksyon ni Tara. Tumitig siya kay Lucy na halata kong naghihintay ng isang mahabang paliwanag.

"Oh please, can we not have this conversation?" pakiusap ni Lucy na 'di makatingin nang diretso kay Tara.

"Woah! I thought you're my friend. How could you do this to me?" nangangatal na humyaw ni Tara.

"Tara, ayoko lang masaktan ka and I don't know... "

"You mean matagal mo na ngang alam? Matagal mo nang alam na nagpapakatanga ako sa lalaking 'yon? Tingin mo ba 'di ako nasasaktan ngayon?" bulyaw ni Tara.

"Well, it's not my fault. Kaya h'wag mo akong sisihin sa nagloko mong boyfriend!" sagot ni Lucy na nagtaas na rin ng nanginginig niyang boses. Ngayon ko lang nakitang magalit si Lucy. Sabi nga nila mas matindi raw magalit ang mga introvert at reserved person. At natatakot ako sa puwedeng mangyari sa loob ng kuwartong iyon.

"Please, p'wede bang pag-usapan natin 'to nang mas mahinahon?" pakiusap ko sa dalawa.

"Shut up!" sabay pang sigaw ng dalawa. Natigilan na lang ako. 'Di ko na alam ang sasabihin ko.

"You know what, I don't think I'm still welcome here so I'm leaving now... Enjoy your party, girl friends," bulyaw ni Lucy na biglang kinuha ang bag niyang nakahiga sa kama ni Tara at sabay labas ng kuwarto.

"Yeah. Leave now! Please," sigaw ni Tara.

"T-Tara? Lucy?" Gusto kong pigilan si Lucy pero naisip ko rin na baka mas kailangan nila ang space na 'yon.

One Day He Wrote My Story (Completed) Där berättelser lever. Upptäck nu