10. Hot & Cold

1.4K 97 33
                                    

Sasha

Tahimik at walang ibang tao sa loob ng faculty room. Malamig ang hanging dala ng air conditioner sa loob ng kuwarto. Kasing lamig ng ngiti ni Ms. Jayne. Hindi ko inaasahang tatanungin niya ako ng mga bagay na 'di related sa thesis ko.

"A-ah. Opo. Nagpasama po siya sa'kin sa book signing event niya," kinakabahang sagot ko.

"Nasabi niya nga sa'kin. Kinuha n'yo pala siyang speaker last time?" sambit niya na nakatuon ang tingin sa papel niyang binabasa, ang chapter 1 ng thesis ko. Nasabi na pala sa kanya ni Bryan bakit tinatanong pa niya sa'kin? At dahil nasabi na niya sa kanya, posibleng nagkikita pa nga sila nang madalas. Hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya. 

"Ah. Opo. Buti nga pumayag siya," ani ko.

"Papayag talaga 'yon," mabilis niyang sagot. "Mabait na tao 'yang si Bryan. Madaling lapitan kaya minsan 'di maiiwasang may mga taong umaabuso na ng kabaitan niyang 'yon. Hindi naman siya nakikinig sa'kin when I'm warning him against those users," dagdag pa niya. This time, may hawak na siyang lapis habang minamarkahan ang ibang bahagi ng ipinasa kong article sa kanya. May part siyang ginugurihan.

Ayoko na magsalita pa pero mas lalo sigurong magiging awkward at hindi polite kung tatahimik na lang ako. "Tama kayo d'yan sobrang bait nga niya. Kahit nga kakikilala niya lang sa'kin, napagbigyan niya agad ako," sambit ko habang pinipilit ngumiti.

"Hmmm. Matagal na kaming magkakilala niyang si Bryan. Since high school pa. Kaya mahalaga siya sa akin. I mean, pinapahalagahan ko nang lubos ang friendship namin," saad niya. Usapang friendship pala 'to. So dahil ilang weeks pa lang kaming magkakilala, mas matimbang na agad ang friendship nila? Ang tanong, friends lang ba talaga sila?

"Ah matagal na po pala kayong magkakilala?"

"Oo. Matagal na," sagot niya sabay tingin sa akin. "Okay na 'to," dagdag pa niya habang inaabot na pabalik sa akin ang piraso ng papel na ipinasa ko sa kanya kanina.

"Thanks, Ms. Jayne," ani ko bago ako tuluyang lumingon sa may pintuan. Gustong-gusto ko nang umalis sa kuwarto na 'yon.

"Teka Sasha!" Ano naman Ms. Jayne?

"Po?"

"Like Bryan, I know that you're also a very kind person. Na ayaw mong makasakit ng iba. But people will try to hurt you. Be strong. Mag-iingat ka sa naglipanang mga user sa paligid," paalala niya. "Pagpasensiyahan mo na ang mga nasabi ko kanina. Pagdating kasi sa mga kaibigan ko, nagiging over protective ako," pahabol pa niya. Sa totoo lang ayoko na talaga siyang kausapin. Kung 'di ko lang siya talaga thesis adviser.

"Okay po, salamat po 'do'n."

"No problem. Asahan ko na lang 'yong Chapter 2. Sana ganyan din kaayos. Good job!"

Hindi ko lubos maintindihan kung bakit napasali si Bryan sa thesis advice niya sa akin. Kaya naman hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay siya pa rin ang iniisip ko, ang mga sinabi niya sa akin. May relasyon ba silang dalawa? Hindi naman namin siya napapag-usapan ni Bryan. At lalong hindi rin naman siya puwedeng magselos sa aming dalawa dahil magkaibigan lang naman kami. Masaya na ako do'n, ikaw ba naman ang may kaibigang isang JB Tomlinson. Oo't guwapo rin talaga siya, pero alam kong hindi ako maaaring ma-in love sa kanya. Kasi alam ko na imposible naman siyang ma-in love sa isang tulad ko. Masasaktan lang ako kaya hindi ko na papatulan pa ang ideya na ang isang tulad ni Bryan ang magkakagusto sa akin. Wala nga kahit ni isa sa man lang lalaki sa campus namin ang nagtangkang magparamdam sa akin ng kahit konting pagtingin, si Bryan pa kaya?

Ngayon ay nakahiga na ako sa kama ko habang iniisip pa rin ang mga sinabi ni Ms. Jayne kanina. Napalingon ako sa libro ni Bryan na nakatayo sa book shelf ko nang biglang mag-ring ang phone ko na nasa bedside table ko naman.

One Day He Wrote My Story (Completed) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt