18. Last Night

972 67 33
                                    

Tara

Parang may maliliit na karayom na tumutusok sa loob ng ulo ko para lalo akong mahilo. Was it because I drank too much last night? Nagising akong nakahiga sa couch katabi si Edmund na mahimbing pa rin ang tulog. Ito ang couch sa living room ng bahay nila kung saan naganap ang party kagabi.

Maingat akong tumayo para hanapin si Luz. Wala akong maalala sa mga nangyari kagabi. Wala siya rito sa sala. Muntik ko pang matapakan 'yung ibang boys na nakahiga sa carpet.

Wala rin siya sa dining room at kitchen, at kahit sa porch ay nagkalat na red cups lang ang bumungad sa akin. Binuksan ko ang ilan sa mga kuwarto roon. Nagulat ako sa mga nakita ko. Sa unang room, it was Rosy J with Billy, teammate ni Edmund. Oh gosh, anong ginawa nila last night? They're naked—and asleep kaya 'di nila ako napansin. The next room was empty. At least, that's what I knew nang 'di ko pa binubuksan ang umuugang aparador doon. Turns out, Donna J and Seng were making out inside the wardrobe. Ang aga ha. And the last room was locked. I knocked.

"Luz, are you there?"

Walang sumasagot. Pinuntahan ko si Edmund para gisingin ito.

"Hey babe, ang aga mong nagising. Gusto mo nang lumipat sa room? Para mas makatulog ka nang maayos," aniya.

"No. Yeah. Naka-locked 'yung isang room nyo. P'wede mo bang buksan? Check ko lang kung nando'n si Luz."

"Hey, teka. 'Di mo na naalala?"

"Na ano?"

"Oh babe, 'yung nangyari kay Lucy kagabi."

"What happened?"

Sasha

Nagising ako sa kalmot ni Snow. Katabi ko ba siyang natulog? Nakatitig ito sa akin na may mukhang para bang nagmamakaawa. Gusto lang ba nitong kumain? So, I called mama.

"Oo nga, 'nak. Kagabi pa 'yang 'di kumakain. Bili ka kaya muna ng cat food sa supermarket?"

"Oh gosh, gutom na gutom na nga siguro 'to. Gising na po ba si Shiver?" sabay haplos ko kay Snow.

"Hay, tulog pa. Napuyat din 'yang kapatid mo," natatawang sambit ni mama.

"Ma, don't give me that look."

Pinagtimpla muna ako ng kape ni mama. 'Tsaka ko pinalitan ang pajama ko ng black sweater at jogger pants with my running shoes. Tatakbuhin ko na lang kasi ang supermarket. Malapit lang naman ito sa bahay namin. Makakapag-exercise pa ako.

On my way to the supermarket, bigla na lang ulit sumagi sa isip ko ang mga kaibigan ko. Ano kayang nangyari sa kanila sa victory party kagabi? Akmang tatawagan ko na si Tara nang biglang mag-ring ang phone ko. It's her who's calling.

"Bes, 'di ko ma-contact si Luz. Try mo nga," pakiusap ni Tara.

"Bakit? What happened?"

"Something went wrong last night. Nalasing siya nang sobra. And alam mo na ang mangyayari 'pag nalasing siya. She spills the beans."

"OMG. Ano raw mga nasabi niya?"

"Marami raw. Capitalizing raw. At 'yun nga ang problema ko e, wala akong maalala. I'm worried. Wala na siya kina Edmund. 'Di rin niya sinasagot ang tawag ko."

"Okay, I'll call her. Wait lang, bes."

Lucy's phone rang. Pero hindi niya ito sinasagot. What's wrong with her? Baka naman tulog pa siya. Bago ako mag-panic ay nagmadali muna akong bumili ng cat food sa supermarket.

When I got home, dali-dali kong pinuntahan si Snow para pakainin na. Gising na rin si Shiver na nakabantay na rito. Nakaupo siya sa sahig ng dining area namin habang hinahaplos si Snow.

One Day He Wrote My Story (Completed) Where stories live. Discover now